5| The Crier

1.2K 58 25
                                    



Matteo


Pagkapihit pa lang ni Jodie ng siradura palabas ng hall matapos ang kanyang emosyonal na first testimonial para sa TV show ay agad na napatingin sa kanya ang ibang crew.

Nagpupunas kasi siya ng luha bagaman halata ang pagpupumilit na ngumiti. Hindi kasi niya napigilang umiyak kanina nang banggitin niya sa harap ng kamera ang masaklap na kapalaran nilang magkakapatid na napiliting magkalayo matapos pumanaw ang kanilang mga magulang.

"Are you okay, Jodie?" Lumapit kaagad si Kimberly Perez sa kanya at saka siya pinaupo muna. Inaabangan ni Kimberly ang paglabas ng dalaga mula sa hall at tulad ng iba ay bahagyang nagulat sa hitsura ngayon ni Jodie.

Hindi naman siya sinagot ng serbedora nang diretso at nagpakita lamang ng isang malamyang ngiti.

"Oh my, we need to do some retouching. Teka lang ha, babasain ko muna itong sponge ko para mas kumapit pa ang foundation sa face mo," ani Kimberly sa dalaga bago siya maglakad palayo.

Sa kabilang dako naman, walang kamalay-malay si Jodie Tuazon na natatanaw at inoobserbahan siya ngayon ni Juan Enrique.

Komportable ang upo ng binata sa isang cushioned reclining chair, nakataas pa ang mahahaba niyang binti sa isa pang kahoy na upuan. Inaayusan siya ng kanyang personal assistant habang abala namang tinitipa ng kamay niya ang hawak niyang Iphone.

Nang lumabas mula sa hall si Jodie at nakita niyang umiyak ito, 'di tulad ng iba na nagpakita ng pagtataka at awa sa dalaga, bumungisngis lang si Juan Enrique. Nakasuot din kasi ang binata ng malaking tinted glasses kung kaya naman hindi halatang pinanrorolyohan niya ng tingin ang dalaga.

A crier? bulong niya, tinutukoy ang kanyang pagkadismaya sa pagpapaawa ni Jodie.

Pagkatapos nito, hinanap ni Juan Enrique ang isang naka-save na video sa cellphone niya. Pinanood niya itong muli, sa hindi mabilang na pagkakataon mula noong unang araw matapos niyang pirmahan ang kontrata sa pagsali sa show.

Ang video na ito ay ipinadala sa kanya ng kanyang Lola Alminda pitong taon na ang nakakaraan.

"Hello apo!" pambungad na sabi ng kanyang Abuela sa video.

Si Juan Enrique lang ang nakakarinig ngayon sa audio ng video dahil sa nakapasak na puting wireless earbuds sa mga tenga niya.

"Kumusta ka na, Matteo? Kailan ka magbabakasyon dito, ha?" pagtutuloy ng matanda na malaki ang ngiti at kumakaway pa habang nakaupo sa isang wheel chair. Ito ay nangyari noong nagpapagaling pa si Alminda Laforteza mula sa isang mild stroke.

Nasa bandang hulihan ng naturang maikling video ang pinaka-interesanteng bahagi nito sapagkat may isang pamilyar na pigura ang napadaan at umakbay pa sa kanyang Lola—ang teenager pa lang noon na si Jodie Tuazon. Nakasuot ito ng kulay rosas na scrub suit.

"Lola, oras na raw po para sa gamot niyo," masiglang sabi nito bago kinuha ni Mindy ang atensyon ng dalaga.

"Hija, kumaway ka muna oh. Say hello to my apo," pakiusap ni Mindy kay Jodie Tuazon bago naman ito lumuhod sa tabi ng matanda upang harapin nang maayos ang selfie camera.

"Hello, apo ni Lola!" anito sabay pindot ni Juan Enrique sa 'pause' button.

Pinagmasdan niya nang maigi ang mukha ni Jodie sa video, itinaas ang screen ng kanyang Iphone upang itapat ito mismo sa dalagang ngayon nga'y kitang-kita niya mula sa kanyang kinauupuan.

The Love that Made the Stars Fall (+18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon