CHAPTER 21

4.3K 133 15
                                    

"Kate pov"

"Ano ba yan rhys tama na!" Awat ko sa kanya dahil nanaka ilang bote na sya ng tiquila. Naaawa ako sa bestfriend ko, iyak ng iyak simula nang makarating kami dito sa condo nya.

"Hin-di ba ako wor-th i-t" tanong nya sa akin. Kung ako nga lang masusunod mas pipiliin kong wag na syang umuwi sa bahay nila ni charles eh. Wasted na sya at sobrang daldal.

"Worth it ka rhys, sadyang mali ka lang ng taong minahal" saad ko naman sa kanya saka nag salin ng alak sa baso.

"Pero bakit ang sakit sakit" saad nanaman nya habang pinupunasan yung luha nya.
"Masakit eh, dito oh masakit" sabay turo nya sa dibdib nya.

Sobrang galit ako kay charles dahil sinaktan nya ng ganito si rhys kung meron na sana syang partner dapat hindi na sya pumayag na maikasal kay rhys.

"Kate mahal na mahal ko si charles" saad nya "pero tama pa ba ito" tanong naman nya.

Tumayo ako at kumuha ng pichel ng tubig, masyado na syang maraming naimon na alak. Mas mabuting tubig nalang muna.

"Rhys tahan na, ganito pakinggan mo ako" saad ko saka inangat ko yung ulo nya dahil naka yuko na ito dahil sa kalasingan.

"Kung talagang mahal ka ni Charles hindi ka nya sasaktan ng ganito okay, cheer up ang ganda ganda mo. Hindi ikaw to ang alam kong hanna matatatag at Hindi napapaiyak" saad ko naman sa kanya.

"Mahal ko si charl--" at tuluyan na nga syang nakatulog sa lapag andito kasi kami sa sala at sa center table kami umiinom.

Bagsak na si rhys at tulog na tulog Hindi pa nakakapag tanggal ng make up hay nako kung hindi lang talaga kita mahal eh.


"Rhys pov"

Andito ako nag kakape sa balcony ng condo ko, umalis na si kate kanina wala kasi syang gamit dito na pambihis.

Nagising ako kanina dahil ang sakit ng ulo ko, hindi ko maalala yung nga nangyare kagabi pero tandang tanda kopa yung mga nalaman ko kahapon sa school tuwing maalala ko yun sobrang sakit ng dibdib ko.

Ayoko munang isipin yun kaya pumasok nalang ako sa loob  mag luluto ng breakfast, nag luto ako ng egg saka bacon ako lang naman kasi ang kakain.

Kumain na kaya si charles? Siguro kasama nya si alexa at masayang kumakain. Galit ako kay charles dahil pinag sabay nya kaming dalawa well Hindi ko kayang magalit kay Alexa dahil sya naman ang nauna eh 3 years silang mag kasama at wala akong laban sa tatlong taong pag mamahalan nila.

Niligpit ko nalang ang mga pinag kainan ko saka ito hinugasan alas 10 pa naman ang pasok ko kaya maaga pa.

Naligo ako at nag prepare nag suot lang ako ng dress na off shoulder  saka nag hills pero hindi naman masyadong mataas. Maaga pa naman talaga pero balak ko kasing bumili ng aso sa pet shope alas otso palang naman so pwede pa.

Nakarating ako sa pet shope na malapit lang sa bahay namin ni charles. Pumasok ako saka nag tingin tingin ng mga aso. "Good morning miss" bati sakin ng babae na bantay ata sa pet shope.

Nag tingin tingin ako sa mga cage at ang cucute nilang lahat pero may isang aso na pumukas sa atensyon ko isa itong Pomeranian na color white ang liit liit nya saka ang cuteeee.

Tinitigan kopa ito ng matagal "miss kukunin nyo po?" Tanong sakin ni ateng nag babantay hindi ko namalayan na naka sunod pala sya sa akin. " Hmm yes kukunin ko" naka ngiting sagot ko habang tinitignan ang cute na aso.

"25,430 po lahat maam" nakangiting saad sakin nung cashier. Bumili nadin ako ng mga gamit nya higaan saka mga foods bumuli din ako ng laruan pero hindi ito madami saka nalang.

"Ate pwede po bang mamaya ko nalang kukunin? Dadaanan kopo sya mamayang ala una." Saad ko kay ate. " Pwede po miss dito po muna danaan nyo nalang po" nakangiting sagot sakin ni ate.

"bye nami" pag papa alam ko sa aso ko.
Nami ang pinangalan ko sa kanya dahil wala lang trip ko lang.

Umalis na ako at nakarating na sa school. 5 minutes nalang bago ang unang klase namin at si charles ang prof namin sa subject na iyon.

Nakarating naman ako ng wala pa si Charles at wala din padin si kate yung bruha asan nanaman kaya?.

"Uy rhys! Bakit umalis kayo ni kate kahapon? Anong emergency?" Tanong sakin ni kyle saka tumabi sakin.
Bakante kasi yung upuan sa tabi ko kaya free syang umupo doon.

"Ha? Wala basta mahabang story baka Hindi tayo matapos haha" palusot ko nalang sa kanya "bast emergency kyle don't worry ayos naman na" ngiti ko sa kanya.

Exam pala namin ngayon kaya isa lang ang subject dahil first day of exam isang subject lang yun at kay Charles pa. Hindi ako nag review gusto kong bumagsak kung Hindi mag tratransfer nalang ako ng ibang university para lang Hindi na sila makita.

"Good morning class" seryosong bati samin ni sir naka salamin sya ngayon at mas lalo syang pomogi sa itsura nya ngayon.

"Take your exam seriously, Hindi ako nag papa remedial kaya ayusin nyo" mabuti naman at gusto ko ng umalis dito.

Nasa akin na nga ang test paper ko madali lang naman ito kung talagang alam mo pero kung average ka naman mahirap talaga, napatingin naman ako sa mga classmates ko na panay kamot sa ulo.

Sinagutan ko naman yung first 5 questions at sinawalang bahala na yung iba Hindi ko nadin binasa yung nasa likod or kung meron man. Nag lagay nalang ako ng earphone hihintayin kong may mag pasa saka ako susunod para di halata.

"All papers andito na i checheck ko agad saka i aanounce yung scores nyo" nag hintay lang kami at wala pang 5 minutes natapos nya na.

"Martinez 89"

"Gomez 87"

"Montemayor 93"

"Buenavista 99"

Ang tataas ng nakuha nilang score, tuwang tuwa naman si kate dahil muntik nya ng ma perfect yung exam.

"Lopez 5" Hindi na ako nagulat sa score ko dahil sinadya ko naman iyon ngumiti pa nga ako kay kate pero sya mukang nag aalala sa narinig nyang score ko.

"Aww Hindi naman pala matalino" rinig kong sabi ni alena

"Running for suma comlaude pero tanga naman pala" saad din ni precious

"Ang baba ng nakuha nya maganda lang pala pero bobo" saad naman ni karl.

" That's all contacts sa lahat ng mga naka kuha ng matataas na score"

"And you miss Lopez go to my office now"

----------------------------------------------------------------
<3


my husband is my professorWhere stories live. Discover now