CHAPTER 22

4.4K 137 25
                                    

"Rhys pov"

"Ano nanaman ba?" Tanong ko kay charles pinapunta nya kasi ako dito dahil lang naman 5 ang nakuha kong grado sa exam nya.

"What? Tignan mo nga yang score mo! Sa tingin mo matutuwa mga magulang mo sayo!" Sigaw nya sakin.

"then what kung Hindi sila matuwa? Anong pake mo? Ha!?" Bawi ko namang saad dahil sa pag sigaw nya sa akin.

"Ano bang gusto mong mangyare ha rhys! Bakit mo binagsak ang exam mo, alam kong sinadya mo dahil hindi mo sinagutan yung iba!" Mahinahon pero galit nyang saad sa akin.

"Anong gusto ko? Ha! Gusto kong bumagsak! Kung Hindi babagsak, well then mag tratransfer ako ng university!" Galit na galit na ako parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang galit.

"Ayoko na kitang makita! Ayoko na kayong makita!" Sigaw ko ulit sa kanya unti unti nang pumatak yung mga luha ko.

"charles ganito kaba kasakit mahalin?" Tanong ko sa kanya.

" Rh-ys" i stopped her.

"gusto ko lang naman ng simpleng pamilya  yung mamahalin ako ng asawa ko, oo asawa kita pero hindi ko ramdam! Charles hindi ko ramdam" napaupo ako sa harap ng table nya may dalawa kasing upuan doon.

"masama ba yun Charles?" Tanong ko nanaman. "Bakit kaylangan mo pa akong lokohin! Bakit!?"

"Kung ayaw mo sa akin at may girlfriend kana dapat noong una palang sinabi mo!!"
Sigaw ko nanaman.

"Bakit ha?! Anong mapapala mo bukod sa masaktan ako! Anong kapalit bakit ka pumayag na maikasal sakin!?" Ayoko na ubos na ubos na ako ayoko na dito, ayoko na.

Hindi sya sumagot at nanatiling tahimik habang tinigignan ako.

"Charles sumagot ka!"

"OO MAY MAKUKUHA AKO AT YUN YUNG MANA KO, PAG HINDI KITA PINAKASALAN HINDI KO YUN MAKUKUHA AT PAG NAKUHA KO NA IYON PWEDE NA KITANG HIWALAYAN!!"

mana? Pag hindi ako pinakasalan Hindi nya makukuha? Bigla akong nanghina sa mga nalaman ko ngayon bakit ba palagi nalang akong pinag tataguan ng katotohanan, naging masama ba ako?.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko saka ko sya hinarap.

"Hanggang kelan?" Tanong ko sa kanya, tinanong ko kung hanggang kelan nya makukuha yung mana.

"Pag ka graduate mo" Hindi ko alam kung bakit wala ng luhang pumapatak sa pisnge ko.

Ilang buwan nalang gragraduate nako saka ako mag rereview para sa board ng vetmed.

"Yun ba? Sasaya kaba pag nangyare yun?" Tanong ko sa kanya. Masakit padin gusto ko na talagang umalis dito.

"don't worry kakausapin ko sila mommy at sabihin sa parents mo na makukuha mo na agad ngayon yung mana mo" diretcho kong sabi sa kanya.

"rhys you dont have to do that" sagot naman nya. Hindi ba? Diba ito yung gusto nila. Nakakasawa din pala, nakakaubos din ng pag mamahal.

"No charles okay na, saka yung annulment ibigay mo sakin kung hindi mo maibibigay ako ang gagawa." Saka ako pumunta sa pintuan ng office nya nakita ko naman doon si alexa na nakikinig pala sa usapan namin Hindi din nakaligtas yung ngisi nya dahil nakita ko yun.

Una palang pala ito na ang gusto nya, putang ina mana lang! Mana! Dahil lang sa pesteng mana na dahilan ng pag ka durog ko.

Pumunta ako sa parking lot at sumakay ako sa sasakyan ko. Ayoko na ayoko na! Ang sakit sakit. Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa makarating ako sa bahay.

Hindi ko na pinasok sa loob ng garahe yung sasakyan ko para mabilis lang din ako maka alis.

Unti unti kong tinignan ang bahay, ma mimiss ko ito kahit hindi kami okay ni charles habang andito ako, mamimiss ko parin ito. Umakyak ako sa kwarto ko at nilabas yung tatlong maleta ko sa kabinet kinuha ko lahat ng gamit ko na importante sa sobrang dami kong gamit Hindi ko ito maidadala lahat.

Binuksan ko yung drawer ko at nakita ko yung wedding ring namin, napaiyak nanaman ako dahil dun. Pero agad ko naman itong pinunasan, kinuha ko yung ibang gamit saka nilagay sa maleta.

Natapos ko ng ilagay lahat ng gamit ko pero may mga natira pa ipapa kuha ko nalang sa kasambahay namin sa dating bahay.

Tinignan ko ulit yung kabuuan ng kwarto ko, sa apat na sulok dito ito ang naka saksi sa mga luhang nasayang dahil sa maling tao.

Nilapag ko yung box na may lamang wedding ring namin sa side table malapit sa pinto, ayokong dalhin yan maalala ko lang kung gaano ako nasaktan. Bahala sya kung anong gusto nyang gawin dyan itapon nya or sunugin nya.

Hirap na hirap akong hilain yung mga dala kong maleta pababa pero dahil gusto ko na ngang makaalis dito pinilit kong ibaba ito.

"Anak? Anong nangyare? Bakit may dala kang maleta?" Dahil sa narinig ko napaiyak nanaman ako. Si manang nakita nya akong buhat buhat yung mga maleta ko.

"Manang" yumakap ako sa kanya.

"Pagod napo ako, pagod na pagod na"

"Manang hiwalay napo kami ni charles, saka okay nadin po ito para sa ikabubuti ng lahat" saad ko sa kanya.

"halla bakit anak? Bakit kayo nag hiwalay? " Tanong naman ni manang.

"Mahabang storya po manang, pero mamimiss kopo kayo saka mag iingat po kayo ah wag nadin po kayong masyadong nag papagod" paalala ko kay manang saka niyakap nanaman sya.

"mag iingat kadin sana anak, sana sa disesyon mong iyan ikaka saya mo" naiiyak na sabi sakin ni manang.

"salamat po sa lahat" bumitaw ako at saka kinuha yung mga gamit ko. Ayokong lumingon ayokong makitang umiiyak si manang dahil nasasaktan ako.

Dali dali kong bilagay Yung mga maleta ko sa likod ng sasakyan ko.

Mabilis din naman akong nakarating sa bahay namin. Pumasok ako sa loob at nadatnan kong nasa living room sila mommy.

Nagulat naman sakin si mommy dahil tumakbo ako sa kanya at saka yumakap.

"Anak what's wrong?" Tanong sakin ni mommy, umiiyak parin ako at patuloy naman si mommy sa pag hagod sa likod ko.

"Mommy im done, ayoko na po. Pagod na po ako mommy i want annulment papers" napabitaw naman sakin si mommy at nag tatakang tinignan ako.

"Mommy hiwalay napo kami ni charles nalaman ko po na ginamit nya lang ako para makuha yung mana nya sa daddy nya mommy ang sakit. Nalaman ko din na may girlfriend na sya at matagal na sila, nag babalak na nga silang mag pakasal" Tila batang inagawan ng candy ang paraan ng pag susumbong ko kay mommy.

"Tahan na anak sasabihin ko sa daddy mo yan ngayon para sabihin sa parents ni charles" saad sakin ni mommy.

"mommy paki sabi kila yaya kunin Yung mga natirang gamit ko sa bahay ni charles sabihin mo wag silang mag tira kahit isa." Saad ko nanaman kay mommy habang pinupunasan yung mga luha ko.

"Paki tawag nalang po ako sa kwarto ko kung andito na yung mga pinapakuha ko, mag papahinga lang ako mommy" tumayo ako saka nag lakad sa hagdanan.

Pagod na pagod na ako mentally and physically.







--------------------------------------------------------------
<3

my husband is my professorWhere stories live. Discover now