XXXVlll

121 6 0
                                    

Finn POV

"Ano ang english ng Hindi! Diba No?" saka humalakhak na naman ewan ko anong trip nila sa buhay nila.

"Feeling close kayo" mataray na sabi ko.

"Finn steven is my dude and bro" saka nag manly hug pa kuno ewan ko bakit nagseselos ako di naman ako pakipot ah.

"Oh finn ibigay mo sakin ang paa mo gagamutin natin yan baka di kana makalakad pa" pagbibiro ni tita eh sa praning ako.

"Ano ba tita wag ka ngang ganyan sakin!" sagot ko saka sinamaan si zane ng titig humalukipkip kasi ito sa unan saka tumawa ng tumawa kasama ng dalawang buang na'to.

"Oh si mama mo hindi pa nakakarating dahil gagabihin iyon" sabi niya kaya gusto kong magtanong kong pinahirapan ba talaga ni Jaxson sila ni mama.

"Ahmm tita may itatanong ako" panimula ko.

"Ano yun?" sagot niya.

"Naalala niyo nung tumawag ako, tapos hingal na hingal ka pinahirapan ba kayo sa pag tatrabaho niyo?" tanong ko kaya napatahimik naman si tita.

Ilang segundo rin nanahimik si tita at nag-aabang ako ng sagot.

"Tita?"

" 'Wag nating pag-usapan natin yan Finn" saka umalis sa harapan ko ang weird ng pakikitungo ni tita sa akin.

Napatingin naman dalawa na parang mag jowa lalaki ba talaga sila.
Yung isa naman busy sa cellphone sige busy busyhan kayo bahala kayo sa buhay niyo.

Umidlip ako 5:49 pm pa man lang kaya baka mamaya andyan si mama.

"Finnnnnnnnnnnnn!!!!!!!!" napabalikwas naman ako ng may sumigaw.

"Ayjusko ang lapit! Ano ba!" feeling ko namumula ang pisngi ko bakot kasi nakadagan sakin to.

"Nandyan na si mama tara na daw" sagot niya teka naki-mama narin aba feeling kaayo ha!

Nandito naman pala ako sa kwarto at sa pinto may nakasulat FinnXJaxson ano yan pagmamay-ari niya dito nakikikabit na siya sa kwarto ko no hindi ako tatabi sa kanya mamaya.

Paglabas ko nakita ko agad ang pagod na mukha ng ina ko pero maganda parin kahit ganyan.

"Mah!" tumakbo ako sa kanya saka yumakap.

"Mahhh! Imissyou nandito na ako" sabi ko.

Naramdaman ko na yumakap naman ito pabalik miss na miss kona kasi si mama sa lahay ba naman ng pagsubok na wala siya sa tabi ko ay proud ako.

"Mabuti naman anak na nakauwi ka" maluha luhang sabi niya.

"Hi tita!" saka nag mano kay mama may pa respect respect eh loko naman humanda talaga kayo sakin mamaya.

Napahinto naman si mamang makita ang dalawa bakit kaya.

"Boss!?" tawag niya.

"Boss?" sabay sabi namin ni Zane.

Yumuko si mama kaso pinigilan agad ni jaxson.

"No! Pag nandito ako sa pamamahay mo ituring mo akong iba at hindi boss" napakunot naman ang noo ko kilala niya agad si mama na trabahante niya?

"Goodevening po ako po pala si Steven boyfriend ni Zane" napangiwi naman ako sa napaka pormal na ugali ng lalaking halatang mayaman talaga tsss..bitter.

Nakita ko namam si Zane na mukhang inasinan sa pwet kaya kinurot ko ito.

"Aray ano ba!" bulong niya.

"Ikaw ha! Ano ba talaga ang label ninyo?" tanong ko pero pabulong kasi nandito si mama.

"At saka pala tita humihingi pala ako ng permiso para manligaw sa anak niyo" sabi niya.

"Ito liligawan mo? Wag na baka sakit sa ulo lang ito may gatas pa ito sa labi" sagot ni mama kaya napapikit ako kailangan ba talaga yun.

"No tita promise aalagaan kopo yung anak niyo"

Iniba ko agad ang usapan baka pumayag si mama delikado tayo dapat hindi tayo easy to get.

"Mah bakit mukhang pagod ka?" alalang tanong ko eh pagod naman talaga ang tao galing trabaho eh.

"Yung isa kong boss ang daming pinagawa" sagot niya.

"Dalawa boss mo ma?" tanong ko may kutob ako na baka si jeriel iyon.

"Oo, yung kambal niya nagiging sadista kasi lahat tinatanggal ang ibang kasamahan ko!" sagot niya.

Nakita kong kumuyom ang kamao ni jaxson kaya nag-aalala ako kay mama.

"Mah pwede mag-usapa tayo sa labas?" tanong ko.

Lumabas kami ng kami lang dalawa may kutob ako nasa dulo na ng dila ko pero di ko masabi.

"Mah! Nung tumawag ako naalala mo ba? Bakit hingal na hingal si tita sa mga panahon na iyon na nasa paaralan pa ako!" sabi ko.

Katulad ni tita ay katahimikan rin ang isinagot ni mama.

"A-anak wag nating pag-usapan yan" sagot niya.

"Hindi! Sabihin niyo mah!" diin kong sabi.

"Please wag mokong galitan finn" sagot niya.

"Hindi kita ginagalit nag-aalala ako sayo bilang anak mo mahh!" sagot ko.

Ilang minuto rin ang katahimikan at narinig kong humihikbi si mama.

"May nasabi ba akong mali mah? O masama?" tanong ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Si papa mo finn nasa panganib!" sabi niya saka napaluhod sa bermuda.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Wag ngayon anak pleasw bukas na bukas" naghihinang sabi niya.

"Ngayon na mah? Nasaan si papa umuwi ba siya?" naguguluhan ako sa nangyayari.

"Yung babae! Yung babae finn?"

"Yung babae ano mah!" taranta kong sabi.

"Nagpapakita sa akin gabi-gabi putol ang ulo niya pero hindi ko alam kong bakit sa akin siya humihingi ng tulong" sagot niya.

"Anong kinalaman mo dun ma?" tanong ko.

"Hindi ko alam! Kong Bakit ako nadamay sa katarantaduhan ng ama mo!" sigaw niya kaya niyakap ko ito.

"Sabi ng babae tulungan ko daw siya nasa bahay daw nila pero hindi ko alam kong saan bahay nila" mahirap paniwalaan pero sino nga ba ang babae.

"Bakit si papa mah? Sino ba ang babae?" tanong ko.

"Naalala mo ang sinabunutan ko nung hindi kapa umuwi nun dahil nandito ka sa bahay nila ni tita mo?" tanong niya.

-------Flashback------

"Fin...si...mama...mo....nagsasabunutan sa kanto....yung babae daw ni papa mo yun" sabi niya kaya tumakbo naman ako.

Pagdating ko andaming tao at nakita ko si mama puro kalmot kaya dali dali akong tumakbo at kinuha si mama laking kahihiyan talaga samin si papa oh! Dito pa talaga.

--------End of Flashback------

Naalala ko pero hindi ko matandaan ang mukha ng babae dahil hinablot ko agad si mama.

Napaluha ako ng maalala ko si papa .nasaan siya ano ba talaga ang buong storya.

Pinunta ko si mama sa kwarto para mag pahinga aalamin ko bukas kong ano ba talaga ang nangyari.

Sino ba talaga ang babae na nakasabunutan ni mama nung nakalipas na buwan na. May kinalaman ba si papa sa pagpatay sa kanya at bakit si mama ang pinapakitaan ng multo niya? Si jeriel bakit ginagawa niyang pagod ang trabahante niya.

No One Can Own You (BXB) Completed✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon