XXl

264 10 0
                                    


Finn POV

So ayun na nga naganap ang laro nila ngayong araw at madami ang tao dito patol ito sa mga babae at binabae pero ako hinahanap ang imahe ni Jeriel saan naba siya bakit wala siya laro pa naman nila ngayon.

"Aray!" daing ko ng sinampal ako nito sa mukha pero mahina lang.

"Ano ba!" singhal ko.

"Kung saan saan ka kasi tumitingin dapat sa akin lang" sagot niya kaya napairap naman ako.

"Kailangan talagang manampal para mapansin" sarkatikong sabi ko.

"Well...sa akin ka parin babagsak mamaya at kung manalo kami sa akin kana at kung hindi sa akin ka parin!" sabi niya. As if naman na makakawala ako sa kanya.

Umalis ito saka ako naman ay nagpatuloy sa paghahanap kay kiya jeriel saan naba kasi yun.

Narinig ko naman na sumigaw ang lahat sa kabilang side ng upuan pero hindi ko makita dahil sa dami ng tao sa quadrangle ngayon.

Nang humupa ay dun ko nakita ang crush ko ang hunk talaga niya nabibighani ako sa ganda ng katawan nito saka ang gwapo talaga kahit nasa malayo.

Walang humpay naman ang sigawan ng mga estudyante dito kaya naman tinawag ako ng coach nila ni Jaxson.

"Finn right please ikaw muna bahala sa pagbigay ng mga tubig sa players" sabi niya saka umalis at pumwesto dun.

Nakita ko naman si Kuya jeriel nako please iwasan ang tukso ang gwapo talaga niya saka sana kahit t shirt nalang yung akin pwede na.

Napatingin naman ako sa isa masama ang tingin sakinkaya inirapan ko ito talaga lang galing dorm papunta dito detalyado ang galaw ko.

Ibinaling naman nito ang tingin kay kuya jeriel saka nagtamaan ito ng titig nako bahala sila basta walang mag aaway.

Nagsimula ang game ng wala akong marinig na tunog ng bola dahil sa sigawan ng mga ewan ko lang na parang inasinan ang pwet ng mga binabae dito.

"Oomyghadddd jaxson pwet lang sakin!!!" sigaw ng isa kaya napangiwi naman ako inaamin ko malaki ang pwet nito pero sa ugali palang jusko mamumulubi kana.

"Fafa Jeriel!!!!!!!!!!I love youhuhuh"

"Jaxsooonnnnnnnnn yannnnnn tirahin moko!!!"

"Jeriellllllll juskooooo t shirt lang sakin!!!!!!!" tss akin yan hihingin ko yan pagkatapos ng gym promise.

Natapos ang first set ng 21-25 at nagwagi ang grupo ni Jaxson eh ano naman.

Ako naman ay dali daling pumunta sa mga tubig at ibinigay sa mga players na hingal na hingal.

"Punasan mo ang likod ko bilis!" sigaw niya kaya nataranta naman ako.

"Yung towel?" tanong ko.

"Pwede na ito" sabi ko sa isip paalam panyo aamoy pawis kana pero lalabhan naman kita.

"Iba ka talaga pre nakabingwit ka ng maalagang asawa in the future" tiningnan ko ito saka inirapan anong pake ko hindi ako babae no!

"Kaya nga diba sa atin ang game na ito!" sabi niya.

Nagsimula na ang 2nd set at paspasan na talaga ang laban hindi ko alam kong sino ang mananalo ang dalawang grupo ayaw ilaglag ang bola nahihilo ako sa bola.

"TimeOut!" sigaw ng coach napatingla ako sa score 22-16 napangisi ako Jeriel bumawi ka saka ako tumingin sa area nila at nagtama ang tingin namin kaya biglang tumibok ang puso ko ano ba yan parang nakamove on na ako at gusto kong mag next step na.

Nagsimula na ang laban ang boring naman wala bang mababalian dyan saka libero nila ang galing ang galing humabol ng iba di joke ng bola imean.

2nd set ay nakuja nila ni Kuya kaya napangiti ako saka naman sumulpot ang isa sa harapan ko ano na naman ang kailangan niya maganda na nga ang araw ko ngayon.

"Wag kang makasiguro dyan dahil hindi pa tapos ang laban" diin niya sabi saka tumingin sa kabilang grupo.

"Hindi ka niya makukuha sakin" hinawakan pa nito ang panga ko.

"Aray! Ang sakit bakit kailangan magalit!" sigaw ko.

Ngumisi naman ito ano ba yan nakakasira kana talaga ng araw hambog ka.

Sumenyas naman ako kay kuya jeriel na fighting!! sayo na ako sasama pag nanalo tayo makakasama kona si Zane.

3rd set at mas lalong umigting amg labanan halos hindi nagkakalayo ang score nila nakakalito dahil mas naging palaban ang mga ito rinig ko narin ang hampas sa bola na kung tamaan ka sa mukha siguradong dugo ang ilong mo.

Sa score na 20-20 ay parang may gyera na magaganap walang may balak na magpatalo ang dalawang grupo.

Napangisi naman ako ng kumindat sakin si Kuya jeriel jusko may heart when opsss yeahhhh wag ganun kuya na fa fall ako sayo sa sahig bagsak ko.

Halos mataranta naman ako ng seryoso na nakatingin si Jaxson sakin saka ko ibinaling ang tingin ko sa ibang parti ano naman ang big deal dun.

Jaxson POV

Naduduwag ako na baka matalo kami ngayon, natatakot ako na baka makuha na ni kuya ang panakip butas ko ayoko gustong kung manalo pero wala kaming laban pero hindi pwedeng ganito nalang kadali ang lahat lalaban kami lalaban kami lalabanan kami para sayo finn Iloveyou kahit na hindi ko ito masabi ng personal sa iyo dahil baka pagtawanan mo ako..

Isang set nalang ay matatalo na kami pero hindi ko iniisip iyon ang nasa isip ko lang ay kung paano manalo at anong strategy ang gagawin namin para maka score sa kampon ni Kuya..

Kanina ko pa napapansin na panay ang kindat nito at nakita ko si Finn halos mamula na sa kilig.

At yun ang hindi ko pa nagawa sa kanya ang pakiligin at alagaan ang katulad niya nasasaktan ako kapag nasa iba ang atensyon niya gusto ko ako lang sakin lang ang atensyon wala sa iba kundi sa akin lang ganun ako ka ingat sa pagmamaya ari ko.

Hindi pa natapos ang game at gumagawa ako ng plano pagkatapos ng game at kung ano man ang mangyayari nag advance thinking na ako nawawala ako sa isip.

"Jaxson whats happening to you" sabi ni coach pero hindi ko ito sinagot at tumabi nalang ako kay finn.

Kung alam mo lang sana finn na minamahal na kita sa pagdaan ng araw napalapit na ako sa kanya kahit na inaayawan ako at iniirapan ako nito.

Parang ayaw mo na siyang mawala dahil napamahala kana kaya ko inuutosan ito para sa akin lang ang atensyon nito wala na sa iba.

Natatakot ako na baka iwan na naman ako ng taong nagpatibok ulit sa puso ko dahil sa katangian nitong ibang iba. Na attract ako sa taglay nitong katapangan at yun ang gusto ko.

No One Can Own You (BXB) Completed✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon