"Good morning, doc." Napalingon ako nang may bumati kay Troy na mga nurse. Napabalik ang tingin ko kay Troy na tinanguan lang ang nurses.
"Huwag kang mag alala wala akong kabit dito." Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito.
Masyado namang defensive itong alien na ito.
"Duh, wala naman akong sinabi." Irap ko rito.
"Sabi kasi ng mga mata mo," ani nito at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.
Tiningnan ko lang naman siya. Wala namang meaning yun.
Hanggang sa elevator ay may mga nakatingin sa kasama ko. Hindi ko alam kung tumitingin ba sila kay Troy bilang pagbibigay ng galanag or naggwapuhan sila. Minsan gusto ko nalang takpan ang mukha ng Alien na ito eh para ako lang ang nakakakita.
"Do you want to stay here or you'll come with me?" Tanong nito ng makapasok kami sa opisina niya. Still the same puro painting pero napakamanly ng itsura. Sa lahat ata ng place niya magkakamukha lang ng style.
"Papayag ka ba pagnaiwan ako rito?" Tanong ko rito dahil alam ko namang siya rin ang masusunod sa bandang huli.
"Hindi."
See? I told you.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko rito.
"To my patience." Tipid na sagot nito habang sinusuot niya ang lab coat niya. I saw his last name Roynalds.
Fuck he's the most handsome alien in my Universe. Hahaha maling bang pagpantasyahan ang sariling boyfriend? Hindi naman siguro.
"Wear this." May inabot itong mask sa akin kaya kinuha ko na ito at sinuot. Kinuha na niya ang prescription pad holder niya at ang stethoscope.
"Isasama mo talaga ako?" Tanong ko rito. Tiningnan lang ako nito.
Ngayon lang kasi ako nakakita ng doctor na sinama ang girlfriend niya sa mga pasyente niya. Wala naman akong maitutulong sakaniya eh.
"Let's go." Kinuha na niya ang kamay ko at lumabas na kami.
Nakatingin lang ako sakaniya habang tiningnan niya ang papel na hawak niya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pagnawala sa akin itong lalaki na ito. Sa buong buhay ko siya lang ang lalaking nagparamdam sa akin ng ganito.
Siya lang talaga.
Huminto siya sa tapat ng pinto na may doorknob na pink. Napakunot ang noo ko rito. Bakit pink? It's cute pero bakit?
Nauna itong pumasok kaya sumunod na ako sakaniya. Napangiti naman ako sa nakita ko. It's a girly room na punong puno ng unicorn. Napagawi ang tingin ko sa kama na pink pa rin. May natutulog na batang babae na may nakakabit na oxygen dito. Siguro ay kaedad ng anak ni Owen na lalaki.
"She's Safari, one of my patient," ani ni Troy sa akin.
"Gigisingin ba siya?" Tanong ko rito.
"No," tipid na sagot nito.
"Is she in critical situation?" Tanong ko rito.
"She's healing, pero hindi niya kayang mabuhay ng walang oxygen." Sagot nito habang may tinitingnan na kung ano.
Napalingon naman ako ng may pumasok sa kwarto. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang babaeng nakita kong kasama niya noong nagdala ako ng lunch dito. Agad itong lumapit kay Troy at binigyan ito ng beso at niyakap pa na parang wala ako sa loob ng kwartong ito.
"Good morning," bati ni Troy dito.
Aba?! Payag siyang ginaganoon siya nung babaeng yun. Nakakainis na ah parang wala lang ako dito. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Troy's Inamorata • Promise#4
RomantikTroy Roynalds the youngest and hottest doctor of all, every nurses trying to seduce him but he never give a damn about it because all he want is his best friend's wife. So he promised to himself that if he will marry someone that will be like Circe...