"Tara na," aya ko sa kasama ko nang mai-park na niya ang sasakyan niya. Siya naman na ang kumuha ng flowers na binili namin.
"Be careful Siren, madulas ang daan," narinig ko namang sabi nito nang maglakad na ako.
"Yes I am, always." Nakangiting sagot ko rito. Tinuloy ko nalang ang paglalakad ko hanggang sa makarating kami sa puntod ng Mommy.
"Hi Mommy," bati ko rito.
Kitang kita naman na alagang alaga ang puntod ng mommy dahil malinis ito, wala nga lang bulaklak. Siguro dahil ako nalang ang nakakaalala sa kanya. Iyong mga tita ko kasi parang wala namang pake sa amin. Binenta pa nga nila ang mga natirang property ng mommy. Buti nalang andiyan si Troy.
Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko si Troy. Ginugulo talaga niya itong feelings ko.
Hayss.
"Hey, are you okay?" Tumabi naman sa akin si D at inabot ang bulaklak sa akin.
"Very," sagot ko rito at nginitian siya. Ayokong may makahalata na may gumugulo sa isipan ko ngayon.
"Mommy, miss na miss na kita. Sana okay ka lang diyan sa heaven, sana kasama mo rin 'yong mahal mo diyan," ani ko rito at nilagay ko na ang bulaklak sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas ay ikinuwento ko kay mommy ang mga nangyari sa akin.
"What?" Narinig kong asik ni D kaya napalingon ako rito. Nakita ko namang may kausap ito sa phone at mukhang iretado ang mukha.
"Tsk, fine," ani nito at binaba na ang tawag. Nakatingin lang ako rito.
"We need to go, it's an emergency." Seryosong sambit nito kaya agad na akong nagpaalam kay Mommy at sinundan na siyang maglakad.
"D," tawag ko rito nang makasakay na kami at tiningnan ko siya na parang nagtatanong kung ano ang nangyayari.
"Troy called, kailangan niya raw akong sa Alpha," ani nito habang may pagkairetado pa rin ang tono.
"Alpha?" Tanong ko rito.
"It's our new business, sila ang nag-isip ng name ng company." sagot nito na parang nabasa ang nasaisip ko na magtatanong ako.
"Ibaba mo nalang ako diyan, magtataxi nalang ako," ani ko rito.
"I won't do that, as far as I know Troy just making this nonsense because you're with me," ani nito at pinaandar na ang sasakyan. Nakita ko naman itong napangiti na parang may naisip na katarantaduhan.
"Problema mo?" Kunot noong tanong ko rito dahil kanina lang ay mukha siyang naiinis ngayon naman ay nakangiti na.
"Isasama kita sa Alpha Chamber," ani nito at pinaharurot na ang sasakyan na parang hindi na kami makakarating sa pupuntahan namin.
...
"Let me open your door," narinig kong sabi ni D ng bumaba siya. Napangiti naman ako rito, may pagka gentlemen rin pala itong lalaking ito.
"Thank you," ani ko rito nang pinagbuksan na niya ako.
"You're always welcome Siren," sagot nito at inakbayan pa ako. Hinayaan ko nalang ito dahil wala namang magagalit sa ginagawa niya and mag kaibigan naman kami.
"Sa inyo lang ito ni Troy?" Tanong ko rito.
"No, kasama naman 'yong tatlo niyang kaibigan." Sagot nito.
"Bakit mo naman naisip na makisama sa kanila?"
"I think they're good in this industry, kaya sinubukan ko at naging maganda naman ang lahat kaya mas pinalaki pa namin," sagot nito.

BINABASA MO ANG
Troy's Inamorata • Promise#4
Storie d'amoreTroy Roynalds the youngest and hottest doctor of all, every nurses trying to seduce him but he never give a damn about it because all he want is his best friend's wife. So he promised to himself that if he will marry someone that will be like Circe...