chapter 29

151 11 0
                                    

Ilang araw na ang nakakaraan nang maoperahan sila at ngayong araw na ito ang araw kung kailan si Kien lalabas. Si Troy kasi ay nauna na dahil hindi naman siya ganoon kaselanan tulad ni Kien.

Napabuntong hininga ako bago pumasok sa kwarto nila. Pinili kasi ni Troy na magsama nalang silang mag ama sa iisang kwarto para mabantayan din si Kien.

"Hi Mommy." Masayang bati sa akin ni Kien. Binigyan ko naman ito ng halik.

"Where have you been?" Lumapit naman sa akin si Troy at hinalikan din ako nito.

"Inayos ko lang ang mga babayaran."

"Hindi ba sabi ko sa'yo ako na ang bahala," sagot nito.

"Let's talk outside." Inaya ko na ito sa labas at pinasamahan ko muna sa isang nurse si Kien.

"What's the problem?"

I know this gonna be a painful one.

"Kailangan na naming bumalik ni Kien sa ibang bansa." Pag-uumpisa ko rito.

"Okay, I'll come."

Napabuntong hininga ako rito.

"No, hindi ko na kayang tiisin na makasama ang taong nagsinungaling sa akin." Napataas ang kilay nito sa sinabi kong iyon.

"What the fuck are you saying?"

"Ginawa ko lang iyon para pumayag kang i-donate ang liver mo. Hinding hindi ko gugustuhin na makasama ka at magpakasal sa iyo."

Nakatingin lang ito sa akin, pilit kong tinitigan ang mga mata niya.

"We need to go Troy, thank you for everything." Tumalikod na ako rito. Napahinto ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

"I don't get it Samantha. Pumayag kang magpakasal sa akin tapos sasabihin mo ito. Paano si Kien? Paano 'yong anak natin, ano ang sasabihin mo sakaniya?"

Napalunok ako ng makita ko ang talim ng tingin niya sa akin.

"Ako na ang bahala kay Kien. Apat na taon kaming nabuhay ng wala ka at sigurado akong kayang kaya kong buhayin ang anak ko ng wala ka. Ayokong lumaki ang anak ko kasama ang isang sinungaling na katulad mo."

Hinugot ko na lahat ng lakas ng loob at ng tapang ko.

"Ginamit lang kita. Ginamit lang kita para kay Kien at kung ano man ang nangyari sa atin ng mga nakaraang araw, forget it arte ko lang lahat ng iyon."

"Hindi na kita mahal."

Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay niya sa braso ko.

"Do you want me to leave you and our son?" Tanong nito.

Mas pinili ko nalang na hindi sumagod sa tanong niyang iyon at napayuko nalang ako, dahil pakiramdam ko isang salita nalang nabibitawan ko ay bibitaw na rin ang pagpipigil ko sa luha ko.

Ramdam ko ang titig niya sa akin, bago ko marinig ang malalim na paghugot niya ng hangin hanggang sa maramdaman kong naglakad na siya palayo.

Tiningnan ko lang siya, hangang sa makaalis siya. I just hurt him, siguro sapat na iyon para layuan niya kami.

"Mommy, where's daddy?" Napaharap ako sa anak ko nang marinig ko ito.

"Were going back to Brazil, Kien," ani ko rito.

"Sasama si Daddy?" Tanong niya sa akin.

"Hindi, masyado siyang maraming trabaho rito at kailangan din siya ng mga pasyente niya."

"Dito nalang tayo, hindi ba may new house tayo. Dito nalang tayo kasama si Daddy." Pagpupumilit nito.

"Hindi na natin makasama ang Daddy mo. Meron na siyang pamilya at mas kailangan siya roon." Nakita ko ang pagtulo ng luha ng anak ko kaya agad ko itong niyakap. Pinipigil ko na rin ang pagtulo ng luha ko.

"Alien's don't cry Kien. Be brave like your father. Huwag ka ng umiyak sige ka hindi kana Alien like your daddy."

"Pero mommy, paano ako? wala na akong Daddy."

"But you have me," ani ko rito at nginitian ko siya.

"You have mommy, right?" Naramdaman ko na ang pagtulo ng luha ko. Lalong bumuhos ang luha ko ng yakapin ako ng anak ko.

"Okay mommy, I'll be brave, please don't cry daddy will get mad at me," ani niya na halatang umiiyak na rin.

"I'm sorry Kien, I'm really sorry." Sumubsob na ako sa balikat ng anak at inilabas ko na ang mga luha ko.

"It's okay Mommy, I understand you."

I know he don't understand everything. Pero gusto lang niyang pagaanin ang pakiramdam ko kaya niya sinabi iyon.

I felt he kissed my forehead.

"Don't cry mommy."

Then he wipe my tears.

___________________________________________

Guess why?

Troy's Inamorata • Promise#4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon