"Baby!" Tawag ko sakaniya dahil kanina ko pa siya tinatawag at ayaw niyang lumapit. Ano pa nga bang aasahan sakaniya palagi ang gusto niya ang nasusunod. Hayss.
"Ezekien!" I used my warning tone dahil doon lang naman siya natatakot.
"Kanina pa kita hinahanap, tingnan mo 'yang itsura mo ang dumi dumi mo na hindi ba sabi ko sa'yo huwag kang magpapagod." Galit kong sambit dito.
Ang likot likot kasi eh.
"Hayaan mo na Mommy gwapo pa rin naman ako." Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Ok fine, you're handsome like your father." Bakas ang saya sa mukha ng anak ko sa tuwing sinasabi ko iyon.
"Where's your papa?" Tanong ko rito.
"We're playing hide and sick tapos hindi ko siya makita," ani niya sabay tingin sa marumi niyang damit. Kaya naman pala ganito nalang kadumi si Kien dahil kung saan saan naglulusot.
"Ang daya naman nagsusumbong sa mommy," sabay kaming napalingon ni Kien ng may magsalita, agad namang nagtatakbo sa tuwa ang anak ko nang makita ang papa niya.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nagtatawanan sila dahil sa kung anong ginagawa nila. Napangiti nalang ako rito, akala ko noong una mahihirapan ako. Pero ito siya ngayon tinutulungan akong mapalaki ng maayos si Kien.
Laking pasasalamat ko talaga at dumating siya sa bahay ni Vaughn noong araw na iyon. Kahit apat na taon na ang nakakaraan andito pa rin lahat ng sakit na nakuha ko sa Pilipinas. Kahit anong kalimot ang gawin ko walang nangyayari. Buti na nga lang at andiyan si Kien at ang papa niya para pagaanin ang pakiramdam ko sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari.
"Samantha!" Napaangat ang tingin ko sa kanila nang may tumawag sa akin, agad ko naman itong nginitian. Nakita ko siyang napailing sa akin, alam niya kasi na sa tuwing natutulala ako ay yun ang iniisip ko.
Hayss.
"Punta ka muna sa yaya mo Kien para makapaglinis kana." Narinig kong sambit nito kay Kien masaya namang sumangayon ang bata.
"How's your day?" Tanong nito sa akin nang makaupo siya sa tabi.
"Ayos lang, ikaw bakit napaaga ang balik mo?" Tanong ko rito dahil kadadating lang niya at galing siya sa Philippines.
"Na-miss ko kayo eh," napaharap ako rito ng sinabi niya iyon.
"Hindi ba nag-usap na tayo about sa ganiyan mo?" Tanong ko rito.
"I know I'm just kidding Siren," ani nito. Alam kong may nararamdaman siya sa akin pero kahit gusto kong suklian 'yong pagmamahal niya sa akin hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.
"Pwede ka naman nang hindi umuwi rito. Kaya ko na si Kien, you can live on your own hindi mo pwedeng ituon ang buhay mo sa amin ni Kien," sumeryoso ang mukha nito nang sabihin ko iyon. Palagi ko sakaniyang sinasabi iyon dahil ayokong umasa siya. Hindi ko kayang saktan ang kaisa isang taong tumutulong sa akin.
"Ito ang gusto ko Siren, dito ako sumasaya kaya hayaan mo nalang ako rito. Hayaan mo nalang akong umasa." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"I'm so sorry D," nagkatitigan kaming dalawa. Kitang kita sa mata niya ang sakit na nararamdam sa tuwing pinag uusapan namin ang bagay na ito.
"Ayokong nakikita kang ganiyan, you're D'mitri Roynalds you don't deserve the pain like this." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
"Ikaw rin, hindi mo deserve mapag-isa at masaktan. Kaya handa kong tiisin ito para lang masamahan ka sa pagpapalaki sa pamangkin ko. I can take the pain, Siren," naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko ng sabihin niya iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/231612396-288-k90403.jpg)
BINABASA MO ANG
Troy's Inamorata • Promise#4
RomanceTroy Roynalds the youngest and hottest doctor of all, every nurses trying to seduce him but he never give a damn about it because all he want is his best friend's wife. So he promised to himself that if he will marry someone that will be like Circe...