Flashback

139 9 0
                                    

China's POV

"Please mommy, ihinto mo na kung ano man ang pinaplano mo. Papa Troy is happy now with his family," napaharap ako kay Safari ng magsalita ito.

"I am doing this for you and for your brother, " ani ko rito sabay hawak sa tiyan kong malaki na.

"No!" Sigaw nito

"Ginagawa mo ito dahil sa kagustuhan mo."

"Don't raise your voice on me Safari, I am still your mother."

"If you're my mother why are you doing this? Meron silang anak mommy hindi mo ba naiintindihan yun?"

"Kahit kailan huwag mo akong sinasabihan ng ganiyan. Anak lang kita kung wala ako wala ka rin."

"Ganoon na nga lang sana ang nangyari kesa nakikita ko kayong nagkakaganiyan!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko ito. "Hindi mo alam ang pinag dadaanan ko kaya wala kang karapatan sabihan ako."

"Bakit? Ikaw ba mommy kailan mo inalamn ang nararamdaman ko?" Tumulo na ang luha nito.

"I need to go," tinalikuran ko na ito.

Mahal ko si Troy at walang makakapigil sa akin kahit na sino. Kahit magpabuntis pa ako ng magbuntis kung kanikanino basta mapakita ko lang na nagdadalang tao ako at maipakita kong siya ang ama. Kailangan ko siyang mabawi sa Samantha na iyon.

Malanding babaeng yun. Masaya na sana kami dumating pa sa buhay namin.

...

"Good afternoon, Ma'am China," bati sa akin ng nurse.

"Andito ba si Troy?"

"Ngayon po ang operasyon niya for donating his liver for his son. Baka po hindi niyo muna siya makausap," sagot nito. Tumango tango naman ako rito.

Naningkit ang mata ko ng makita ko ang babaeng nakaupo roon. Nakita ko lang naman ang nanira ng magandang pamilya namin ni Troy. Huminga ako ng malalim bago ayusin ang itsura ko.

This is it ngayon ko na magagawa ang plano ko.

"Sam, Can we talk?" Hinaluan ko ng pagpapaawa ang salita para maniwala siya. Tumingin ito sa akin na parang wala siyang pake.

"Please, I don't want to fight anymore." Pilit ko sakaniya, napaling naman ang tingin niya sa tiyan ko. Napakunot ang noo niya rito.

"What do you want?" Tanong nito sa akin.

"Gusto ko lang sabihin na dinadala ko ang anak ni Troy, hindi ko na alam ang gagawin ko Samantha simula noong dumating ka kinalimutan na niyang may anak siya sa akin. Hirap na hirap na ako lalo na at may sakit pa si Safari." Biglang umamo ang mukha nito na mukhang naaawa sa akin.

Hahahaha, ganiyan nga Samantha, maniwala ka lang

"I need Troy, we need him, parang awa mo na," akmang luluhod ako ng pigilan niya ako.

Ilang segundo niya akong tiningnan pilit akong umiiyak para mas maniwala siya.

"Please Samantha."

"Alam mo ang kalagayan ni Safari at hindi ko na alam ang gagawin ko kung ako lang ang bubuhay sakanila at sa magiging anak ko, namin ni Troy."

"But--

"Sige ipapalaglag ko nalang ang bata para hindi kana mahirapan mag desisyon. Gusto ko nalang mamatay dahil sa hirap at sakit nanararamdaman ko pero kailangan ako ni Safari, kailangan ko lang ng taong magmamahal at tutulong sa akin at si Troy iyon dahil kailangan din siya ng anak niya."

"Paano kami ng anak ko kung hahayaan kong mapunta sayo si Troy?" Halata sa tono ng boses niya ang pagpipigil ng iyak.

"Malaki na ang anak mo at nakuha niyo na rin ang kailangan niya, please pwede bang ang kailangan ko naman ang makuha ko."

Pinatulo ko na ang luha ko at sinapo ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko. Walang ano ano naman ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin kaya napangiti ako.

Ang ganda ganda uto uto. Hahaha

"Okay, I'll talk to Troy."

"No," madiin kong sagot dito.

"Break his heart, yun lang ang pwede mong gawin para bumalik siya sa amin. Tell him that you don't love him anymore," ani ko rito. Halatang hirap na hirap na siyang mag isip. Kaya kailangan ko pang galingan sa pagdrama.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Sam," ani ko rito at may naisip akong mas magandang paraan. Hinawakan ko ang tiyan ko at nagkunwaring sumasakit ito.

"Ahhh," agad niya akong inalalayan na makaupo.

"I'll call the doctor."

"No, pagod lang siguro ito kakaisip ng mga nangyayari ngayon." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Nagmamakaawa na ako Samantha." Tiningnan kong mabuti ang mata niya at mukhang paniwalang paniwala ang bruha hahaha.

"O-o-k-ayy," alanganin nitong sagot.

Agad ko siyang niyakap at yun din ang ginawa niya sa akin.

That was easy.

Gagawin ko ang lahat kahit sino pa ang mamatay para lang makuha ko si Troy.

Troy's Inamorata • Promise#4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon