Sam's POV
Maaga akong bumangon dahil kailangan ko pang pumasok sa pinagtatrabahuhan ko. Alam kong kabaliwan 'tong ginawa ko dahil tinalikuran ko lahat ng luhong makukuha ko sa tatay kong hilaw. Ayaw ko kasi sa kan'ya dahil sa kan'ya namatay si mommy.
Si mommy na nga lang ang nag-iisang kaanak ko rito iniwan pa ako. Nabalitaan ko ngang pati 'yong tatay kong hilaw ay patay na baka nagsasama na sila sa heaven ni mommy. Bakit kasi na inlove doon ang mommy, kung sana buhay pa siya ngayon. Kung sana hindi ako nahihirapan ngayon. Pambayad palang ng renta sa apartment ko ubos na ubos na 'yong kinikita ko sa karindirya bilang taga hugas ng plato.
Tiniis ko na 'yong ganoong trabaho dahil sigurado ako na 'pag sa malaki akong kompanya nagtrabaho, mahahanap at mahahanap ako no'ng tatay kong hilaw. Kaya ko naman, mahirap nga lang pero masaya. Isipin mo nalang sa umaga hindi mo na kailangan ng alarm clock dahil yung bunganga palang ng kapitbahay ko ay saktong saktong sa oras na kailangan kong bumangon. Tapos paglabas ko ng apartment, makikita ko pa 'yong mga ngiti ng mga tao, alam mo 'yon kahit hirap na hirap na sila sa buhay nakangiti pa rin sila samantalang sa mayayaman napakarami na ngang pera trabaho pa ng trabaho wala pang oras sa pamilya nila. Kaya nga mas gusto ko rito kahit mahirap ang buhay positive lang sila.
Tumayo na ako para makalabas na dahil narinig ko na ang katok niya.
"Sam!" Nakangiting bungad sa akin ni Vaughn.
"Kanina kapa diyan?" Tanong ko rito at lumabas na ako para mai-lock ko na ang pinto.
"Hindi naman masyado," ani nito. Siya kasi ang kasabay kong pumasok at siya din ang tumulong sa akin nung naghahanap ako ng matitirhan, buti nga at siya ang tumulong sa akin dahil kung yung iba 'yon I'm sure pagsasamantalahan na ako. Alam nyo naman 'yong ibang mga boys hindi talaga nila mapigilan ang mga kaanuhan nila.
"Kumain kana?" Napalingon ako rito ng magsalita ulit ito.
"Hindi pa, busog ako, " ani ko rito. Tinaasan lang ako ng isang kilay nito. Kaya tinaasan ko rin siya na may halong tingin na may pagtatanong.
"Umagang umaga busog ka?" Sabi nito habang inalalayan akong makadaan sa may putik.
"Thanks," ani ko rito. "Mamaya nalang ako kakain," dagdag ko pa rito, tumango nalang ito sa akin.
Laking pasasalamat ko rin dito at tinulungan ako. Siya rin kasi ang nagpasok sa akin sa karindirya diyan sa tapat. May na discover nga rin ako habang nakatira ako rito. Ang sarap pala mabuhay 'pag galing sa sarili mong paghihirap yung ginagasto mo yung wala kang inaasahang ibang tao.
"Hoy Babae!" napahinto ako ng may humarang na babae sa harapan ko.
"Liza, problema mo?" Narinig kong tanong ni Vaughn dito.
Sino ba ito?
"Sino itong malanding ito?" Nakataas ang kilay na tanong neto sabay baling sa akin ng mukha niya.
Aba yan ang wag niyang sasabihin sa akin.
Tinaasan ko rin ito ng kilay at nag chin up pa ako.
"Who are you to talk to me like that?" Tanong ko.
"Ikaw," tinapat pa neto ang hintuturo niya sa akin "wag mo akong English Englishin at wag kang malapit lapit sa boyfriend ko," dagdag pa neto.
"Liza, wag ka ng manggulo sinabi ko sayo hindi naman naging tayo," ani pa ni Vaughn. God, assuming naman pala itong babaeng to.
"Tara na Sam," bulong ni Vaughn sa akin.
"Pathetic," ani ko rito bago ko ito lagpasan.
"Saan ka natutong mag english ng ganun ha?" Tanong sa akin ni Vaughn.
BINABASA MO ANG
Troy's Inamorata • Promise#4
RomanceTroy Roynalds the youngest and hottest doctor of all, every nurses trying to seduce him but he never give a damn about it because all he want is his best friend's wife. So he promised to himself that if he will marry someone that will be like Circe...