chapter 2: Day off

601 21 35
                                    

Day off ko ngayon dahil kada isang linggo eh four days lang ako pumapasok at meron akong kapalit. Ewan ko nga kung bakit ganun pa kaya ko namang maghugas ng plato araw araw.

Humiga nalang ako, hindi ko alam kung anong raket ang papasukin ko ngayon. I need to think.

Hayss

Minsan iniisip ko kung may iniwan man lang ba si Mommy sa akin. Kasi isipin nyo naman wala man lang naghahanap sa akin na kamag anak ko na nagsasabing umuwi na ako.

Bakit kasi si Mommy pa eh.

"Maglaba kaya ako sa kapitbahay ko?" Napabangon naman ako. Mukhang maganda yun ah.

Madali lang siguro maglaba.

Lumabas na ako at maghahanap pa ako ng pwede kong ipaglaba.

"Miss," napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Kuya gusto mong magpalaba?" Nakangiting tanong ko dito.

"Magkano ba?" Tanong neto, napalingon naman ako sa mga kasama neto na mukhang naghihintay lang ng sagot ko.

Magkano ba 'yon?

"Depende sa ipapalaba mo, Asan ba?" Ani ko rito. Tumayo naman ito.

"Sumama ka sa akin," napangiti naman ako rito agad akong sumunod sa kanya.

"Manong, may tubig at sabon ba sa inyo?" Tanong ko rito.

"Meron," sagot agad nito.

Natanong ko lang naman dahil laba lang naman ang usapan wala naman sinabing sa akin ang tubig at sabon, wala akong pambili nun.

"Nasa loob tingnan mo," sabi nito at pinagbuksan pa ako ng pinto kaya nagdire diretso na ako papasok. Nakita ko naman konti lang ito.

"Manong 100 nalang lahat yun," humarap ako dito. Napakunot ang noo ko ng makita kong ni lock niya ang pinto.

"Manong bakit?" Napaatras ako dito dahil palapit na siya sa akin.

"Ikakama lang kita sandali tapos pwede kana maglaba." Nanghina ang tuhod ko sa narinig kong yun montik pa akong ma out of balance dahil dun sa buong buhay ko wala pang gumanito sa akin.

Huminga ako ng malalim sabay humugot ako ng lakas at malakas ko siyang sinipa sa pagitan ng hita niya, kaya agad itong napaupo dahilan para makalabas na ako. Pero laking gulat ko ng nakita ko ang mga kasama niya kanina na nabaling din ang tingin sa akin.

"Bilis naman ni boss, ako na sunod," ani nito at inakmang lumapit sa akin pero mabilis akong nakaiwas dito. Tumakbo na ako.

Oh my God,

"Saan ka pupunta?" May humila sa kamay ko kaya napabalik ako dito dahan dahan kong tiningnan kung sino iyon at nakita ko ang lalaking nagpalaba sa akin.

"Don't touch me." Pagpalag ko dito lahat ng lakas ko ay inilabas ko na para lang bumitaw ito pero nung nakita kong papalapit na rin ang mga kasama neto ay parang nanghina na ako.

I think this is my end.

End of Samantha Elizz Clemente. Magkikita na tayo Mommy.

"Tangina mamaya na kayo!" Napahinga ako ng malalim sa narinig kong yun. Lahat sila ay nakahawak na sa braso ko at ako pumikit nalang ako hindi ko kayang makita ang mga itsura ng kampon ni santanas na ito.

God, please help me.

"Take your hands over her." Napakunot ang noo ko sa narinig kong boses ng lalaki na napakakalma. Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at may nakita akong apat na lalaking matatangkad.

Troy's Inamorata • Promise#4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon