chapter 20: Tears

215 11 0
                                    

Sinalubong agad kami ng isang babae nang makarating kami sa Alpha. Buong biyahe ay hindi kami nagpapansinan. Ewan ko sa lalaking ito bakit hindi man lang kumikibo siguro dahil nagalit ako sa China na 'yon. Hindi naman ako magagalit doon sa babaeng 'yon kung hindi niya ako sinabihan ng bitch.

Huwag lang talaga ako kalabanin ng isang tao hindi ko naman sila aawayin eh. Hindi ko ugaling mag umpisa ng away or gulo. Ugali ko lang na magtapos ng away. Hindi ko sila aawayin kung hindi sila ang nag-umpisa. Duh.

"Hold my hand," napalingon ako kay Troy na parang inaabot sa akin ang kamay niya.

"Bati na tayo?" Nag aalangan kong tanong dito.

"Hindi naman tayo nag-away, Samantha," sagot nito sabay halik sa akin.

"Eh bakit hindi mo ako pinapansin?"

"Wala naman akong dapat sabihin."

"Kahit na, girlfriend mo kaya ako," irap ko rito.

"Don't be so demanding, kahit hindi kita kausapin mahal pa rin kita, Samantha," ani nito. Napaiwas naman ako ng tingin dito.

Epal, nakakainis naman ito.

"Let's go." Iginiya na ako nito papasok.

Nakita ko naman si Owen na papalapit sa amin na nakakunot ang noo. "Your cousin ruined the meeting with the investors, talk to that asshole," dirediretso nitong saad. Sa nakikita ko ngayon parang paghinawakan si Owen ay mapapaso ako dahil sa sobrang galit niya.

"Where is he?" Tanong ni Troy.

"I don't know, sinabi lang sa akin ng Secretary ko. I have to go now." Tinalikuran na kami nito.

...

"Dito ka muna sa office ko, hahanapin ko lang si D." Sumang ayon naman ako rito. Kaya umalis na siya.

Nag-ikot ikot nalang muna ako. Napahinto ako sa picture na nandodoon. Siya ba ito nung bata siya?

Shocks? Bakit napaka-cute niya. He is smiling while holding his ice cream. I want to see him like this now.

Pero alam ko namang hindi na niya magagawa iyon. Hindi ata kasi siya naturuan ngumiti noong tumanda siya.

Napahinto naman ako sa isang envelop na naroroon.

Ano kaya iyon?

Nilapitan ko na ito at binuksan. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ko rito.

What is this? Bakit andito ang buong pangalan ko. Lalo naman akong na curious kaya kinuha ko na ang laman ng nasa loob.
Nakakita ako ng letter kaya agad ko itong tiningnan baka galing kay mommy at nakalimutan lang ni Troy ibigay sa akin.

Masaya ko itong binasa.

Troy my son,

Nawala ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko iyon.

I am so sorry for being an ass. I know I'm not the best father, forgive me for everything. You know that I love you and also your mother. But I have this last request for you, you have Stepsister from Bettina.

Bettina died when she donated her kidney for me kaya mas humaba pa ang buhay ko. That's why her daughter get mad at me I never saw her again when Bettina died. You need to find her and make her life luxurious.

I hope you'll do what I want. I just need to pay back to her mother.

I hope you'll understand son.

Parang nanlambot ang tohod ko sa nabasa kong iyon.

He lied?

Bakit hindi niya sinabi ang tungkol dito?

Pakiramdam ko ay sasabog ako sa nararamdaman ko ngayon.

How could he lie to me like this?

Akala ko siya lang ang taong hindi manloloko sa akin. Pero hindi, siya ang pinaka nanakit sa akin.

Naramdaman ko na ang pagtulo ng luha ko.

Anak siya ng taong may dahilan ng pagkamatay ng mommy ko. Bakit niya nagawang magsinungaling sa akin? Ginamit pa niya ang mommy para lang magawa niya ang gusto ng tatay niya.

How could they treat me like this?

"Samantha." Napaangat ang tingin ko kay Troy. Napako ang tingin niya sa hawak kong papel kaya agad niya siyang lumapit saakin. Agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking mata.

"Sa'yo galing 'yong mga lalaking pumunta saakin?" tanong ko rito.

"I can explain," sagot agad nito ng iiwas ko ang papel na hawak ko ng kunin niya ito.

"I don't need your explanation, alam mo kung gaano ako nasasaktan dahil sa mga taong nanloloko at nagsisinungaling sa akin. Alam mo kung gaano ako nahihirapan Troy at ikaw lang ang taong hinayaan kong alamin 'yong sakit na nararamdaman kong 'yon!"

"Bakit mo ako niloko?"

"Forgive me." Usal nito at inakma nanaman niya akong hawakan pero umiwas ako rito.

"Your father killed my mom, tapos gusto mong patawarin ko kayo. Nagsinungaling ka sa akin Troy. Simula una nag sinungaling ka, worst you used my mom para maniwala ako sayo? How could you?!" Pinipilit kong hindi pumatak ang luha sa mata ko. Ayokong makita niya akong mahina ngayon.

"You can't leave me."

Pilit akong tumawa rito nang sabihin niya iyon.

"I won't leave you," I said and I gave him the sweetest smile I have. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala pero wala na akong pake roon. Hindi na niya ako madadaan sa mga mata niyang 'yan.

"I will forget you, forever," ani ko sabay kong nilukot ang papel na hawak ko at tinalikuran na siya.

Napahinto ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"I thought your love for me can't change by anything, you promised that you'll not gonna leave me, Samantha." Napaharap ako rito.

"Yeah I said all of that. I lied, maging masaya kana dahil patas lang. Nagsinungaling tayo sa isa't isa, Troy." Tiningnan ko ang mga mata niya. Alam kong huling tingin ko na sa magaganda niyang mata, dahil sa sakit na binigay niya sa akin hindi ko alam kung kakayanin ko pang makita siyang muli.

"Pero magkakaanak na tayo," ani nito.

"Who told you that? Kahit kailan hindi ko gugustuhing magkaroon ng anak sa isang katulad mong sinungaling."

"I love you Samantha, please stay." Niyakap ako nito. Kaya napapikit ako dahil konti nalang ay tutulo na ang luhang kanina pa gusto kumawala sa mata ko. Dahil sa sakit naibinibigay ng lalaking ito sa akin.

"Alam mo Troy? pinagsisihan kong nakilala pa kita. Pinangsisihan kong sumama ako sa'yo. Pinagsisihan kong naniwala ako sa'yo at nagagalit ako sa sarili ko dahil minahal kita, nagmahal ako ng taong sinungaling na katulad mo!" Napalayo ito sa akin. Kaya agad na akong tumalikod para makalayo sakaniya.

Kitang kita ko ang pamumula ng mga mata niya, kaya agad na akong tumalikod at umalis na sa Office niya. Hindi ko na kayang tagalan na makasama siya. 

Pagkababa ko ay agad na man na may taxi na huminto sa harap ko kaya agad akong sumakay dito.

I need my mom now.

"Sa cloud cemetery po," ani ko rito. Nang makaalis na ang taxi sa harap ng Alpha ay doon na nag umpisa ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.

Napasapo nalang ako sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin ngayon. Ang sakit sakit ng ginawa niya. Ang sakit kasi siya na lang ang taong pinagkakatiwalan ko ginanito pa niya ako.

With all the smile he brought to me, I never thought that he could cause me so many tears like this.

Marahas kong pinunasan ang lahat ng luhang nasa mukha ko. I don't deserve to cry like this. I am Samantha Clemente and I don't deserve to be hurt like hell. I don't deserve to suffer just because of a man.

I will never let give anyone the power to hurt me again.

Never.

Troy's Inamorata • Promise#4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon