CHAPTER 3: APOLOGIZE

47 15 0
                                    

"Nice to meet you Kyliy"
Pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Ngunit nakaka-asar na ngiti naman ang iginanti niya.
Tsk! Bwiset ka talaga.

"Nice to meet you too" sinabi ko na lang dahil kailangan ko din siyang pakisamahan kahit papano. Baka pagalitan pa ako ni Dad kung papakitaan ko siya ng pangit na ugali.

Pero hindi pa rin nice na makita ko siya dUh! I hate him.

Nagpaalam na si Dad kay tito Rolan. At ipinakilala pa ako kung kani-kanino.
Pumasok naman kami sa kabilang pinto kung saan may buffet, at mukhang masasarap ang mga pagkain at mamahalin.

"Marlon! Why don't you join us here?!" pagtawag ng lalaking kasing edad lang din ni Daddy.

"Sure, sure" pagtanggap ni Dad sa alok nung kakilala niya.

"By the way this is my daughter, Kyliy Rhian." pagpapakilala ni Dad.

"Oh, your daughter's beautiful Marlon"

"I agree, she's so gorgeous" papuri pa nung babaeng nasa 20s  ang edad.

"Uhh Thanks po" nahihiya kong sabi. Dahil hindi naman ako sanay ng may pumupuri sa akin.
Alam ko naman na may itsura ako kahit papano, ayoko lang talaga na laging napapansin at napupuri, though hindi naman masama iyon, sadyang hindi lang talaga ako sanay.

Kumuha na muna kami ng pagkain ni Dad.
Mga desserts lang ang kinuha ko dahil nag dinner naman na ako.
Macaroons, Lemon&lime tarts at iba pang flavor ng tarts ang kinuha ko. Habang kumakain ay nakipag-kuwentuhan si Dad sa kapwa niya mga Business man.
At hindi ako nakaka-relate sa mga pinagsasabi nila.

Paminsan naman ay kinakausap ako ng iba naming kasama sa table. They're asking some random stuff, about school, or something.
Meron ding mga nagpe-perform sa harap habang kumakain, yung iba kumakanta at sumasayaw, kaya medyo nalilibang ako dahil hindi talaga ako makarelate sa pinagsasabi nila.

"Ija Kyliy, do you have a boyfriend?" biglang tanong nung babae. Sa pagkakatanda ko Tita Amy ang name niya.

Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil bigla siyang nagtanong ng ganun out of nowhere. Awkward.

"Uhh Tita wala po e hehe" nahihiyang sambit ko.

"How about manliligaw? Wala?"
Tanong niya pa ulit. Huhu bakit ang kulit ni tita.

Sasagot sana ako pero inunahan na ako ni Dad.

"Amy its too early for her para sa mga ganyan."striktong sambit ni Daddy.

"Come on Marlon you can't stop her for loving someone" Tama yon tita. Joks

"There's no true love when you're young" How I hate this kind of awkward conversation and situation.
Kaya wala akong napagku-kwentuhan sa mga ganito dahil natatakot akong makarating kay Dad, at natatakot ako sa sasabihin niya.
Kay Mom naman okay lang dahil hindi siya kasing strict ni Dad.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos din kami. Nagpa-alam na si Dad sa mga nasa table na aalis na kami.

"Where are we going, Dad?" Curious na tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung saan na naman kami pupunta. Kanina pa ako sunod ng sunod sa kanya.

"Company Gathering"

"Dad? Am I allowed there?"

"Yes of course, just sit there at the back and listen, gagawin mo rin ang mga iyon kapag ikaw na ang nag-manage ng company naten."

Whut? Ang boring don eh. This is one of the reason why don't want to come with Dad kasi wala naman akong gagawin doon.

Nag elevator na kami papuntang 4th Floor ng building. Pagpasok sa room nandoon na ang ibang mga members yata. Umupo ako bandang likod, medyo malayo sa mahabang meeting table nila.
Nag-kwentuhan pa sila habang hinihintay ang iba pang mga tao. Naririnig ko rin silang mag-usap. And they're quite bragging. Pero ganun naman talaga e, i guess?

Maya maya pa ay nagsi-datingan na ang mga hinihintay nila at nag-start na.

Nakinig naman ako ako sa kanila. Pero hindi pa rin talaga ako maka-relate sa mga discussions nila, though naiintindihan ko yung iba pero mas marami pa akong hindi nalalaman kaya hindi ko maintindihan.

Kinuha ko ang phone ko para kahit papano ay malibang. Gusto ko sanang manuod ng Thai series kaso bawal ang maingay, wala din akong earphones na dala. Tsk.

Tinext ko si Dad na pupunta lang akong wash room dahil nakakahiyang lumapit pa sa kanya habang busy sila doon.

Lumabas na ako at mahinang sinara ang pinto.

Gaya ng sinabi ko bumaba ako ng wash room dahil na-iihi na rin ako, pagkatapos ay humarap sa salamin at nag retouch.

Pagkalabas ay naghanap ako ng couch na pwedeng upuan kasi ayaw ko ng bumalik doon. Boring na boring na ako. Kinuha kong muli ang phone ko para sana manuod, kaso biglang pumasok sa isip ko si Rozi. Kaya naisipan kong i-search at i-stalk siya. Una ko munang sinearch yung Fb account niya.

                  Rozi Valles

Followed by 21,210 people

Tsk. Edi ikaw na famous.

Triny ko naman siyang i-stalk sa IG. Search. Search. Search.

Rozi Valles

25,902 Followers.

Ano ba siya? Artista? Napakadaming followers eh.

Nag-scroll pa ako pababa. Nakita ko nga yung sinasabi nila Maru na 'photographs' daw niya. At magaganda pala talaga.
May nakita din akong mga pictures niya kasama yung mga friends niya yata.

Pero may isang pic ang naka-agaw ng atensyon ko. Picture niya na nasa garden kasama yung isang babae naka-kawit sa braso niya.
Nag scroll pa ako at maraming pictures nilang dalawa akong nakita.

"Are you done stalking me?"
Nagulat ako nang may mag-salita sa likod ko. At alam ko na kung sino iyon.

"No! Uhh. I m-mean I'm not s-stalking you noh." shems bakit ba ako nauutal.

"Okay, sabi mo e" kunraring na-coconvince na sabi niya.

"Hindi kita ini-stalk, nakita ko lang yung picture mo." bakit nga ba ako nag-papaliwanag sa kanya?

"I need to go."sabi ko at kinuha ang bag ko at tumayo na dahil ayaw ko siyang kasama. Pero bigla siyang nagsalita.

"I'm sorry for leaving you last day."

Naramdaman ko namang sincere siya.
Pero hindi ko pa rin iyon pinansin at umalis na.

:))

Separated by Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon