CHAPTER 6: ARGUE

18 7 0
                                    

"Until we meet again."Sana nga Rozi. Sana.

Pero sana naman kapag nagkita tayo ulit, hindi na ako matapunan ng kape o ano mang pwedeng matapos sa akin. Ayoko nang maulit yun no.

Hinayaan niya muna akong makapasok ng bahay bago siya umalis. Pagkapasok ay muli ko siyang sinilip sa bintana. Medyo nakalayo na siya sa bahay namin.

Aakyat na sana ako sa kuwarto nang makasalubong ko si Mom.

"Who's that?" PATAY. Pero hindi naman ako dapat matakot. Mabait si Mommy. Tsaka wala namang namamagitan samin ni Rozi. Kaya dapat hindi ako kabahan.

"Uh friend ko po Mom." totoo naman kasing friend ko siya diba?

"Where did you go?" Grabe si Mom ang daming tanong.

"Sa The Darks po. Pero don't worry Mom kasama ko po sila Aya. Kumain lang po kami sa labas." pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga kasama sila Aya. Hindi kasi titigil si Mom kakatanong e.

"Mom matutulog na po ako sa kwarto."paalam ko.

"Go ahead, magpahinga ka na"
Hay buti hindi na nagtanong pa.
Umakyat na ako sa kuwarto at naisip na mag half bath muna. Nang matapos ako ay nagbihis ako ng ternong sleepwear. Pinili kong suotin yung light blue na color dahil favorite ko to.

Humiga na ako sa kama pero hindi ako makaramdam ng antok. Kaya naisip kong magkalikot ng mga gamit ko dito.

Habang nagkakalkal ay may kumatok sa pinto.

"Come in!" sigaw ko dahil baka hindi marinig sa labas.

"Ahh ma'am ito na po yung mga pina-laundry ninyo. Ilalagay ko na po sa closet ha."

"No yaya, ako na lang ang maglalagay niyan."

"Sigurado po kayo?"

"Yes, wala naman akong ginagawa e."

"Sige po." yun lang at lumabas na siya.

Kinuha ko yung basket na may lamang mga damit. At saka isa-isang inayos at inilagay sa damitan. Madali lang naman itong ayusin kaya malapit na akong matapos. Kinuha ko na yung huling tela para mailagay na sa closet pero, hindi akin to ah?

Tsaka ko lang naalala na kay Rozi pala ito. I forgot to give this to him kanina. Next time na lang. Ngayon nga lang pala ito nalabahan.
Nilagay ko sa gilid yung basket ng biglang nag ring yung phone ko.

Aya is Calling

"Hey Kyri? Musta? Nakuha mo ba?"

"Yes"

"Thank you so much Kyri!"

"Anong thank you so much? Shit ka Aya! Hindi mo sinabing si Rozi yung ka meet-up ko!"

"Wait, what? Kilala mo si Rozi?"

"Oo! Siya yung nagtapon ng kape sa uniform ko!"
Bigla akong napahawak sa bibig ko. Hala bat ko nasabi?

"What? Siya yung bumunggo sayo? Omyyyyygooooossshh Kyyyyyrii!"
Eto na nga ba ang sinasabi ko e.

"Nakakainis ka naman Aya e"

"What? Pogi naman yung pinsan ko ah?"

"Ano naman?"

"Wag ka na magalit. Alam kong nag-sorry na sayo yun. Psh haha."

"Anyways kaya ako tumawag sayo kase we want to go to your house tomorrow kasama sila Maru at Yza, okay lang ba kay tita?"

"Hmm pwede naman, basta hindi ka kasama"

Separated by Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon