CHAPTER 5: TREAT

27 8 0
                                    

"Ikaw na naman?" reklamo ko.
Kinuha ko agad yung bag ko at tinangkang umalis na doon.
Pero pinigilan niya ako. Hinila niya ang kamay ko at inilapit akonsa kanya.

"Why are you avoiding me?"
Hindi naman ako makasagot sa tanong niya. Bakit nga ba?

"Look, I'm so sorry for leaving you, okay? Hindi ko na uulitin yon"

"May balak ka pa bang ulitin yon" mahinang bulong ko sa sarili.

Bigla naman siyang tumawa.
"I heard that" natatawang sabi niya.

Potek naman? Narinig pa niya yon?

"Again. I'm so sorry, i didn't mean that. I'm in a hurry that's—"
Pinutol ko na siya sa pagsasalita.

"Uhh okay na, Apology accepted. Di mo na kailangan mag-explain." Tsaka sinabi ko na rin naman sa sarili ko non na napatawad ko na siya.

Inabot naman niya yung paper bag na may lamang mga maliit na box at kung ano pa.

"Bakit nga pala nasa iyo to?" bago ko pa mapigilan ang sarili ay naitanong ko na. Na-curious kasi talaga ako e.

"Pinsan ko sila Aya, naiwan nung kapatid niya ito doon sa bahay. Kailangan na daw."

"Ahh" di ko na alam kung anong sasabihin ko. Awkward nito.

"Kailangan mo na bang umuwi?"

"Hindi pa naman"

"Gusto mo bang kumain muna tayo saglit? Don't worry my treat, para makabawi ako sayo. Galit na galit ka sakin e" natatawang sabi niya.

Sinamaam ko siya ng tingin.
"Ikaw kaya tapunan ng kape tapos iwanan ka lang doon." pagtataray ko sa kanya.
Napatawad ko na siya pero mukhang bumabalik nanaman yung galit ko.

"Sorry na nga e" natatawa pa ding aniya.

"Saan naman tayo pupunta?" pag iiba ko ng usapan.

"San ba gusto mo?"

Nag-isip muna ako. Saan kaya?

"Hmm, Sa The Darks!"
Dahil gumagana na naman yung kalokohan sa utak ko sinabi ko kung saan may pinaka-mahal na pagkain dito. Babawi pala siya e edi lubusin na niya.

"Lets go then"

"Maglalakad ba tayo?" tanong ko.

"Gusto mo ba?"

"Ay ayoko nga. Nakakapagod maghintay sayo noh" Reklamo ko ulit. Dahil mabilis naman kasi talaga akong mainip, kung hindi lang dahil kay Aya hindi ko kukunin to e. Tapos nalaman ko pa na siya yung magbibigay nito.

Hindi na siya sumagot at naglakad na lang. Napunta kami sa may mga sasakyan.

May kinuha siyang susi sa bulsa niya, akala ko sa kotse kami sasakay pero hindi. Sa may motor siya dumiretso.

Sa pagkaka-alam ko BMW R 1200 RT yung motor niya. Kaya alam ko ito dahil gusto ko sanang magpabili ng ganitong motor kila Dad kaso ayaw nila dahil baka mapahamak ako.

Pero seriously dito siya nagpapark?

"Hindi ka ba natatakot na mag park dito?"

"Bakit naman?" pagtataka niya.

"Eh syempre. Madami kayang magnanakaw dito."

"Pwede namang palitan kapag nawala eh." edi ikaw na mayaman. Psh.

"Come here." bigla niya akong pinalapit. Nagtataka man ay sinunod ko pa rin siya.

Lumapit siya sa Akin at isinuot ang helmet sa ulo ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakagalaw agad.

Napatingin ako sa mukha niya at hindi maitatanggi na napaka-gwapo niya talaga. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya nagtama ang paningin naming dalawa, at nginitian ako.

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Hayyy ayoko talaga nito e. Sobrang awkward at nakaka ilang.

Nang matapos siya sa pagkabit ng helmet ay sumakay na siya.
"Sakay na" inilahad niya ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman iyon dahil baka matumba ako.

Pagkasakay ko ay sumakay na din siya.

"Hoy wag mong bilisan ah."
May trauma na ako sa pag-aangkas ko e. Muntik ba naman kaming mabunggo ng pinsan ko noon dahil sobrang bilis niya.

"Okay"

Sinunod niya nga ang sinabi ko. Hindi niya binilisan. Hindi rin masyadong mabagal. Swabe lang.

Ilang beses tuloy akong natukso na doon kumapit sa baywang niya tuwing may likong dinadaanan. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya kaya.

Mahigit 20 minutes kaming bumiyahe dahil may kalayuan ang restaurant sa park.
Pagkarating ay bumaba ka-agad ako. Ako na rin mismo ang magtanggal ng helmet dahil ayoko ng awkward moments.

Nagpark muna siya kaya hinintay ko muna. Pagpasok namin ay umalingasaw agad ang mabangong pagkain sa resto. Kaya super favorite kong kumain dito e. Kasi amoy pa lang mukhang masarap na, lalo na pag natikman mo.

"Table for two sir?" tanong nung waitress nang makapasok kami.

"Yes"

"Uh sir, full na po kasi yung mga tables. Pero if you want sir available po yung lovers booth. Yun lang po kasi yung bakante" paliwanag nung waitress.

Whut? Hindi naman kami lovers e!

"Its okay" wala na akong nagawa. Wala din naman na kaming uupuan.

"This way sir" itinuro sa amin nung waitress kung nasaan yung 'available' daw na table.

"Here's the menu Sir, Enjoy" bakit ba siya Sir ng sir? Hindi ba niya ako nakikita? Kung pwede lang i rate itong restaurant irerate ko ito ng 1. Tsk.

"What do you want?"

"Hmm, I want steak, and Spaghetti Carbonara"

"How about desserts?" tanong niya ulit.

"Macaron pomme Caramel, and cheese cake."

"Is that all?"

"yep"

Tinawag niyang muli ang waitress tsaka umorder.

"Bakit dito mo naisip kumain?" tanong niya.

"Kasi masarap dito, madalas kaming kumain dito nila Mom."

Natahimik nanaman kaming dalawa matapos kong sabihin iyon. Pero bigla na lang siyang tumawa.

"Hoy? Are You insane?"
Dahil muka syang tanga non, bigla na lang kaseng tumatawa.

"Stop calling me Hoy, I have a name"

"E why are you laughing nga?"

"I remembered your face nung nabangga kita."sabi niya habang tumatawa.

" Hindi ka nakakatawa" tinarayan ko siya. Pero deep inside medyo gumagaan na yung loob ko sa kanya at hindi na ko masyadong inis sa kanya.

Dumating na yung order namin kaya kumain na kami. Nagkwentuhan pa muna kami  nung matapos kumain.

"I will bring you home" sabi niya nang makalabas sa resto.

"Ha? Hindi na. I'll text my driver na lang"

"Sige na, take this as a payment dun sa ginawa ko."

"Sige na nga" wala na akong nagawa dahil mapilit siya.

Itinuro ko sa kanya kung nasaan ang bahay namin.

"Thank you sa paghatid" pasalamat ko sa kanya dahil nilibre na niya ako hinatid pa.

"You're always welcome"

"Uh, pasok na ako ha?" paalam ko sa kanya.
Kumaway ako sa kanya. Ngiti naman ang iginanti niya sa akin, sabay sabing

"Until we meet again"

:))

Separated by Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon