KINABUKASAN muli akong nagising ng maaga. Bumangon ako sa kama, pero sadyang mabigat ang pakiramdam ko. Kaya naman nagtungo ulit ako sa bathroom para maghilamos, baka sakaling mawala yung bigat. Gumaan naman kahit papaano,ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala iyon. Mawawala lang ito kapag nakita kong maayos na sila Mom at Dad.
Hay wala na bang igaganda itong buhay ko? Para kasing paulit-ulit na lang e.
Gigising sa umaga, babangon, papasok, uuwi, matutulog, at gigising na naman. Mayaman nga ako, nasa akin nga ang lahat, pero parang may kulang. May kulang sa puso ko, at hindi ko alam kung ano yung pupuno dito.Inalis ko na ang lahat ng hindi masayang ideya sa isip ko. Ayaw ko pang bumaba doon kaya kinuha na lang ang phone ko para manuod ng ilang series.
Hindi nag-tagal tinamaan na ako ng gutom. Kumukulo na ang tiyan ko. Kapag ganito pa naman, hindi pwedeng hindi ako kakain. Hindi ko kayang tiisin ang gutom noh.
Pagkababa ko ay nag-uumpisa pa lang si Mom na mag-prepare ng pagkain. Pero its 9 AM na, ngayon lang ata siya bumaba.
"Mom" pagtawag ko.
"Oh anak, kakagising mo lang ba? Lets have breakfast." Mom.
"Yes Mom, kakagising ko lang po."sagot ko.
"Mom are you okay?" mahinang dagdag ko pa.
"Yes anak, I'm sorry kung kailangan mo pang makita yon." paliwanag ni Mommy.
"Okay na po ba kayo ni Dad? Where is he?"
"Yes of course, nauna na siyang pumasok."
"Mom what is it ba? Ano po bang pinag-aawayan niyo?Maybe I can help"
"Anak, its our problem. And you're not involved in our problem okay?"
"But Mom——"magsasalita pa sana ako pero hindi niya ako pinatapos.
"Don't worry anak, we will fix this okay? You have nothing to worry, ha?" paliwanag ni Mom pero hindi ako na-convince. Hindi ko na lang pinahalata iyon.
"Okay Mom" sabi ko na lang, tsaka nagsandok na ng mga pagkain sa plate ko. Saka nagsimula ng kumain.
Matapos kumain ay nasipan kong gumala at magjogging sa labas. Kahit malapit nang magtanghali ay lumabas pa rin ako. Kaysa naman palaging nasa bahay lang ako.
Tumakbo-takbo ako, mga limang beses akong umikot hanggang kabilang street kaya naman pawis na pawis ako pagbalik sa bahay.
Bubuksan ko na sana yung gate nang mag-vibrate ang phone ko.
Aya:Kyri, do you want to come with us later? Where going to shop.
Nagdalawang isip naman ako kung sasama ba ako. Dahil pakiramdam ko hindi ako okay. Baka mapansin lang nila yun.
Pero sa huli ay napag-desisyunan kong sumama sa kanila, baka sakaling mawala yung bigat ng pakiramdam ko kapag nakasama ko sila.
Kaya i-tinext ko muli si Aya.
Me:Sige. What time?
Aya:3 Pm
Hindi na ako nag-reply. Pumasok na muna ako at umakyat sa kwarto para maligo, dahil nararamdamam ko na ang lagkit sa katawan ko.
Lumipas pa ang ilan pang oras. Umalis na si Mom papuntang work, kaya mag-isa akong nag-lunch. Nanood din ako ng Netflix sa living room dahil palagi nalang ako sa kwarti kaya dito naman ako tumambay, tsaka kapag nagutom ako madali lang pumuntang kitchen para kumuha ng snacks,o gumawa ng popcorn.
Malapit nang mag-3 PM kaya nag-desisyon akong magbihis na.
Itinext ko sina Aya kung nasa Mall na ba sila. Ayoko kasing mauna doon. Mainipin ako kaya bahala silang maghintay sa akin hshs.
BINABASA MO ANG
Separated by Destiny
RomanceIpagpapatuloy pa ba ang pagmamahalan kung may pilit na humahadlang dahil sa sikretong nakaraan? Halika na't tuklasan kung paano nila itutuloy ang nasirang pag-iibigan.