Chapter 8

11 3 0
                                    

"It seems to be your resting place" sabi niya.

"Yes, I think it is, and this makes me happy when I'm sad." ako.

"Are you sad?" biglang tanong niya.

"Why?"

"Tss. Tinatanong kita tapos sasagutin mo din ako ng tanong." nakangiti niyang sabi.

"Bakit naman kasi ganun yung tinatanong mo." pagtataray ko naman.

"Why you're so mean to me?" aniya.

"Kasi nakaka-inis ka" nakaka-inis naman talaga. Ang dami niyang tanong. Ang daldal pa.

"Crush mo ako no?" asar niya

What the hell?

"Kapal mo din e. Never kitang magiging crush okay?" sabi ko sa kaniya.

Lumipat ako sa kabilang section ng mga books. Sumunod naman siya.
Lumipat ako ulit sa kabila, pero sumunod na naman siya.

"Bakit ka ba sunod ng sunod?" pumunta lang yata siya dito para mang-inis sa akin.

"I'm gonna buy books"

"Bibili ka pero kanina mo pa ako dinadaldal. Hindi ka din naman pumipili ng mga libro" sabi ko.

"Please stop being so mean to me, kausapin mo ako ng maayos." wow ha ikaw pa nagsabi niyan. Psh.

Hinawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya.
Kinalas ko naman ang braso ko sa pag-kakahawak niya.

"Ikaw tong magulong kausap. Nang-aasar ka pa." inis na sabi ko.
Makulit pala tong isang to e.

"I'm sorry, but seriously.."iniharap niya ulit ako sa kanya.

" You said you only read books when you're sad and it makes you happy."

"So what?" mataray kong sabi sa kanya.

"I know you have a problem. I can see it in your eyes."
Tumalikod na ako sa kanya.

"Wala akong problema"

Lilipat sana ako sa kabilang section nang matanaw ko ang isang bata na may itinuturo sa itaas ng bookshelf para sa kids.
Dumating naman yung tatay niya at binuhat yung siya para makuha yung book na gusto niya.
Sumunod naman yung nanay niya doon. Tuwang-tuwa yung anak nila. Ilang minuto ko pa silang pinagmasdan. Kitang-kita sa mga mata nila yung saya. Yung saya na nagtatawanan sila, nag-eenjoy sila dahil kumpleto at sama-sama sila.

Naalala ko tuloy sila Mom at Dad. I hope they're okay now. Halata naman kasi kay Mom na hindi sila okay nung tinanong ko siya. Sinasabi nila lang iyon sa akin para hindi na ako magtanong pa at mag-alala.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Rozi.

Natauhan naman ako sa pagtawag niya. Hindi na ako sumagot pa sa tanong niya.

Aalis na sana ako sa puwesto namin pero hinila na naman niya ako.

"Hoy ano ba? Bakit ba hila ka ng hila sa akin?!"

"I said don't call me hoy. I have a name. And my name is Rozi."

"I don't care, saan mo ba kasi ako dadalhin?!" sinubukan kong alisin ang braso ko sa pagkakahawak niya pero ang higpit. Nakaka-inis talaga.

Nasaan na ba kasi sila Aya at kailangan pa akong iwan dito sa lalaking to?

Kung marunong lang ako ng self defense kanina ko pa to tinumba.

"What now? Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit pero hindi siya sumasagot.

"Heey! I said where are we going?" sabi ko ulit dahil mukhang hindi niya ako naririnig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Separated by Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon