CHAPTER 3

52 3 0
                                    

KC's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at malapit na ang aming Acquiantance Party. May ganun pala dito, sa America kasi wala.

Nasa school na ako ngayon at naglalakad. Naging maayos naman ang mga araw namin. Medyo ilag kami dun sa tatlong sikat na lalaki na palaging tinitilian ng mga girls pag dumaraan or dumarating walang iba kundi ang 3 Greek Gods. Syempre kasali na dun ang kambal kong mga sissy. Pero ako, wala lang neutral lang. Madami namang ganun sa ibang bansa. Though they're handsome, I think para sa akin common na lang yun, Hahaha. Kaklase nga namin sila kasi anu pa bang aasahan mo sa mga tagapagmana kundi puro business. Sa likod namin sila umuupo, yung dating row ng pwesto ko noong di ko pa kilala yung kambal, doon sila pumwesto. Yun naman daw talaga ang favorite seat nila, sa pinakalikod.

At dahil sa kadaldalan ng pag iisip ko, di ko namalayan na may nabangga pala ako.

"Fuck!" Sabi nung nakabangga ko at natumba kami. Ganun na lang ang pagkagulat ko sa pwesto namin. Kaya pala wala akong naramdamang sakit dahil nakapatong ako sa kanya, nakasubsob din ang mukha ko sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko ang nakabibighani niyang pabango. At ang kinagitla ko pa, nakapulupot sa bewang ko ang isa niyang braso at ang isa niyang kamay ay nakahawak sa may bandang legs ko, at ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya dahil naka mini skirt ako. Waahh! Mommy! Sigaw ko sa isip ko at dali daling tumayo.

"Uhm.. I'm so--rry. Utal at hiyang hiya kong sabi sa kanya sabay tingin sa mukha para makita ko kung sino at laking gulat ko nanaman ng makitang si Calix pala yun. Huhuhu si Calix na woman hater. I'm doomed. Nakatingin lang ako sa kanya dahil na star struck ako dahil di ko inaasahan na siya pala yun.

Dahan dahan lang siyang tumayo, sinamaan ako ng tingin at walang sabi sabing nilayasan ako. Hayyss.. Nakahinga ako ng maluwag ng wala siyang ginawa sa akin, kala ko sasapakin niya din ako. Pero (dub dub dub dub dub) si heart bakit ang bilis ng tibok niya? Ah, baka dahil kinabahan ako, tama! Sinawalang bahala ko nalang yung bilis ng heartbeat ko at dumiretso sa room namin. Nadatnan ko na doon yung kambal.

"Good Morning sissy!" Masiglang bati sa akin ni Aubrey at nagbeso sila sa akin ni Audrey.

"Morning." Matamlay kong bati pabalik sa kanila.

"Why are you so matamlay, what happened?" Napansin ata ni Aubrey ang pananahimik ko kaya siya nag tanong. Tiningnan lang din ako ni Audrey habang naghihintay ng sagot.

"May nangyari lang kanina, but don't worry I'm good." Paninigurado kong sagot sa kanila at nag smile nalang at tumango sila. Buti at di na nila ako kinulit dahil nahihiya ako sa nangyari at ayokong ikwento yun.

Maya maya pa ay dumating na yung 3 Greek Gods. (Hehehe yun na tawag ko sa kanila). At panay nanaman ang tili ng mga kaklase naming babae, samantalang wala namang pakialam ang mga boys. Napayuko nalang ako nung dumaan sila sa side namin at pumunta sa seat nila sa likod. Napansin ko din ang pagsulyap sa akin ng masama ni Calix. Huhuhu kakahiya talaga.

Nakahinga ako ng maluwag nang dumating na si prof para sa first subject. Puro discuss discuss lang naman si prof syempre, alangan namang wala kayong gawin, paano kayo matututo, Hahaha, sabi ng isip ko. Natapos ang maghapon na puro kami discuss kasi nextweek daw ang quiz, anu yun sabay sabay magquiz? Psh! Nabanggit din ng adviser ng block namin na ang Acquiantance Party ay this coming Friday, and today is Wednesday pa lang naman. Sa Friday daw halfday lang kami kasi sa hapon preparation na ng party sa gabi. Kailangan daw may partner kami sa party kaya yon ang problema ko ngayon. Wala pa akong partner, huhuhu. Pero bahala na nga, di nalang siguro ako mag aatend pag wala talagang nagyaya sa akin.

When NBSB meets Calix Walton Where stories live. Discover now