CHAPTER 10

31 2 0
                                    

KC's POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil ang totoo, hindi ako gaanong nakatulog dahil sa ginawa ni Calix. Tinawagan ko pa nga sila mommy dahil pati 'yon muntik ko ding makalimutan. Sinabi ko sa kanila na sa El Nido, Palawan kami mag sesembreak kasama ang mga kaibigan ko, kaya tuwang tuwa sila. Para naman daw makapunta ako sa ibang sulok ng Pilipinas at hindi puro bahay. Actually alam din nila na pag aari ng mga Boehringer ang beach kaya mas lalo silang naging at ease. Pinaalalahanan lang din nila ako na mag ingat at mag send ng pictures to them.

Pagkatapos kong naghilamos at toothbrush, bumaba ako to have a jog. Medyo matagal tagal na din simula noong huli eh. I am now wearing a dolphin shorts and fitted black sando and rubber shoes. Kinuha ko din ang phone ko and headset para makining ng music habang nagjojogging. Paglabas ko ng gate, I saw on my peripheral vision na may sumunod din sa aking body guards. Haysss...di talaga nawawala ang mga bumubuntot sa akin, pero sa malayo lang sila tulad ng gusto ko, yung di halata na ako ang binabantayan. My parents told me na mga well-trained dw itong body guards nila Calix kaya wala daw akong dapat ipag alala. Kung trained daw 'yong body guards ko dati, mas pa dw ang mga 'to. Bawal daw kila tito ang lalamya lamyang body guards, siyempre sila nga naman ang pinakamayaman kaya kailangan talaga 'yon dahil prone sila sa masasamang tao.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo, may nadaanan akong park. Wala pa siyang sobrang tao dahil maaga pa naman. Umupo muna ako sa swing at doon medyo nagpalipas ng oras. Habang nakaupo ako doon, parang feeling ko talaga may nagmamasid sa akin. Don't get me wrong, meron talaga kasi may body guards ako, pero hindi ganito ang feeling na nararamdaman ko pag andiyan sila kasi sanay naman na ako, saka feeling ko sobrang titig na titig kung sino man ang taong 'yon, kaya kinakabahan ako. Di naman ganoon ang body guards ko kasi siyempre they also need to check my surroundings at hindi puro ako lang.  (Ring! Ring!)

"Oh my God!" Napatalon ako sa sobrang gulat dahil sa pag ring ng phone ko. Mas lalo pa tuloy lumakas ang kaba ko, bwisit! Nagpalinga linga muna ako bago sinagot ang unregistered number na tumatawag sa akin kaya napansin kong parang naalerto ang mga body guards ko.

"Hello? Who's this?" Pagsagot ko sa kabilang linya.

"It's me." Boses ni Calix. Bigla nanaman tuloy bumilis ang tibok ng puso ko pero nakahinga ako ng maluwag noong narinig ko ang boses niya. "Where are you?" Seryosong tanong niya.

"Ah...andito sa park, pero pabalik na ako." Sagot ko naman.

"What are you doing there? May body guards ka ba?" Medyo nagpapanick niyang tanong habang parang naririnig ko sa kabilang linya na mabilis siyang naglalakad. Anyare?

"Yeah I have. Nagjojogging lang ako, but I saw a park nearby kaya napatambay ako para magpalipas oras. Why?" Curious kong tanong.

"Hmm..nevermind, just wait me there. Wag kang aalis pupuntahan kita." Sabi niya sabay patay sa tawag. Anak ng? Bakit niya naman ako pupuntahan? Tanong ko sa isip ko. Naupo na lang ulit ako sa swing habang hinihintay siya, wag dw aalis eh baka mag alburuto yun pag di ko siya sinunod. Pagkaupo ko ulit, pinagpatuloy ko din ang pag soundtrip at nafeel ko nanaman that someone is digging me hole dahil sa titig nito. God! Kinakabahan talaga ako kung sino man 'yon. Sabi ko sa loob loob ko. Napatayo na lang din ulit ako noong makita ko na si Calix na tumatakbo papunta sa akin. He's wearing a white t-shirt, gray shorts at rubber shoes. Gwapo!

"Hey.." bati niya sa akin sabay tingin sa suot ko. Awkward! "What are you wearing? That's too sexy." Kunot noo niyang sabi noong sinipat niya ang shorts ko.

"Ahm...goodmorning. This is what I used to wear kapag nagjojog ako Cal." Sagot ko sa kaniya. Palagi namang ganito ang suot ko noong nasa America pa ako.

When NBSB meets Calix Walton Where stories live. Discover now