(Rated SPG)
KC's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at ito na ang ikalimang araw namin dito, meaning our last day to enjoy. Madami din kaming nagawa noong mga nakalipas na araw tulad ng sunbathing, swimming at hiking. We're also able to watch the beautiful view of what they called the twin beaches. Sobrang nakakaenjoy 'yon at siyempre di pa din nawawala ang mga balyahan at asaran namin. Kasalukuyan kaming nagsuswimming ngayon dahil maya maya din ay babalik na din kami sa Manila. Nitong mga nakaraang araw, kapansin pansin din ang palaging pagtawa ni Calix na di niya naman dati ginagawa. We're happy na kahit papaano ay nagiging normal na siya, hehehe. Si Cullen naman, panay pa din ang pang aasar sa amin, lalo na sa akin. Si Keane naman as usual medyo tahimik pero alam kong enjoy na enjoy din. Yung kambal naman ganun din, palaging nagsosolo si Audrey at Cullen, palagi ding nag uusap si Keane at Aubrey. Tapos kami naman ni Calix, madalas siyang pumupunta sa kwarto ko pero nang aasar lang din. Wag madumi ang isip niyo.
"Hayss...I'll miss this place." Sabi ni Aubrey na lumalangoy langoy paikot sa amin.
"Hmm.. me too." Sang ayon ko sa kaniya. Sobrang naenjoy ko din ang stay namin dito dahil bukod sa first time ko, madami din akong bagong naexperience na bagay tulad ng hiking. Nagawa ko din mag sunbathing ng matagal tagal kaya medyo nagtan talaga ang balat ko but I like it.
"We can still visit here anytime though. Our beach will always welcomes us." Sabi naman ni Keane.
"But that would be impossible after sembreak dahil magiging busy na tayo sa thesis writing natin. During Christmas break naman, malamig kaya hindi tayo gaanong mag eenjoy, so maybe after graduation? We can celebrate it here." Mahabang sabi at suggestion ko.
"True sissy. Baka after graduation na lang. We have all the time to enjoy after that." Sabi naman ni Audrey. Sumang ayon na lang din naman ang iba.
Noong nagsawa na kami sa pagsuswimming, bumalik na ulit kami sa hotel para mag ready sa pag uwi. Hindi ko naman gaanong nilabas ang mga gamit ko kaya mabilis lang itong ayusin. Hiniwalay ko lang ang mga nagamit sa hindi, at viola! I'm ready. Pumunta muna ako sa veranda ng room ko and for the last time enjoys the beautiful view of the beach. I'll always come back here, that's for sure. Sabi ko sa isip ko habang nakapikit na ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Habang nasa ganoon akong posisyon, may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko. Alam ko na agad kung sino dahil sa amoy nito. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Nitong mga nakalipas na araw din, medyo nasasanay na siya na palagi niyang ginagwa 'to pero hanggang dun lang naman. We'll not cross the line because we don't have label yet, at saka nanliligaw pa lang din siya. Di ko minamadali ang sarili ko at alam kong ganoon din naman siya, kaya hinahayaan ko na lang na gawin niya 'to.
"Let's go Claire. We'll be back here soon, don't worry." Mahinang sabi niya sa may tenga ko dahil nga sa nakayakap siya sa akin. Tumango na lang din ako kaya tinanggal niya na din ang pagkakayakap niya.
"Nasasanay ka na sa kakayakap sa akin ah Cal." Sabi ko habang papunta sa mga maleta ko.
"Why? Nabastos ba kita?" Parang nag aalala niyang tanong.
"Nope, napansin ko lang." Sabi ko naman ng medyo nakangiti para di naman siya mag alala. Hindi din naman kasi talaga siya lumalampas sa ganoon eh.
"Oh. I'm sorry, I just can't help it. It feels good hugging you." Napapakamot niya sa ulong sagot. Cute! Nginitian ko na lang siya pagkatapos hinila ko na 'yong isang luggage ko saka lumabas. Nakasunod lang naman siya sa akin habang hila hila niya ang maleta niya at 'yong sa akin na isa.
"Ang tagal niyo naman lovers. Nag toot pa kasi yata kayo eh." Asar nanamang sabi ni Cullen.
"Shut up Cullen, wala ka talagang alam kung hindi puro yang toot na yan." Sagot naman ni Calix na inaayos ang mga maleta namin sa sasakyan na maghahatid sa amin sa center town kung saan nandoon ulit ang plane nila Calix na sasakyan namin pabalik sa Manila.
YOU ARE READING
When NBSB meets Calix Walton
RomanceKaitlyn Claire is a total package girl with beauty and brain. She also came from a well-known family, but would you believe that she's a Certified No Boyfriend Since Birth? What will happen if her path collide with the cold, woman hater but handsome...