CHAPTER 9

32 4 0
                                    

KC's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, and guess what? Patapos na ang first sem at magsesembreak na. Today is thursday, at hanggang bukas na lang ang pasok. Katatapos din ng finals namin for this sem but we still hella busy para sa mga requirements. Pero alam ko mas busy pa kami next sem because we'll gonna have our thesis. Pero di bale, konting push na lang at makakapag tapos na din.

Nasa tambayan kami ng 3 Greek Gods ngayon habang nagpapahinga. Oo may tambayan sila na para lang talaga sa kanila pero pwede naman kami. Katatapos ng mga reaction papers, at mga portfolios na ginawa namin and we are damn tired. Nakahiga ako sa sofa ngayon at nakataas ang mga paa sa sandalan nito. Samantalang sila naman ay sa floor. Malinis ang floor nila kasi pati daw 'to nililinis ng janitor. Sosyal di ba?

"Claire ayusin mo higa mo, you might fall." Paalala ni Calix sa akin.

"Then catch me if I fall." Birong sagot ko, hahaha.

"Yieehhh.." Mahinang tili ng kambal.

"Yown!" Sabi naman ng dalawang boys.

Sa paglipas din ng mga araw, naging maayos kahit papaano ang treatment sa akin ni Calix. Di na siya tulad dati na palagi akong nilalait na stupid tapos masyado siyang cold. Medyo nabawasan na 'yon ngayon. Medyo lang naman pero ok na din.

"Be my girl then." Biglang seryosong sagot niya. Waaahh!!!

"What? You're not even courting me then you'll gonna ask me that?" Natatawang sabi ko.

"Hahaha! Talaga ba dude? I thought you're courting her already?" Pang aasar naman ni Cullen.

"She'll be my fiancé soon, so why do I need to do that still?" Kunot noong sagot naman nito. Hay.. napaka talaga.

"But you know Calix, courting is important to us girls. Doon namin minemeasure if you're really sincere sa hangarin niyo sa amin. If you're sincere naman kay sissy KC, then why don't you court her?" Paliwanag ni Audrey.

"Oo nga dude. Di sapat 'yong pagpapatigil mo sa mga manliligaw niya tapos ikaw wala naman palang gagawin. At saka remember fiancé to be mo palang siya, meaning wala ka pang pinanghahawakang title. Pwedeng pwede pang maagaw ng iba, hahaha." Lokong dugtong ni Cullen.

"Fine! Pinagtutulungan niyo nanaman ako." Nakabusangot na sabi ni sungit.

"Hahaha!" Tawa nila including me.

"Ah... Claire, can I court you then?" Biglang baling sa akin ni Calix. (dub...dub...dub..) kabog ng dibdib ko. Ayan KC sige tawa pa, eh di nganga ka ngayon? Sabat ng isip ko.

"Uhmm...ahh...ok?" Di malamang sagot ko dahil ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

"Yey! So it's official. Cal is officially courting Claire. Woohooo.. confetti!" Mukhang tanga nanamang sabi ni Cullen. Nagtawanan na lang kami dahil sa kalokohan niya. Napansin ko namang tahimik si Keane.

"Pst! Why are you so quiet?" Mahinang tanong ko sa kaniya dahil nasa tapat ko lang din siya.

"Hmm..don't mind me. Nag iisip lang ako kung saan tayo pupunta this coming sembreak." Sagot niya nang nakatingin sa kisame.

"Oo nga pala guys, saan tayo sa sembreak?" Biglang malakas na tanong ni Cullen. Psh!

"We can go to our beach in El Nido, Palawan. My parents both it just last week. It's uncrowded and untouched by mass tourism so mag eenjoy tayo doon dahil di ganoon kadami ang tao." Sagot ni Keane. So yun ang pinag iisipan niya kanina huh?

When NBSB meets Calix Walton Where stories live. Discover now