CHAPTER 4

55 3 0
                                    

Keane's POV

Hi there! I'm Keane Boehringer. Son of one of the richest business tycoons in the world. Di ako mayabang niyan, it's all mere facts. Katulad din nitong mga bestfriends ko. Isa akong tahimik na tao, di ganon kadaldal, kaya ewan ko dito kay author at may POV ako. (You shut up man!) Hehe peace author. So ayun nga, katatapos ng class namin at puro discussions ang nangyari sa lahat ng subjects. What do you expect Keane?  Sabat ng isip ko. Oo nga naman, malamang sa malamang ganun talaga ang ginagawa sa school, hahaha LOL! Pero seryoso na, ang boring ng buong maghapon. Buti nga kasama ko 'tong dalawang ugok kaya may napagtitripan kahit paano. Kaso itong isa, sobrang tahimik niya na baka panis na ang laway, hahaha. The fudge, nahahawa na ako ni Dumas sa kakornihan. Andito kami ngayon sa bahay nila Calix dahil wala lang, wala kaming magawa sa bahay, at dahil halos magkakalapit lang din ang bahay namin, we decided to hang out para mapag usapan na din kung ano ang isusuot namin sa party this coming Friday. Wala ding katao tao dito sa bahay nila Calix maliban sa amin at sa mga maids. Parang sa amin lang din. Pero Calix told us earlier na andito ang parents niya sa Pilipinas. May business daw na pinuntahan kaya umuwi galing Korea.

Maiba tayo, kanina palang umaga habang papasok ako, may nakita akong kaaya ayang tanawin. Alam niyo kung ano? Hulaan niyo! Hahaha.

Ito na sasabihin ko na, nakita ko lang naman sila Calix at Kaitlyn na nagkabungguan at yung maganda nilang pwesto na pang porn, hahaha. Fuck! I can't moved on with that scene at hanggang ngayon tuwang tuwa ako. Para akong baliw kanina pa na pangisi ngisi, damn! Hahaha

"What's with that damn face Keane? Kanina ko pa napapansin na para kang na uulol na aso, hahaha." Nagtataka at nang aasar na tanong ni Cullen sa akin, hahaha isa pang chismoso. Minsan na nga lang ako magkaganito. Sinulyapan ko naman si Calix na nakaupo sa sofa at nakaharap sa laptop. Hindi ko alam kung nagbago na ba siya or natamaan lang talaga siya dun kay Kaitlyn. I can't deny na talagang maganda ang isang yun na kung makakasalubong mo, talagang lilingon ka para tingnan ulit siya. She's an epitome of real beauty.

Bakit ko nasabing nagbago or natamaan siya? It's because I know Calix, pag may nakagawa ng di maganda sa kanya babae man o lalaki ay lagot ka. Naalala ko pa noon, nakasapak siya ng babae dahil sa nabuhusan siya nito ng juice ng di sinasadya. Yung nangyari naman kanina, alam kong nasaktan siya dahil napamura nga siya, at sino ba naman ang di masasaktan pag napahiga ka at may nakadagan pa saiyo? I know pangit ang pagkakabagsak nila at may kasalanan talaga dun si Kaitlyn dahil parang lutang siya at dirediretso siya kay Calix, hahaha.

Hinintay ko ang gagawin ni Calix at ready na nga akong lumapit kung sakaling may gawin siya kay Kaitlyn para mapigilan siya, pero laking gulat ko ng tumayo lang siya, tiningnan ng masama si Kaitlyn at umalis na. That's very new to Calix. Di ko naman sinabing saktan niya si Kaitlyn pero nakakapanibago lang. Maybe bumabalik na siya sa dati? Nabalik ako sa wisyo nung kulitin ulit ako ni Cullen.

"Ano na bro? Tulala ka naman ngayon. Kanina lang mukhang asong ulol. Umamin ka nga, are you taking drugs?" Pilit seryosong tanong pa din ni Dumas. Wtf?! Nasulyapan ko si Calix na napahinto sa ginagawa at napatingin na din sa akin. Maya maya pa, tumawa ng malakas si Cullen. Bwisit talaga!

Poink! (Tunog ng pambabatok po yan, wag kayong ano! Hehehe.) Kinutongan ko nga ang Dumas na yun kung anu anong sinasabi eh.

"What the fudge! Drugs? Talaga ba Dumas? Sa tanang buhay ko di ko pinangarap mag drugs." Naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Then why are you smirking nonstop and then bigla ka nalang natutulala?" Pangungulit pa ding tanong niya. Chismoso talaga ang isang 'to kaya di talaga ako titigilan nito hanggat di umaamin kaya napangisi nalang akong napatingin kay Calix na nakatingin pa din sa akin.

When NBSB meets Calix Walton Where stories live. Discover now