CHAPTER 7

39 2 0
                                    

KC's POV

Sunday. Magkakasama kaming nagsimba ng parents ko at ni yaya Choleng. Si yaya Choleng ay matagal na naming yaya sa America pa lang. Siya din ang nag alaga sa akin mula noong bata pa ako kaya tinuturing na namin siyang kapamilya. Wala na ding pamilya si yaya kasi wala silang anak ng namayapa niyang asawa, kaya ako nalang ang tinuturing niyang anak. Ngayong aalis ako sa bahay, ang sabi ni mom si yaya ang maiiwan doon kasama ang iba pang maids at body guards.

Pag kauwi namin galing church, nagsimula na akong mag impake dahil nga ngayon din ang napag usapang araw kung saan lilipat na ako sa bahay ng fiancé to be ko kuno. At ang sabi ni mom, ngayon din daw ang flight nila ni dad pabalik ng America. Di naman daw sila gaanong magtatagal doon. Kailangan lang talaga na pumunta sila doon para mag attend personally ng mga meetings at may mga documents din daw na kailangan ng pirma nila urgent. In short, I really don't have a choice but to comply. Haay.. buhay..

Pagkatapos kong mag impake, pinakuha ko kay yaya ang mga luggage para maibaba.

"Mom, do I really need to stay in Calix's house? Pwede naman dito nalang ako kasama ni yaya." Paglalambing ko kay mom baka lang gumana, Hehehe.

"Yes baby and I'm sorry for doing this. It's just that we don't want to leave you here alone. Mas at ease kami pag andun ka kila tita Mau mo."

"But mom, si Calix lang din ang andun kapag wala ang parents niya. Saka masungit yun mom, nakita mo naman kagabi. He's cold and scary at times."

"But still mas ok doon baby. Don't make this hard for us ok? Babalik kami at pag balik namin pwede kang dumalaw dito." Parang nahihirapan ding sabi ni mom. Ok, you win. Sabi ko sa isip ko.

"Ready girls?" Tanong ni dad habang kinukuha na ang mga luggage namin.

"Do I have a choice dad?" Nakasimangot kong baling sa kaniya.

"You don't have a choice princess. But this is for your safety and for you to know your future fiancé better." Sagot nalang ni dad. Di na ako nakipag talo pa dahil wala ding mangyayari, papunta na din kami doon.

Dumiretso muna kami sa bahay nila Calix para ihatid ang luggage ko tapos sasama ako sa kanila sa airport para maihatid sila. Pag dating namin kila Calix, nagtaka ako dahil nakabihis din silang tatlo. Saan kaya punta nila? Bumaba kami sa kotse at pinakuha nila tita ang mga luggage ko sa mga maids nila. Nagtaka nanaman ako dahil pati ang parents ko ay ibinaba ang dalang luggage nila.

"Mom, why did you get your luggage too?" Takang tanong ko.

"Honey we'll gonna ride on one car, all of us." Nakangiting sabi ni tita.

"You mean, you'll going to send them off too tita?" Dagdag ko pa.

"Hahaha no honey, we'll going to our flight also. Magkakasabay kami actually." Natatawang sabi ni tita. Goodness!

"Did you plan this mom?" Baling ko kay mommy na ngingiti ngiti din.

Pero bago pa ako masagot ni mom huminto sa harapan namin ang isang 2020 Land Rover Range Rover Sport SVR na si Calix ang driver. Nice! Kinuha nila dad ang luggage nila at sumakay na. Ako ang huling sumakay, and guess what? Sa front seat nila ako pinaupo katabi ni Calix. Napaka talaga nila, psh! Noong nakapwesto na kaming lahat, pinaandar na yun ni Calix. Tahimik lang kaming dalawa, samantalang sila sa likod, panay pa din ang daldalan hanggang makarating kami sa airport.

"You take care baby, we'll miss you." Sabi ni mom sabay yakap sa akin, ganun din si dad. Tumango lang ako sa kanila. Hmp! Di niyo ko mahal, pinamimigay niyo na ko, huhuhu. Drama ko sa isip ko.

When NBSB meets Calix Walton Where stories live. Discover now