Love's Pov.
Ilang araw na rin ang lumipas, hindi na rin kami nagkita ni ano. Wait, anong pangalan niya? Amp.
Masayang nag-uusap na akala mo kilala na namin ang isa't isa pero hindi ko alam ang pangalan niya at gano'n din siya. Para kaming tanga.
Hindi naman sa gusto ko siyang makita pero uh basta! Pero parang gano'n na nga? Gulo mo bhie.
Napa-iling nalang ako. It's sunday morning today. Maaga talaga akong nagising ngayon kasi plano kong magsimba mag-isa.
Yes, mag-isa kasi inaya ko si Cristy pero hindi raw siya pwede ngayon kasi may pupuntahan sila ng parents niya. At wala naman akong jowa para may kasamang magsimba.
All alone. Sanay naman na ako. Ay nagdadrama?
I'm wearing a simple dress and a simple doll shoes. Hindi na ako nagmake-up duh! Magsisimba ako hindi magpaparty. May shoulder bag din akong dala para lagyan ng panyo, wallet, at cellphone ko.
Pumanhik na ako, wala namang pakealam ang mga tao rito sa bahay saakin. Ang habol lang talaga nila ay pera.
Minsan pinagbubuhatan ako ng kamay ni auntie kasi hindi ko sila inaabutan ng pera. Binibigyan ko naman sila pero para lang 'yon sa pang grocery at kuryente. Gusto talaga nilang kunin lahat ng perang pinapadala ni mama saakin.
Minsan gusto kong lumaban pero nirerespeto ko parin sila. Minsan kulang ako sa pera kasi kinukuha ni auntie saakin.
Natandaan ko 'yon, sinampal niya ako para lang sa pera. Sige lang, okay lang. Wala naman akong mapupuntahan na iba kasi sila lang ang alam kong pamilya ko rito.
Masakit lang kasi pamilya ko sila pero bakit nila ako sinasaktan? Dahil sa pera?
Iniyakan ko sila noon ng patago. Sa kwarto ko, doon ko nilalabas lahat ng hinanakit ko. Umiiyak ako, nasasaktan ako at ako lang ang nagpapatahan sa sarili ko. Ako lang mag-isa.
Kaya simula noon, kahit ilang sampal pa ang natamo ko, hindi ako umiyak. Kasi sanay na ako.
Sinasabihan ko nalang ang sarili ko na, 'Kaya ko 'to! Tiis lang! Malalampasan ko rin 'to! Obstacle lang 'to na binigay ni God na kailangan kong malampasan.'
Kakayanin ko kahit ako lang mag-isa. Natatakot din akong magsumbong kasi pamilya ko rin naman sila eh.
At kahit anong pasakit ang binibigay nila, baliktarin man ang mundo, pamilya ko parin sila at mahal ko sila.
Let's just stop this shit.
Nang makarating na sa Cathedral ay umupo na ako. Sa may bandang gitna ako umupo. Wala pa namang masiyadong tao, buti hindi pa nag-uumpisa ang misa pagdating ko.
Napahikab ako, tumingin-tingin pa ako sa kabilang mahabang upuan nang biglang nay umupo sa tabi ko kaya tiningnan ko kung sino.
Nang makita ay biglang nangunot ang noo ko. Mask guy?
Kinalbit ko siya, napatingin naman siya saakin at nagulat nang makita ako.
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" I asked.
"Seriously?" Nakangiwi niyang sagot.
Napataas ang kilay ko. Aba malay ko, baka sinusundan niya pala ako. Sanaol may stalker. Amp! Ano ba 'tong iniisip ko?!
Napailing nalang ako.
"You know what? You look stupid." Masungit niyang saad.
Sumama naman ang mukha ko sa sinabi niya. Ako? Stupid? Puch-- kalma. Bawal magmura rito. Napa inhale exhale nalang ako.
BINABASA MO ANG
WRITER FT. READER
RomanceThere is a writer, a male writer. A killer one, 'yung masasaktan ka talaga dahil sa sinusulat niya. Damang-dama mo ang sakit kasi namatay ang bida, dahil pinapatay ng walang-awang writer. Andaming humahanga sakaniya dahil sikat na writer siya. Pero...