Chapter 3

6 1 0
                                        

Love's Pov.




Pagkagising ko naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Ang lecheng lalaki na 'yon. Badtrip!

Trip niya ba ako? Mukha ba akong katrip trip? Napairap nalang ako.

Naligo na ako at nagbihis ng uniform, sa school nalang ako kakain. Araw-araw naman siguro sa school ako kumakain. Bumuntong hininga nalang ako.

Nakatira ako sa kapatid ng mama ko, wala na akong matutuluyan dito. Hindi maganda ang trato nila saakin at hindi ko sinasabi 'yon sa mama ko. I smiled bitterly. My mom's an OFW.

Kumakayod para sa'kin. Para sa pangarap ko, pangarap naming dalawa. For my future rin.

Kung sasabihin ko sakaniya na sinasaktan ako ng kapatid niya. Lalong kakayod 'yon para makalipat ako at magstay sa apartment.

Ayokong magkasakit siya dahil sa sobrang pagod. At ang mahal ng apartment ngayon. Tiis tiis lang, makakawala rin ako rito sa impyernong 'to.

Ako lang ang nakakaalam na sinasaktan ako ni Auntie. Even my bestfriend doesn't know everything.
Ayokong pinoproblema ako ng iba.

Dali-dali na akong lumabas ng bahay para hindi makita ni auntie. Kasi hihingian na naman ako ng pera no'n. Saakin nagpapadala si mama, hindi sakaniya.

At ang ipinapadala ni mama na pera ay para lamang sa pag-aaral ko at allowance sa ibang bagay.

Buti nalang scholar ako. Sumakay na ako sa jeep para makarating na sa iskwelahan. I'm taking up education.

I wanted to be a teacher back then 'til now. Imagine, a kid calling you a 'Ma'am or teacher' someday. So good to hear.

One more year, malapit na nga eh, gagraduate na ako. Tiis lang, konting konti nalang.

"Para po!" Nagbayad na ako at bumaba na.

Naglakad na ako sa room namin. Baka nandiyan na ang prof at maawardan na naman dahil late. Hindi naman ako palaging late eh, minsan lang promise.

"LL!" Pagkaupo ko palang sa upuan ko ay tinawag na ako ng bestfriend ko. Paniguradong may chika na naman 'to.

Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang nagkuwento. Wattpad na naman 'to.

"Natapos ko na ang binabasa ko sa wattpad! L, nakakaiyak 'yung ending!" Kuwento niya at sumimangot.

Ayan tayo eh, pabasa basa ng wattpad pero hindi makagawa ng PowerPoint.
"Oh? Tapos mo na ba ang para sa demo mo?" Epal na saad ko haha!

"Hindi pa, bakit? Tutulungan mo'ko?" Busangot na saad niya at nangningning ang mga mata nang sinabing tutulungan ko siya.

Ako? Tutulong? Hmm 'di mo sure.

Iniripan ko nalang siya.

"Maldita!" Bulong niya na rinig na rinig ko naman.

Aalma na sana ako sa sinabi niya pero biglang may naalala ako.

"Cris! May chika ako sa'yo! Kasi kahapon pumunta akong national book store! Papunta palang akong counter, biglang may sumigaw na 'Killerton' sa tingin mo si Killerton naroon sa NBS? Siya talaga 'yon? 'Yung author na killer?" Mahabang daldal ko sakaniya.

Biglang nangunot ang noo niya.

"Bakit? Mukha ba akong naroon sa NBS kahapon at ako ang tinatanong mo?" Epal talaga 'to. Pinitik ko naman ang noo niya kaya tiningnan niya ako ng masama.

Wait, pinitik din ako sa noo kahapon ah? Ang lalaking 'yon! Bwesit talaga.Sumama naman ang mukha ko bigla.

Hindi ko namalayang pinitik pitik ko ng maraming beses ang noo ni Cristy. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinampas.

WRITER FT. READERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon