Warning: Violence and verbal abuse
Love's pov.
Iniwas ko nalang sakaniya ang paningin ko at hindi sinagot ang tanong niya. Hindi pa ako nagkarelasyon noon hanggang ngayon kaya hindi ko alam ang feeling at kung ano ang pag-ibig. Aba, malay ko kung ano ean.
Pero sa mga naririnig, nasaksihan at napapanood ko, masarap daw at the same time masakit din. Pero bakit ko ba iniisip ang love na ean?
No way! Ilang araw palang kami nagkakilala at ni hindi nga namin kilala ang isa't isa. I don't even know his name.
At hindi gano'n kadali para sabihin ko na mahal ko na siya. Masyadong malalim ang salitang eon. Pwedeng crush muna?
Ang harot!
"Ihatid mo nalang ako." Utos ko sakaniya. Pakapalan na ng mukha 'to.
Para makatipid na rin ng pamasahe hehe.
Tinitingnan parin niya ako kaya pinitik ko ang noo niya, ayan quits na kami.
Sinamaan niya naman ako ng tingin, ang sama talaga nito. Parang tanga.
"Ihatid mo na ako, please?" Malambing kong pakiusap sakaniya.
Natuod naman siya sa kinatatayuan niya at parang tangang nakatulala sa harapan ko. Luh? Anyare sa'yo 2ll?
2ll means tol, sa kabuuan ay katol. Lol.
Nakatingin parin siya saakin, nabaliw na ba ang lalaking 'to? Pinitik ko ng paulit-ulit ang noo niya, baka sakaling matauhan hehe.
Nang bumalik na siya sa mundong ibabaw-- para kasi siyang lumakbay sa nakaraang buhay, nakatulala pa ang ungas. Anyare 2ll? (2)
"Nakakarami ka na ah? You're hurting me na bebe ko!" Bebe ko? Yawa! Mukha ba akong anak ng pato?
Bebe? Ang sagwa pakinggan mga bhie. Yuck, kadiri. Nakakasuka, I need medics!
"Bebe mo mukha mo! Para kang tanga riyan! Ihatid mo nalang kaya ako? Nasaan ba ang kotse mo? Teka ano bang pangalan mo? Ilang araw na tayong nagkukuwentuhan na para bang kilala na natin ang isa't isa pero hindi ko pa alam kung ano ang pangalan mo!" Hinigit niya naman ako. Papunta na yata sa kotse niya. Hope all may car.
Nang nasa loob na kami ng kotse niya ay tinanong ko ulit siya kung anong pangalan niya. 2ll what's your name? How old are you? Where do you live? How are you? Do you have girlfriend? Lol.
Sinabi ko na muna kung anong lugar ko. Hindi naman masiyadong malayo sa bahay niya, I mean condo niya. Paano ko nalaman? Syempre sinsabi niya, duh!
Habang nasa byahe ay kinukulit ko siya na sabihin ang pangalan niya. Bakit ba ayaw sabihin ng ungas na 'to ang pangalan niya? Kasi siya ang star sa starbucks? Lol.
"Bakit ba ayaw mong malaman ko ang pangalan mo?"
"Bakit ba gusto mong malaman ang pangalan ko?"
"Aba't huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko!"
"I have the right to say what I want."

BINABASA MO ANG
WRITER FT. READER
Roman d'amourThere is a writer, a male writer. A killer one, 'yung masasaktan ka talaga dahil sa sinusulat niya. Damang-dama mo ang sakit kasi namatay ang bida, dahil pinapatay ng walang-awang writer. Andaming humahanga sakaniya dahil sikat na writer siya. Pero...