Chapter one:

61 20 24
                                    

Cailean Elliot POV:

Masaya akong nagtungo sa hacienda namin, ito ang kauna-unahang pagbibisita ko dun.

Minsan lang kasi ako pinapalabas ni Daddy, hindi pala madali ang pagiging unika hija over protected silang lahat.

Bawat galaw ko,dapat alam nila kaya ito ako ngayon, parang batang nakakalabas lang.

Kasama ko ngayon si Manang Loling, Isa sa mga pinakamalapit kong katulong sa bahay.

Pag gusto kong gumala at pag na abisto naman ako ay lagi lang syang sumasalo ng mga kasalanan ko, sya yung pagagalitan ni Daddy.

Napapikit akong sumalubong sa malamig/ sariwang  hangin, at napangiti.

' hayss! For the first time. '

"Hija dun muna tayo turo ni manang sa isang maliit na bahay na gamit sa kawayan, or what we call pahingahan ng mga nagtatrabaho. Masyado ng mainit hija"

Kaya nagtungo naman kami ni manang, Hindi pa kalayuan ay nginitian na ako ng mga tauhan namin kaya nginitian ko lang din sila.

Dere-deretso akong umupo , halos lahat ng tauhan ay nananghalian na.

" Manang ilabas mo lahat ng pagkain natin." Nakangiting sabi ko, Kaya agad namang nilabas ni manang Ang mga baon namin. 

" Ikaw pala ang anak ni Snr. Franco hija?" tanung nung may edad na lalaki.

" Opo kuya. "

"Kaya pala, manang mana ka kay senyora, napakaganda mo hija." napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Salamat ho kuya." pahiyang sabi ko, kahit madami ng pumuri sa kagandahan ko ay Hindi ko din mapigilang mahiya hihi.

" Ako nga pala si Preming tauhan nyo dito aaktong iabot nya kamay nya, pero binawi nya agad. Pasensya ka na hija, madumi kasi kamay ko."

"Okay lang naman ho kuya,Ako nga pala si Cailean abot ko sa kamay ko, nagdadalawang isip nya naman itong tatanggapin pero nginitian ko sya kaya tinanggap nya.

" Tawagin mo nalang akong Manong Preming hija"

"Sige ho manong, Teka ho! Tapos na ho ba kayong kumain?"

"Hindi pa hija, hinihintay ko pa ang asawa ko."

"Po?"  gulat na tanong ko, 20 minutes nalang lampas tanghalian na, Kaya tumango naman sya.

Kurkkkkkk! Tinig ng tyan nya.

"Ah manong sumalo ka nalang po samin ni Manang."

"Ay , wag na hija nakakahiya sayo."

"Wag na po kayong mahiya sakin Manong, hali ka na po." napakamot siya ng ulo na sumunod sakin sa lamisang kawayan.

"Salamat hija, ha?!" sabi ni manong habang kumakain.

"Kain lang ho kayo ng kain Manong."

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon