Chapter 10:

24 7 15
                                    


Froilan Aiken Faris POV:

Gusto kong makita ang reaksyon ni Cailean , makita nya akong ikakasal na sa iba. Wala 'to sa plano ko, nung nakaraang araw biglaan lang ang pangyayaring 'to.
Bigla lang kasing sumagi sa isipan ko.

Iniimbitahan ko ang lahat ng mga ka-anak namin at mga malalapit kong kaibigan. At ang mga magulang ni Cailean, nakita ko na naman ang demonyo nyang ama.

" Hey bro" nakangiting sabi ni Cash, kaibigan ko.

" Broo!!" tinapik ko naman ang balikat nya.

" How are you?"

" I'm good, who's with you Bro?" tanong ko.

" I'm with my fiance, Beatrix" pinakilala nya naman sakin ang mapapang asawa nya.

Matapos naming mag-usap ay inilibot ko naman ang paningin ko, hindi ko pa nakikita si Cailean.
Si Addileigh naman ay nakipag usap sa mga kaibigan nya.

Simula ng gabing ito, ay tatapusin ko na ang paghihiganti ko at magsisimula na akong muli kasama si Addi, kahit hindi ko pa sya gusto sa ngayon. Alam ko namang matutunan ko din syang mahalin sa tamang panahon.

' naging masaya ba ako sa ginagawa ko?'

Binaliwala ko na lang ang mga bagay-bagay na sumagi sa isipan ko.

Maya-maya ay lumabas na si Cailean, natigilan naman ako. Sobrang ganda nya sa suot nyang dress. Nakangiti syang naglakad papunta sa gawi ko, napatingin din ang mga tao sa kanya.

Napatulala pa rin akong sinundan sya ng tingin, nang nasa harap na sya ay nginitian nya ako.

" Okay lang ba sakin, Snr.?" tanong nya, at dun bumalik ang ulirat ko.

" Yeah" tipid na sabi ko.

Napangiti nalang ako, wala syang alam na ikakasal na ako sa pinsan nya.

' poor kid Cailean'

Cailean Elliot POV:

Kahit hindi pa ako nakakain ay ininda ko ang gutom ko, pakiramdam ko naman ay hinang hina na ang katawan ko, pero hindi ko pinapahalata sa kanila.

Hanggang ngayon hindi ko pa natawagan ang mga anak ko, wala na akong balita tungkol sa kanila.
Takot akong tawagan sila, baka marinig ako ni Froilan.

Matapos naming mag-usap ni Froilan ay lumapit ako sa gawi nila Mommy.

" Hi mom" magiliw na bati ko.

" Hello, baby" nagbeso naman kami ni Mommy, ganun din kay Daddy pansin ko namang parang naiilang si Daddy sakin.

" How are you two?"

" We're fine, baby... You?"

" I'm very fine Mom" pagsisinungaling ko, nakita ko namang papalapit sa gawi ko si Addi.

" Hello Tita, Tito" bati nya.

" Hello, Addi Congrats" taka kong tiningnan si Mommy sa sinabi nyang
'Congrats' nilingon ko naman si Addi nakangiti na ito, bigla naman akong kinakabahan.

" Thanks, Tita"

" What about it?" tanong ko kita ng gilid ng mata kong papalapit sa gawi namin si Froilan.

" Love, come here" tila tumambol ang tinga ko sa narinig ko.

" Bye Tita, Tito" paalam nya, hawak kamay namang lumayo si Froilan at Addi, bigla nalang tumulo ang butil na luha sa mata ko.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon