Chapter four:

14 10 7
                                    

Froilan Aiken Faris POV: 

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan na nilang umuwi kaya hinatid ko sila.

Naglalakad lang kami, malapit lang naman dito ang bahay nila.

Kasalukuyan akong naka-akbay kay Cailean at ang pinsan naman nya ay nanguna nang naglakad.

" Mahal, gusto kong bumalik tayo dun bukas sa kakahoyan malambing na sabi ko Wala akong trabaho bukas mahal ko."

" Oh sige, gusto ko din yan babes buong araw ba tayo dun?"

" Ang plano ko mahal ay sa umaga ay maliligo tayo sa dagat, at sa hapon naman ay sa kakahoyan tayo tatambay."

" Sige, babes"

" I want you to be happy, but I want you to be happy with me, mahal"

" You make me happy in a way no one else can babes." sabi nya.

Napakaswerte ko talaga sa babaeng to, hindi tumitingin sa estado ng buhay ko.
Sana sya na makakatuluyan ko, gagawin ko ang lahat para may mapatunayan lang ako sa pamilya nya.

Malapit na kami sa bahay nila nang nakasalubong namin si Mang Rhodi, isa sya sa pinakamalapit kong kaibigan sa hacienda.

" Mang Rhodi" tawag pansin ko sa kanya at nginitian.

" Froilan, sino yang kasama mo?" mapanuksong tanong nya sakin.

" Ah, girlfriend ko po Mang Rhodi"

"Maganda ka pala pumili Froilan" patawang sabi nya sakin.

" Naman Mang Rhodi, gwapo ako eh biro ko sa kanya. Diba Cailean?" tanong ko kay Cailean namumula naman ang mukha nya sa tanong ko, ang kyut nya.

" Ikaw talaga babes" palo nya sa balikat ko.

" Kailan ang kasalan Froilan?" napatawa si Cailean sa tanong ni Mang Rhodi.

" Ito naman si Manong" sabi ni Cai.

" Sa'n naman ang punta nyan, mauwi lang naman yan sa kasalan hija."

" Pag nakabuo na po Mang Rhodi" patawang sabi ko.

" Ikaw talaga Froilan, hija bantayan mo yang si Froilan hija dahil maraming umaaligid sa kanyang mga babae"

" Mang Rhodi" sita ko sa kanya, baka Kung ano pang isipin ni Cailean.

" Pero wag kang mag-alala hija, ikaw naman yung pinakamaganda sa kanila lahat." 

" Salamat po" Sabi ni Cailean. 

" Sige na Mang Rhodi, ihahatid ko pa tong mahal ko." paalam ko sa kanya, tinapik nya naman ang balikat ko.

" Ingat kayo" Sabi nya.

Masaya kaming naglalakad at nagkukwentuhan, gusto ko sanang hindi matapos ang araw na to.Dahil gusto ko pang makasama si Cai.  
Hihintayin ko nalang yung araw kong saan makakatabi ko na syang matulog at makapiling habang buhay.

Nang nasa tapat na kami ng malaking gate nila, ay yinakap ko sya.

" Mahal, I love you more than chocolate" Sabi ko, at yinayak syang mahigpit gumanti naman sya ng yakap.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon