chapter 11:

9 2 1
                                    

Cailean Elliot POV: 

Nagising ako sa isang magandang paraiso, inilibot ko ang paningin ko namangha ako sa nakita ko.

Magandang tanawin, at mga makukulay na bulaklak na nasa malaking harden. At mga ibon na malayang lumilipad. 

Napatingin ako sa malaking pintuan na kakulay ng ginto.

' bakit malaki? Parang hindi ordinaryong pinto to?'

' nasan nga ba ako? Panu ako napunta dito?'

Kinabahan ako nang bigla kong maaalala ang lahat ng nangyari sakin.

Muli kong nilibot ang paningin ko, nasan nga ba ako? Bakit ang tahimik?

Puno ng mga tanong ang isipan ko, tila nawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko sa katawan at sa puso ko.

Biglang bumukas pinto, at nasilaw naman ako sa sinag kaya napayuko saglit. 

" Anong ginagawa mo dito, anak ko?" kay gandang  tinig lalaki ang narinig ko, kaya inilibot ko ang mata ko ngunit ni isang katiting wala akong nakitang tao.

" Hindi mo pa oras, anak ko pagpatuloy nya, nakatayo naman akong nakikinig na may pagtataka parin. Bumalik ka sa mundo mo, at ipagpatuloy mo ang iyong sinimulan.
Hindi man naging maganda ang sinimulan mo, makakamtan mo naman ang kasiyahan ng buhay mo sa iyong pagbalik" iwan ko bigla nalang tumulo ang luha ko sa sinabi ng lalaking Hindi ko nakikita, meron sa loob-loob kong umaasang maging ganun ang mangyari sakin, inangat ko ang paningin ko sa isang nakakasinag na ilaw at tahimik na umiiyak, at dun ko napagtantong dun pala nanggaling ang tinig, nakita ko may isang hugis anino na nakatingin sakin kaya tumango naman ako, at bigla nalang syang naglaho.  

Nagising nalang ako at tila uhaw na uhaw, na akalain na malayong pook ang nilakbay ko.

Puro iyakan ang narinig ko sa paligid ko, kaya napatingin ako sa kanila.
At una ko namang nakita ang anak ko sa tabi ko kaya kinalabit ko si Cairo gulat naman syang napatingin sakin.

" Mom? " gulat parin na tanong nya, kaya nakuha namin ang atensyon ng lahat. Kita ko ang namumuong luha sa  mata ni Manang Loling at Caira. Sina Mommy at Daddy naman ay tila nakakita ng multo sa gulat.

" Cailean, hija pagtawag sakin ni Manang at lumapit naman sya at yumakap sakin, kaya yumakap naman ako pabalik Panu nangyaring nabuhay kang muli?" iyak na tanong ni Manang pero hindi ako umimik.

Nagsilapitan naman sakin si Mommy at Daddy, nakita ko namang umiiyak na lumapit sakin si Beatrix kaya nginitian ko sila. 

Agad namang rumescue yung doktor at mga nurse sakin at tinurukan ako ng gamot.
Gaya ng mga pamilya ko ay laking gulat din ng doktor nang masilayan nya ako, Sino ba namang mag-aakala?
Matapos nila akong turukan ay nagsi-alisan na sila.

" Oh, thank God" sabi ni Beatrix.

" Are you alright hija?" alalang tanong ni Mommy.

" I'm fine Mom ngumiti naman ako but I'm  little bit tired usal ko at may butil na luhang tumulo sa mata ko, kaya napatingin ako sa bandang pintuan na inaasahan kong sya ang una kong makikita.

" Are you hungry, hija?" tanong ni Daddy.

" You need something?" tanong naman ni Beatrix.

' sya ang kailangan ko, sya ang lakas ko' bulong ko sa isip ko, na umaasang nandito sya ngayon, ngunit nagkakamali ako. 

" Nauuhaw lang ako" Sabi ko at nag-unahan naman sila ng pag-abot ng tubig sakin.

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon