Chapter 6: Teleportation

4 0 0
                                    

Chapter 6: Teleportation

"Advanced Class?" Tanong ni Ynah sakin.

Tumango ako. "Kahit yan lang muna, gusto kong malaman kung sinu- sino sila."

Pagpasok ko sa dorm ay iyan ang agad sinabi ko kay Ynah.

"Okay, okay. Relax." Natatawa niyang tugon.

Gusto ko din sanang suklian ang tawa niya, pero hindi ko kaya.

"Number Five is Caroline Griffins. Siya yung isang babae sa kanila. She can control the wind."

Napamangha ako sa ability niya. Wow!

"Number Four is Ian Spade. Nakita mo na kanina ang ginawa niya diba? I don't need to explain anymore." Sabi niya sa akin.

"Lahat ba kaya niyang i control?"tanong ko.

Umiling siya. "No. He has his limits. He can only levitate things that is around him, not bodies."

Napatango ako sa sinabi niya.

"Number Three is Arianne Willford." Hindi na niya sinabi ang ability ni Arianne dahil nauna na niyang sabihin ito sa akin kaninang umaga.

"Number Two is Niall Adams. Do you know teleportation?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Niall has the ability to teleport. He can teleport himself or anyone to anywhere he wants. He can also teleport things as long as he marked them as his."

"Last is Dean Collins." Mataman niya akong tinitigan ng sabihin niya iyon. "The most powerful among us. He is a body manipulator."

Napalunok ako sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Body manipulator. He can kill you in just a second if he wants to. His ability is considered the most dangerous here."

Kaya pala ganun na lang kalakas ang enerhiyang mula sa kanya. Dapat nga talaga siyang katakutan.

Magtatanong pa sana ako kaso inunahan niya na ako.

"Oops! Tama na. Yan lang ang sabi mong dapat kong sagutin diba? Inaantok na ako eh." Halata ko naman gusto niya lang iwasan ang kung anumang itatanong ko, eh. Pero bakit ba niya iniiwasan?

Nahiga nalang ako sa kama dahil naramdaman ko din ang pagod ko ngayong araw.

Nauna akong nagising kinaumagahan kaya naligo nalang ako. Paglabas ko ng banyo ay gising na din si Ynah.

"Good morning." Bati niya sa akin.

"Yeah, good morning." Bati ko din at nag ayos na ng sarili.

Hinintay ko pa na matapos si Ynah sa pag aayos bago pumuntang Dining Hall. Ayaw ko namang pumuntang mag isa doon dahil nadala na ako sa nangyari kahapon.

Pagdating namin ay masyado nang tahimik ang atmosphere. Tiningnan ko ang mesa sa harap at dun ko nalaman kung bakit ganito agad ang mood dito. Andito na pala silang lima.

Dumiretso kami sa madalas naming pwesto. Hindi na namin kailangang kumuha ng pagkain dahil tuwing umaga ay may mga maids na nagse- serve sa bawat mesa.

Naramdaman ko na naman ang pares ng mga mata na naktitig sa akin. Wala akong lakas na lingunin iyon, dahil alam ko na naman kung sino ang nagmamay- ari ng mga matang iyon.

Mabilis kong tinapos ang pagkain at nauna na papuntang classroom. Gusto ko pa sanang  hintayin si Ynah pero masyado na akong naiilang sa mga titig na iyon.

Masyado pang maaga, alam ko kaya hindi ko inaasahang may tao na pala sa loob ng classroom namin. Nakayuko siya sa kanyang desk.

Teka lang, bago ako umalis sa hall kanina ay kompleto pa silang lima, how come na nandito na siya agad?

And then naalala ko ang sinabi ni Ynah sa akin kagabi. Oo nga pala, he can do teleportation. Dapat na akong masanay sa mga bagay na ito.

"You're the newcomer, right?"

Nabigla ako sa tanong niya. Akala ko ay hindi niya napansin ang pagpasok ko. Tsaka ko ulit naisip na wala nga pala dapat akong ipagtaka dahil he belongs to the Advanced Class, wherein the nothing seems impossible for them.

Hinayaan ko lang na nakabukas ang pinto at nilingon ulit siya.

Muntik na akong matumba ng paglingon ko ay nasa harap na siya. Fuck that teleportation!

"You are, right?" Ulit niya sa tanong niya kanina.

"I am." Sabi ko sa kanya. Wala siyang suot na glasses ngayon, I wonder why.

"How special are you?" Matamang tanong niya, nakakunot pa ang noo na tila ba may isang katanungan sa mukha na hirap na hirap siyang sagutin. Lalapit pa sana siya sa akin kaso tumigil siya. He kept the distance between us, shock is written on his face.

"What did you do?" He asked.

Hindi katulad sa lalaking may kulay grey na mga mata, wala akong maramdamang takot sa kanya.

Bakit ba sa tuwing nakakasalamuha ko ang isa sa kanilang grupo ay puro pagtataka at pagkalito ang nasa mga mukha nila?

Naramdaman kong may mga estudyante ng papalapit sa classroom na ito kaya lumayo ako sa kanya.

"They are coming." Sabi ko nalang sa kanya para balaan na papunta na ang mga estudyante dito.

Tiningnan ko ang labas at tama nga ako, marami na ang patungo sa direksiyong ito.

Mabilis siyang bumalik sa kanyang kinauupuan kanina. Wala na ang gulat at pagkakunot ng noo sa kanyang mukha. Siguro ay namalik mata lang ako kanina.

Hinawakan ako ni Ynah pagkapasok niya sa loob. Inaasahan ko nang may makikita na naman ako kaya automatic akong pumikit, pero wala.

Kahapon ay may nakita ako, ngayon ay wala. Bakit ganito?

May dumaan sa harap ko kaya hinawakan ko siya, nagbabakasakali na may makikita akong tungkol sa mangyayari sa kanya. Napabuntong hininga ako ng wala pa rin akong nakita.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong sa akin ni Ynah.

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.

Ganun ba kadaling mawala ang ability ng isang estudyante dito? Pero hindi din, eh.

Naramdaman ko ang paglapit ng mga estudyante papunta dito, kaya ibig sabihin na I still have the precognitive ability.

Pero bakit wala akong makita sa mga hinaharap nila?

***

UnknownWhere stories live. Discover now