Chapter 22: Lost

0 0 0
                                    

Chapter 22: Lost

It's been a week since the downtown visit. It's been a week since I encountered a rebel first hand. Isang linggo na, pero hindi ko pa rin makalimutan ang pakiramdam na hatid ng taong iyon. Wait, is he even human?

"You okay?"

Nawala saglit sa isip ko na kumakain nga pala kami ngayon sa Dining Hall dahil sa lalim ng iniisip ko. Nginitian ko nalang si Carol para hindi na siya mag- alala. She looks so concerned so I managed to give her a smile.

The food seems so bland these past days. Hindi ko alam kung dahil ba wala talagang lasa o marami lang talaga ang gumugulo sa isipan ko.

Marami pa rin ang natatanggap kong mga mapanghusgang tingin dahil sa pagkakabilang ko sa grupong ito pero hindi ko nalang pinansin. It's not like I wanted this anyway.

"Let's go."

Nauna na si Dean palabas ng hall kaya nagsitayuan na din kami. Papunta kami ngayon sa training room para sa aming daily training. Kinalimutan ko muna ang mga bumabagabag sa isipan ko at nagfocus sa training. I don't want to shorten my life just because of thinking about that crap.

"Mia..."

"Fuck!"

Napaupo ako at napahawak sa ulo ko nang may marinig na boses. Napakalamig ng boses niya na halos manginig ang tuhod ko. Nakakatakot, iyon ang unang naisip ko. Nakapikit ang mata ko pero alam kong nakatingin ang lima sa akin ngayon, probably wondering why I cursed out of nowhere.

"You can take a rest for today." Carol said.

I really appreciate her concern but I know I've been a nuisance these past days. Palaging hindi ako maasahan dahil palaging nasa malayo ang isip ko. Dammit!

"I'm fine." Minulat ko na ang nakapikit kong mga mata para sabihing ayos lang ako.

Nahanap ng tingin ko ang malalim na mga mata ni Dean. Madilim iyon na parang nagtitimpi. "Just rest."

"I'm really fine." Umigting ang panga niya ng mapansin sigurong wala talaga akong balak umalis para magpahinga. Iniwas niya ang tingin at ibinaling sa ibang sulok ng kwarto.

I don't really know what's up with Dean. Parang lahat ng kilos ko ay big deal sa kanya simula nang bumalik kami galing sa downtown. He became more silent and his stares became darker.

"She said she's fine, okay?" Arianne said with her eyebrows raised.

Pinakiramdaman ko ang ulo ko kung kumikirot pa siya at tumayo na para maghanda sa training. I always remind myself that a seer is the weakest for we can only see things in advance. Kaya kailangan namin maging malakas para maging kapaki- pakinabang ang aming abilidad.

"Mia..."

Napapikit ulit ako ng maramdaman ang kirot sa ulo ko. Hindi na ako nagsalita para hindi nila malaman na ganito ang nangyayari sa akin.

"I need to go back to the dorm. May naiwan pala ako." I excused myself in there at nagtungo na sa dorm. Mukha namang naninwala sila sa sinabi ko, except for Dean na nakakunot pa rin ang noo hanggang ngayon. What's his problem?

True to my words, I headed back to the dorm not because I forgot something but because I need to calm myself. Ngayon lang ulit ako nakarinig ng ganung mga boses, the last time was in the downtown but this time, I know it's different. Walang buhay ang boses na iyon, sapat na para katakutan. Is this a part of my ability?

Napansin kong nakabukas ang bintana sa kwarto namin kaya lumapit ako doon para isara. I find it weird that the windows were left open. Sa mga nagdaang araw na kasama ko ang grupo, napansin kong ayaw nilang bukas ang bintana kaya nakapagtataka. Hindi din naman malakas ang hangin.

Napa awang ang bibig ko ng nakalapit sa may bintana. In front of me is a bird, a very foreign one. Wala akong maalala na nakakita na ako ng ganito, but one thing is for sure. Sobrang ganda ang kulay ng balahibo na taglay neto. The eyes were pitch black, very opposite to the warm colors of its feathers. Pinagmasdan ko ito at nagulat nang lumingon mismo sa kinatatayuan ko.

Its pitch black eyes reminds me of darkness. Deep darkness. Nakakalunod. Nakaka hipnotismo. Nakakakilabot. Parang may sariling utak ito at alam na kanina pa ako nagmamasid sa kanya.

The bird flap its wings and created a sudden gust of wind. Kaya ba bumukas ang bintana dahil sa kanya?

Lumapit pa ang ibon sa akin kaya mas lalo akong natuod. Gusto kong lumayo pero hindi ko mahanap ang lakas para ihakbang ang mga paa ko. Parang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga mata niya.

The feeling felt weird. As I stare at those eyes, I felt like something is pulling me to go in there, to go in that deep darkness. It was so cold. Parang hinihila ako nito at hindi ko alam kung paano pigilan ito. At that time, I realized that I was lost already. I was lost in the deep darkness and I don't know how to escape. The force is too strong that I can't find any way to escape.

I knew I was about to fall inside that darkness, but a pair of hands pulled me away from that.

"Dean..." Naghihina kong saad nang makita ang galit niyang mga mata.

I gave a faint smile. I knew it was him. I knew I was unconsciously waiting for him to save me from falling in that dark abyss.

Nilingon ko kung nasaan ang ibon kanina ngunit wala na ito. There was no trace of it being there just a while ago.

I was caught off guard when Dean suddenly enveloped me in his arms. Hot tears pooled in my eyes when I felt the warm feeling his body gave me. I thought I would never be able to experience this warm feeling again.

"Fuck. I'm sorry, love. I'm sorry I was late, again."

UnknownWhere stories live. Discover now