Chapter 11: Mia Scott

4 0 0
                                    

Chapter 11: Mia Scott

Note: Ginamitan ko po ng ibang point of view ang chapter na ito para malaman ninyo ang pangyayari habang nasa loob ng ibang dimensiyon sina Mia.

Ynah's Point of View

Nagulat kaming lahat ng pumasok kasunod ni Sir Nathan ang Leading Five. Naramdaman kong nanigas si Mia sa kinauupuan niya kaya nilingon ko siya.

Nakatitig siya kay Sir. Hindi nagtagal ay ngumiti ito kaya nakahinga ng maluwag ang katabi ko.

Out of nowhere ay sinugod ni Sir si Mia na walang ka alam alam. Everything went fast.

Nakita nalang namin na nakapaloob na sila sa ibang dimensiyon, si Sir kasama si Mia.

"Who the turned on the switch?" Nagulat ang iba sa pagsigaw ko. Alam kong may nag- on niyon kaya nag- activate ang training mode nito.

"Oops, sorry." Natatawang wika ni Arianne. Masasabi ko agad na siya ang kagagawan niyon dahil siya ang nandoon malapit sa switch.

Susugurin ko na sana siya kaso nagsalita si Dean.

"Just let her." Natigilan ako dahil doon.

No one can oppose Dean, kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo. Grabe ang kabang nararamdaman ko para kay Mia.

Damn! Walang kaalam- alam si Mia sa ganito!

Napasigaw ako ng sinugatan ni Sir si Mia sa balikat. Parang nadamay ako sa sakit na nadama ni Mia dahil doon.

Sir has body control. He can control his weight, his speed and everything about his body, and Mia doesn't have a single idea about that!

Isa pang atake ang ginawa ni Sir at nasugat ulit si Mia. Wala namang mababakas na reaksiyon mula sa lima at parang nag- aabang lang sila sa susunod na mangyayari.

What the hell are they thinking?!

Fuck, Mia! Kayanin mo!

"Sa likod mo!" Napasigaw ako dahil sa akmang pagsugod na naman ni Sir. Alam kong kahit anong sigaw ko ay hindi ako maririnig ni Mia.

Napabuga ako ng hangin ng mabilis na naiwasan ni Mia ang atake ngunit hindi pa rin nakaligtas ang daplis sa kanyang pisnge.

Hindi ko na nakayanang panoorin ang sitwasyon ni Mia kaya naglakas- loob na akong lapitan si Dean.

"Are you trying to kill Mia, huh?" Sigaw ko sa kanya. "She can't handle this anymore!"

"Look at her." He calmly said.

Naghi- hysterical na ako dito ay kalma pa rin siya? Wow! Just wow!

"Do you think I still have the guts to look at her at this point? Fuck! Stop it already!" Tears pooled in my eyes as I said those words. "Please."

"Just. Look. At. Her." Matigas na sambit ni Dean kaya napilitan akong nilingon ang kinaroroonan ni Mia.

Wait, is that Mia?

Duguan ang kanyang magkabilang balikat pati na rin ang kanyang pisnge pero hindi iyon ang ikinagulat ko.

Walang takot na mababakas sa kaniyang mukha, worst is, she is even smiling!

Hindi ko na makilala kung sino iyon. Is that even Mia?

Has she gone mad?

Mia's Point of View

Napansin kong nagulat ang kaharap ko sa pagngiti ko. Masyado nang mahapdi ang mga sugat na natamo ko.

I chuckled. "It's payback time."

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para unatake sa kanya. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinampas sa kanyang katawan ang napulot kong sanga ng kahoy. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas sa oras na iyon.

Napaupo siya dahil sa impact na hatid niyon. Napansin kong hawak niya parin ang kahoy na ginamit niya kanina para sugatan ako kaya inapakan ko ang kamay niya at kinuha ang kahoy doon. Mabilis kong tinarak ang kahoy sa kaliwang kamay niya.

Napasigaw siya sa sakit. Napangisi ako. Masakit ba, Sir? Natawa ulit ako sa naisip ko.

Yumuko ako para maging kalebel ko ang mukha niya. "Am I still too slow for a seer?"

Hindi ko hinayaang makasagot siya at kinuha ang kahoy na nakatarak sa kamay niya.

Seeing his blood oozed from it made me felt satisfied. "Serves you right."

Nagawa niyang tumayo matapos kong tanggalin ang kahoy doon. Mabilis pa rin ang kilos niya.

Umikot siya at ngayon ay nakatalikod na ako sa kanya. Alam kong susugod na naman siya kaya mabilis akong humarap at tinapon ang kahoy sa kaliwang balikat niya.

Sinigurado kong malakas ang pagkakatapon niyon kaya alam kong malalim ang pagkakabaon nito.

"Ahhh!" Sumigaw siya sa sakit nang tinanggal  niya ang kahoy sa balikat niya.

"I think I underestimated you." Nakangiti niyang sabi sa akin. "I'm Nathan, the in- charge of your training class."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Pinagmasdan ko ang sitwasyon niya ngayon. Tumutulo ang dugo sa kanyang kaliwang balikat, idagdag pa ang namuong dugo sa kanyang kamay.

What the fuck did I do?

Bigla ay nawala ang mga puno sa paligid namin. Ginala ko ang paningin ko at napa awang ang labi sa nakita.

Horror was evident on Ynah's face. Nakaramdam ako ng pagod sa buong katawan ko. Sobrang mahapdi ang sugat na gawa ng pag atake ni Sir sa balikat ko kaya kinapa ko iyon ngunit wala akong nakita ni nahawakan.

Bigla ay naalala ko ang sabi ni Sir. Sakit lang ang maiiwan sa akin, hindi ang sugat. Paano nangyari iyon?

Nilingon ko siya at wala ring mababakas na mga sugat sa katawan niya.

"Welcome to the academy." He said then he smiled.

Naalala ko ulit ang nangyari. The forest, the attack and the urge to kill. Natakot ako sa sarili ko. Paano ko nagawa iyon?

I felt my visions became blurry all of a sudden. Nahihilo ako. Alam kong anumang oras ay mawawalan ako ng malay dahil sa pagod ng katawad ko. Inaasahan ko ng tatama ang likod ko sa malamig na sahig ng kwarto, but it never did.

Someone caught me then before I passed out.

***

UnknownWhere stories live. Discover now