Chapter 10: Blood

6 0 0
                                    

Chapter 10: Blood

Suot- suot namin ngayon ang ikalawang set ng uniform, ang ginagamit kapag training. Limang oras ang nakalaan dito tuwing lunes at huwebes, samantalang tatlong oras lang kapag martes, miyerkules at biyernes.

"Kasama din ba ang lima sa training natin?" I asked out of nowhere.

"No. Masyado na silang advance para makisabay sa atin. Mayroon silang sariling schedule at kadalasan ay nauubos ang kanilang oras sa loob ng training room. Sa mga minor subjects lang natin sila nakakasabay." Sagot niya sa akin.

"Palagi din silang nasa labas ng academy dahil sila madalas ang ipinapadala sa mga misyon." Dagdag niya pa.

Ganoon na ba talaga sila kalakas para hayaan sila ng academy na makihalu- bilo sa labas ng paaralang ito?

Nang makapasok kami sa training room ay naalala ko na naman ang unang beses na napadpad ako dito. Ipinagkibit- balikat ko nalang iyon.

Gaya noong una kong nakita ang loob nito, bakante ito. Napakalawak ng kwartong ito pero walang laman. Hindi ko pa rin talaga malaman kung anong ginawa ni Dean Collins at nagkaroon ng ibang dimensiyon ditonsa loob ng kwarto.

Pumasok ang sa tingin ko ay ang magiging guro namin. Nagkaroon ng komosyon nang pumasok kasunod ng guro ay ang lima. Ano ang ginagawa nila dito?

"Good afternoon."

Nanindig ang balahibo ko ng makaramdam ng kakaiba sa gurong ito. Mataman ko siyang tinitigan at napansin nakatitig din siya sa akin, na tila ba ay naghahamon.

Bigla siyang ngumiti kaya nawala ang pangamba ko dahil doon. Maybe I am just seeing things. Napahinga ako ng maluwag dahil doon at napayuko.

I was caught off guard about what happened next.

Adrenaline crept into me the moment I felt a sudden attack. Nilibot ko ang paningin sa paligid.

Nasaan ako?

Ang kaninang bakanteng kwarto ay napalitan ng mga matataas na puno, huni ng ibon at nakakalat na mga sanga ng kahoy. Wala nang mababakas na mga estudyante sa paligid. Ang tanging kasama ko ngayon sa gubat na ito ay ang guro na kahit pangalan ay hindi ko alam!

"I was told you're a seer." He said then smirked at me. Masyado siyang arogante para sa isang guro.

Hindi ako sumagot. Pinakiramdaman ko ang paligid. His mere existence says danger. His stares are threatening plus the fact that I am not aware of his ability. Alam kong hindi basta- basta ito.

Di ko namalayan ay sinugod niya ako gamit ang isang matulis na kahoy na napulot niya dito sa gubat. Nang malapit na siya sa akin ay natigilan siya pero saglit lang iyon. Tinamaan ako nito sa balikat.

I winced because of the pain. Nahagip ng paningin ko ang pulang mantsa na mabilis na kumalat sa suot kong damit.

"Too slow for a seer, eh?" He said, mockingly. "You're ability is very useful, but looks useless on you."

He is provoking me, I am sure. Too bad, words won't affect me anymore. Malimit akong makarinig ng mga maaanghang na salita sa paligid ko noon kaya masyado na akong nasanay at naging manhid para doon.

Mabilis ang kanyang mga galaw. Lahat kalkulado kaya hindi ko ulit namalayan ang kanyang ginawang pag atake. Nagkaroon na naman ng sugat ang kabilang balikat ko.

"Don't worry, the wounds wouldn't leave a scar. Ang sakit lang nito ang maiiwan sayo." Sabi niya sa akin.

"Is this how you welcome your students?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Alam kong wala akong laban sa kanya. Pinag- aralan ko ang kilos niya. Mabilis. Magaan. Maliksi. Kalkulado. May kinalaman ba iyan sa abilidad na meron siya?

But then I realized, I can sense danger. I am a seer, after all.

Naramdaman kong susugod na naman siya, but this time, sa likod ko kaya mabilis akong umikot at umiwas sa kanyang pag- atake ngunit hindi pa rin nakatakas ang sugat sa aking pisnge.

Naramdaman ko ang pagtulo nito kaya mabilis ko iyong pinahid. Blood. Smell of blood. Hindi ko alam pero biglang nandilim ang paningin ko. Biglang nanikip ang dibdib ko.

Parang may gustong kumawala sa loob ko. Ano ito? Isa lang alam ko sa mga oras na ito. Gusto kong lumaban. Gusto kong pumatay.

The smell of blood made me felt the urge to kill. Fuck this! What is happening to me?

I smiled. Nababaliw na talaga siguro ako. Nawawala na ako sa sarili ko.

Bloody, huh? Bring it on, then.

***

UnknownWhere stories live. Discover now