Chapter 5: First Encounter

4 0 0
                                    

Chapter 5: First Encounter

Natapos ang unang araw ng klase na wala sa tinuturo ang atensyon ko. Masyado akong nadadala ng pag iisip ko.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganitong abilidad ako? Bakit wala akong maramdamang ganito sa labas ng paaralang ito?

"Kelan mo pa nalaman na ganyan ang ability mo?"

Napabalik ako sa sarili ko ng tinanong ako ni Ynah. Tapos na ang klase at naglalakad na kami ngayon pabalik ng dorm.

"Kagabi."

"Huh?" Nagtatakang tanong niya.

Hindi na lang ako sumagot dahil hindi ko mahanap ang tamang mga salita para ipaliwanag kung paano ko nalaman ang aking abilidad.

Pumasok na kami sa dorm at naghanda para sa dinner.

Marami akong gustong itanong kay Ynah ngunit wala akong lakas para sabihin iyon sa kanya. Kahapon ko lang siya nakilala, at base sa mga kayang gawin ng mga estudyante dito, hindi ko alam kung dapat nga ba akong magtiwala agad agad.

Bakit walang pangalan ang akademyang ito? Bakit may ganito kaming mga abilidad? Marami pa ba kami? Kung hindi, bakit? Kung oo, nasaan sila?

"Wag ka ng mag- overthink, Mia. Wag mong pilitin ang sarili mo na intindihan lahat ng ito." Sabi sakin ni Ynah nang mapansin na naglalakbay na naman ang isip ko.

Nilingon ko siya. "Hayaan mo ang sarili mo na mag- adjust. Ngayon mo lang nalaman ang tungkol sa lugar na ito, ang tungkol sa mga katulad natin." Dagdag niya pa sabay ngiti.

I smiled. Naguilty ako sa sarili ko. Konting panahon palang kaming nagsama ay sobrang ayos na ng pakikitungo niya sakin, while here I am, still having doubts if I can trust her or not.

"Malalaman mo rin lahat. Huwag mo lang pagsabay sabayin lahat dahil baka di kayanin ng sarili mo. Isang araw ka pa lang dito, just enjoy being here... while you can." Dagdag niya pa.

Nilingon ko siya ng narinig ang huling sinabi niya. Enjoy being here, while you can? What does she mean by that?

Dahil sa aming pag uusap ay hindi ko namalayan na nasa Dining Hall na pala kami. Dumiretso kami sa table namin at naupo na.

Nagvolunteer si Ynah na siya na ang kukuha ng pagkain namin kaya di na ako nag abalang tumayo.

Bigla ulit tumahimik ang paligid. Hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ang pumasok dahil masyado ng obvious kung sino sila.

Dumiretso sila sa harap at naupo sa kani- kanilang mga pwesto.

Tatlo, kulang ng dalawa. Hindi nila kasama ang lalaking may kulay grey na mga mata at ang lalaking nakasalamin.

Nahanap ng paningin ko ang lalaking may buhok na blonde. He flashed a dangerous grin on his face, kaya mabilis kong iniwas ang paningin ko doon. Ang kanyang tingin ay parang naghahamon ng away.

Dumating si Ynah dala ang amin pagkain. Tinuon ko nalang ang pansin ko doon, wala sa plano ko ang pagpapagutom sa paaralan na ito.

Dahil alam ko na naman ang daan pauwi ng dorm ay nauna ako papunta doon. May kausap pa si Ynah at sinabi niya ding pwede na akong mauna.

Imbis na sa dorm ang tungo ko ay dinala ako ng mga paa ko sa isang hallway na patungo sa isang kwarto. Parang hinihigop ang lakas ko patungo sa kwarto na ito.

"Training Room." Basa ko sa nakapaskil na sulat sa pinto nito.

Aalis na sana ako kaso may narinig ako na ingay mula sa loob.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto upang hindi makagawa ng anumang ingay. Isang lalaking nakatalikod na walang saplot sa itaas ang bumungad sa harap ko.

Para siyang nasa loob ng ibang dimension. Nakikipaglaban siya sa iba't ibang uri ng mababangis na hayop sa loob ng isang masukal na gubat .

Anong klaseng kwarto ito?

Nang natapos ang oras ng pakikipaglaban niya ay nawala bigla ang kaninang nagtataasang mga puno. Napansin kong bakante ang napakalawak na kwartong ito, ngunit saan galing ang gubat na iyon?

Nakalimutan kong isara ang pinto ng pumasok ako kaya bigla iyong tumunog ng pag atras ko. Napalingon sa direksiyon ko ang lalaking ngayon at may suot na tshirt.

"Anong ginagawa mo dito?"

I felt goosebumps. Sobrang lamig ng kanyang mababang boses. Parang puro kapahamakan ang hatid nito.

Nagawa kong tingnan siya at laking gulat ko ng nakita kung sino ang lalaking ito.

Lumapit pa siya sa akin at naramdaman ko na naman ang lakas ng enerhiyang mula sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata. Damn those grey eyes! Hindi pa rin ako nasasanay sa bigat ng intensidad ng pagtitig niya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Stop."

Mabilis kong iniwas ang kamay ko sa kanya dahil sa elekrisidad na dulot nito. Para akong mapapaso ng saglit na maglapat ang kanyang kamay sa kamay ko.

Nagtaka ako dahil wala akong nakitang kahit ano sa kanya. Gaano ka ba kalakas?

"Who are you?"

Tinitigan ko ulit ang kanyang mukha. Rough features, no signs of soft features except for his red lips. May nababasa akong pagtataka at pagkalito sa kanyang mukha.

"What the fuck are you doing to my ability?" Matigas na tanong niya sa mukha ko.

What am I doing? Mas lalo akong nalito sa sinabi niya. I am just a mere seer, who can see the future. Wala akong lakas para pakialaman ang ganyang kalakas na abilidad.

"Get out. Now!" Sigaw niya kaya naiwas ko ang paningin ko sa kanya. Dali dali kong binuksan ang pinto at lumabas.

Ngayon ko lang na realize na hindi ako humihinga kanina! Huminga pa ako ng malalim at nang masiguro kong bumalik na sa normal ang aking paghinga ay naglakad na ako pa alis.

This time, I made sure that I am going to the dorms, not anywhere.

Buo na ang desisyon ko. Kailangan ko na ng kasagutan sa mga tanong ko. Si Ynah pa lang ang masasabi kong maaari kong pagkatiwalaan kaya sa kanya ako kukuha ng mga sagot sa mga katanungan ko.

Kailangan kong malaman ang mga kayang gawin ng tinatagurian nilang pinakamalalakas sa paaralang ito.

Nakita ko na ang kayang gawin ng pangatlo at pang- apat, at hindi ko na gugustuhin pang maranasan ang abilidad ng iba.

Pero may hula na ako kung sino ang nangunguna. Alam kong siya. Mula pa lang sa enerhiyang tinataglay niya, sa respetong tinatamasa niya, siya ang nangunguna. Ngunit ano ang abilidad na taglay ng isang nilalang na tulad niya?

Pumasok ako sa dorm at nakita si Ynah na nagbabasa.

"Ynah..."

***

UnknownWhere stories live. Discover now