Chapter 4: Seer

5 0 0
                                    

Chapter 4: Seer

Tiningnan ko ang mga nakaupo sa harap, avoiding Arianne's gaze.

Pinagmasdan ko ang bawat isa sa kanila. Arianne, babaeng sobrang amo ng mukha, pero mabibigat ang kanyang mga mata. Malayong malayo sa kanyang angking abilidad. Kulay brown ang wavy niyang buhok. Halatang halata ang pagiging angat angat niya sa mga estudyante dito.

Ang isa pang babae sa grupo nila ay mayroon ding maamong mukha, pero hindi katulad ng kay Arianne, mararamdaman mo ang pagiging kalma niya. Hindi ko pa alam kung ano ang kaya niyang gawin, pero dahil kasama siya sa lima, masasabi ko nang sa likod ng payapa niyang mukha ay nakakubli ang isang abilidad na higit na malakas kesa sa mga estudyante dito.

Napansin kong may binulong si Arianne sa lalaking nakasalamin. Iniwas ko ang paningin ko dahil doon.

Wala na sana akong balak na lumingon sa banda nila kaso napansin kong may tumititig sa akin. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na may nakatitig daw sakin.

Nilingon ko ang mesa nila. I was right. An intense pair of grey eyes is staring at me darkly. Nanginig ang kamay ko dahil sa bigat ng mga tingin niya. Bigla kong binawi ang paningin ko sa kanya dahil hindi ko pa alam ang kaya niyang gawin, at hindi ko na gugustuhin pang malaman kung ano iyon. Sa paraan palang ng pagtitig niya ay alam ko ng hindi biro ang ability na meron siya.

Bigla akong nawalan ng gana sa pagkain. Tinitigan ko nalang ang pagkain na nasa plato ko. Gustuhin ko mang mauna na palabas ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam ang daan papunta sa mga classrooms dito kaya hinihintay ko pa na matapos si Ynah.

Papaalis na kami ni Ynah ng may nabangga akong isang babae from the juniors. Napaupo siya lapag kaya inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Nang inabot niya ang kamay ko ay sandali na namang tumigil ang oras at may nakita na naman ako.

"Uhm, sorry." Sabi niya sabay alis na.

"Hey! Wag kang dadaan sa-" hindi ko na natuloy ang dapat sasabihin ko ng bigla siyang nadulas malapit sa may hagdan.

"hagdan kasi madudulas ka." Napa facepalm ako sa nangyari. Iyon na dapat ang sasabihin ko sa kanya kaso umalis siya agad.

"What was that? Bakit mo alam?" Nagtatakang tanong ni Ynah sakin.

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Our first class will be Algebra." Sabi sakin ni Ynah habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Really? Algebra?" Napangiti ako ng marinig iyon. Ngayon lang ata ako nakarinig ng normal, eh.

Pagdating namin sa classroom ay marami na ang tao sa loob. Umupo kami sa may gilid ng bintana. Hindi din nagtagal ay dumating na ang guro namin.

"I'm Sir Kean." A man probably in his late twenties stood in front.

Iginala niya ang tingin sa loob at tumigil sa akin. "Introduce yourself, please."

Tumayo na ako dahil obvious naman na ako ang tinutukoy niya eh. Hindi na ako nag abala pa na pumunta sa harap kaya nagsalita na ako.

"I'm Mia Scott. 17." Iyon lang ang sinabi ko at umupo na.

"What's your ability?" Napalingon ako sa likuran ng may nagtanong niyon. The guy with the blonde hair asked me.

Hindi ko napansin na nandito pala sa classroom na ito ang Advanced Class! Bakit nandito sila? Isa sa kanila ang nagtanong sa akin niyon.

"I don't know." Sagot ko nalang dahil hindi ko talaga alam kung ano ang ability na meron ako.

Nagtawanan ang karamihan na nasa loob ng classroom na ito. Napayuko nalang ako.

"Really?" Namamanghang tanong niya.

Bigla ay naramdaman ko na may papalapit sa akin na bagay mula sa likod. Isang bagay na alam kong sadyang binato papunta sa akin. Nakaharap ako sa may blackboard kaya alam kong mula sa likod ang bagay na iyon.

Nang maramdaman kong sobrang lapit na ng bagay na iyon ay marami ang napasigaw. Yumuko ako para hindi tamaan ng kung anumang bagay na iyon.

Napabuga ng hangin ang iba na nasa loob ng kwartong ito.

"Whew, muntik na!" Sabi ni Ynah sa gilid ko.

Nilingon ko ang may gawa ng bagay na iyon. The guy with the blonde hair is smirking at me, so I assumed that he was the one behind it.

"I thought you didn't have the ability?" Tanong niya, still flashing his annoying smirk.

"Not knowing is different from not having, tss." I answered. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng galit. I know that was offensive, but I was just stating a fact.

Nagulat ako ng tumawa ang babaeng kasama ni Arianne sa grupo nila.

Napatingin ang lahat sa kanya at tumigil din siya ng napansin ang madilim na titig sa kanya ng lalaking blonde ang buhok.

Nanahimik nalang ulit ang lalaki at binalik ang tingin sa harap.

"I think I know now the ability you possess, Miss Scott." Sabi ni Sir Kean.

Now I know too, sir. Kanina ko pa iniisip ang tungkol dito pero mas napatunayan ko ngayon ang ability ko.

I have the ability to see the future. I am a fucking seer.

"That's Ian Spade. Number four, he is known for his levitating ability. Pasalamat ka at naiwasan mo ang atake niya kanina, sobra ang kaba ko ng makita ko yun, eh." Bulong ni Ynah.

Nilingon ko ulit ang grupo sa likod na sana ay hindi ko na lamang ginawa.

Nakatitig na naman sa akin mga matang iyon. Those pair of grey eyes are really bothering the shit out of me! Nilabanan ko ang titig niya and for a moment, I felt my body froze. Naramdaman ko ang malakas na enerhiya na kumokontrol sa katawan ko.

Tiningnan ko ulit siya. Walang duda, sa kanya galing ang enerhiyang iyon. Alam kong kapag tumagal pa ito ay unti unti na akong mahihirapan sa paghinga dahil sa pagkakaparalisa ng katawan ko. Napansin niya iyon kaya tinigil niya ito.

Huminga ako ng malalim ng naramdaman ko ulit lahat ang katawan ko. Fuck that ability! Muntik ko nang ikamatay iyon! Tiningnan ko siya at nagulat ako ng may nakita akong bahid ng pagtataka sa mukha niya.

Nagtataka ba siya dahil muntik ko nang ikamatay ang ability niya? Pero hindi din, eh. Hindi ko nalang iyon pinansin at binalik na ang tingin sa harap.

Patuloy lang sa pagtuturo si Sir Kean. Nakikinig lang din ang karamihan sa kanya, ang iba ay napapatango pa. Pinagmasdan ko sila at wala talagang nakapansin sa nangyari sa akin kani kanina lang! Hindi na ako magtataka kung bigla nalang akong bumulagta sa sahig dahil sa walang hiyang ability ng lalaking may grey na mga mata!

Hindi pa natatapos ang araw na ito ay andami na ang nagyari sa akin. Hindi ko alam pero imbis na takot ang aking maramdam ay lubos pa akong nasiyahan. Parang nawala bigla ang mabigat na nakadagan sa dibdib.

For the first time in my life, I can finally say I belong here.

***

UnknownWhere stories live. Discover now