Chapter 16: Alone

3 0 0
                                    

Chapter 16: Alone

"The rebels are those who wanted the academy. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit sila nagparamdam. I have no idea what they're after." Paliwanag ni Carol.

Pagbalik sa dorm ay iyon agad ang tinanong ko sa kanya. Wala akong mapapala kapag si Ian o Arianne ang tatanungin ko, kaya sa kanya ako lumapit.

"It's dinner already." Mula sa kung saan ay sambit ni Ian.

Nauna na silang lumabas kaya sumunod na din ako. Marami pa akong gustong itanong, but I guess I have no choice but to wait for them to explain it to me.

Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang training ko. I need to train more, I need to improve more.

Marami na ang tao sa hall nang pumasok kami. Mukhang natigil sila sa kanilang mga  ginagawa dahil sa pagpasok ng mga kasama ko. Itinuon nila ang pansin sa amin, sa akin to be more specific.

Until now ay mukhang hindi pa rin nasasanay ang mga mata nila sa existence ko sa grupo. Tanggap ko iyon dahil pati ako ay hindi pa rin makapaniwala na kabilang ako sa kanila.

"You really are something, Mia." Sabi ni Carol pagkaupo ko. "Ilang linggo pa lang ang nakalipas ay nasanay ka na sa atensyon na ibinibigay ng mga estudyante dito."

I just shrugged. Im very familiar with this feeling, Carol.  I answered quietly.

Hinanap ng paningin ko ang table kung nasaan si Ynah. Nakatutok siya sa pagkain. Hindi na kami masyadong nag- uusap ni Ynah matapos kong lumipat ng kwarto dahil pati siya ay ilag sa akin.

"Eat." Natigil ako sa pag- iisip dahil sa sinabi ni Dean. Siya ang kaharap ko. Nilingon lingon ko ang mga kasama ko dahil akala ko sila ang kausap niya, pero sa akin siya nakatingin.

Walang ekspresyon sa kanyang mukha pero kakaiba talaga ang mga mata niya. His grey eyes are very penetrating to the point na kapag hindi ka iiwas ay maliligaw sa mga loob niyon.

Tinuon ko nalang ang pansin sa pagkain ko kahit nawalan na ako ng gana dahil sa mga titig niya.


It's past midnight already and here I am, still wide open. Sigurado akong tulog na ang mga kasama ko sa kwarto. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng iniisip ko. Nakailang ikot na ako sa aking kama ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

I decided to leave the room. Magpapahangin na muna ako. Tahimik akong bumaba ng staircase papunta sa living room.

Dinala ako ng mga paa ko sa weaponry. Ang planong magpapahangin ay nakalimutan ko nang maisip na kailangan kong mag double time para sa improvement ng ability ko.

Puno ng iba't ibang matutulis na bagay ang kwartong ito. From hand-to-hand combat weapons to long range weapons. Lumapit ako kung nasaan nakalagay ang iba't ibang klase ng kutsilyo.

Staves, daggers, darts, knives and all! Wala akong alam sa paggamit ng mga bagay na ito, pero simula nang pumasok ako sa paaralang ito, simula nang nilipat ako sa grupo, natuto akong gumamit ng mga ganito.

May dart board sa dulo ng kwartong ito kaya kumuha ako ng darts at tinapon iyon doon.

Napangiwi ako nang makita na sobrang layo ang tama nito. Kumuha pa ako ng isa at tinapon ulit pero ganun pa rin ang resulta, malayo sa dapat tatamaan.

Nagulantang ako ng may biglang bumulusok na dagger doon. Napapapalakpak ako nang tumama iyon sa pinakasentro nito. Nilingon ko kung sino iyon ngunit nawala ang ngiti sa labi ko nang makilala ang naghagis ng dagger sa board.

"Sharp senses, patience and focus, you are lacking in that field." Malalim na titig ni Dean ang sumalubong sa akin. "You didn't even realized someone's watching you even you're a seer."

I felt it, I was just lost in my thoughts for a while. Nais ko iyong isagot sa kanya pero hindi ko nalang ginawa. What is he even doing here?

Namalayan ko nalang na nasa harap ko na siya. "You have a very dangerous ability, but you don't even know you have it."

How is seeing the future a dangerous ability? What does he mean that?

Umatras ako nang maramdaman kong humakbang siya papalapit sa akin.

Being with Dean alone in a closed room tells danger. Ang kaniyang presensiya ay napakabigat para ihandle ng isang tulad ko.

Patuloy siya sa paglapit kaya patuloy din ang pag atras ko. Kung sa ibang pagkakataon ito ay baka nagawa ko ng tumawa dahil sa aming ginagawa, pero ngayon ay kahit paghinga ng maayos ay di ko magawa.

Napatigil ako sa pag- atras nang maramdamang mesa na ang nasa likod ko. "Tss, you don't even know that the table is already behind you."

Tumitig siya sa mga labi ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya malapit sa baywang ko. Iniwas ko ang paningin sa mga mata niya dahil doon. Fuck you, Collins!

"Try closing your eyes. You become more alert when you can't see anything, just darkness. You can't tell where your enemy is. Feel their presence, once you have adjusted already, you can easily point where is your enemy."

Lumayo siya bigla sa akin at may itinapon ulit sa harap. "Bullseye." He said, grin is plastered on his face.

Papaanong may dart na agad sa mga kamay niya? Iyon ba ang kinuha niya sa likod ko? Of course, Mia! Ano pa ba ang maaari niyang gawin doon?

"Remember what I told you." Iyon lang ang sinabi niya at lumabas.

Hanga talaga ako sa sarili niya dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari ngayon- ngayon lang, while here I am, still running out of breath! Bakit nga ba ang hirap ikontrol ng paghinga kapag nasa paligid siya?

Sharp senses and control. That is what I need.

Kinuha ko nalang ang dagger na nasa mesa at ginaya ang paraan ng pagkakatapon niyon ni Dean kanina. Napangiwi ulit ako ng hindi ulit iyon tumama sa bilog.

I guess I really have to be patient, huh?

***
Hi! Any thoughts about this chapter? Matagal ko itong pinag- isipan dahil sa kaonting interaction nina Mia and Dean. I'm not really good in writing romance, so please bear with me.

UnknownWhere stories live. Discover now