0️⃣5️⃣ Lasagna

87 10 0
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

Kasalukuyan akong nandito sa garden na tinatambayan ko. Dito kasi ako nagpupunta kapag naiisip ko si Hiro e, dito kasi kami pumupunta noong nandito pa siya nag-aaral sa Pinas. Miss ko na siya, miss na miss ko na siya. Promise!

"Hi, Kath..." Nagpabuntong hininga na naman ako sa boses na 'yon at awtomatikong tumaas ang blood pressure ko nito sa.

Dahan-dahan kong tiningnan ang lalaking ito na nakataas ang kilay pero si makulit nginitian lang ako nito.

"Ano na naman ba?!" Pagsusungit ko nito.

"Miss kita." Nakangiting sagot nito.

"Sorry, pero hindi kita miss!" Sambit ko nito sabay talikod sa kanya.

"Wait!" Napahinto ako sa pagpigil niya sa akin.

Nagpunta pa siya sa harapan ko na ikinabuntong hininga ko.

"Alam kong hindi ka pa kumakain, kaya ito lasagna," Sambit nito sabay abot sa isang tupperware na may laman na pagkain nito. "Alam ko na favorite mo 'to. " Dugtong pa nito.

"Paano mo nalaman na favorite ko 'yan?" taas kilay na tanong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paano mo nalaman na favorite ko 'yan?" taas kilay na tanong ko.

"Nakikita kasi kita sa mga nakaraang araw na panay lasagna ang kinakain mo, kaya gumawa ako ng lasagna para sayo." Nakangiting sambit nito.

"Ay, ikaw ang nagluto nito? Sorry hindi kasi ako kumakain kapag gawa mo!" Sambit ko.

"Grabe naman, kahit tikim lang naman pinaghirapan ko to lutoin e." Sambit nito.

"Ayaw ko! Baka may lason pa 'yan." Sambit ko at umiwas ng tingin.

"Hindi naman kita lalasonin noh, papakasalan pa kasi kita. Kaya please..." Sambit nito.

"Ayaw ko nga! Baka may gayuma pa yan!" Pagtataray ko ulit.

"Hindi naman ako masyadong desperado para makuha kita agad-agad." Sabi nito.

"Bahala ka sa buhay mo! Kainin mo ang lasagna mo dahil hindi ako interisado sayo! Wag mo na akong sundan, utang na loob!" Sambit ko nito na nanlilisik na talaga ang mata ko dahil sa inis nito bago siya tinalikuran.

Itutuloy...

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon