1️⃣1️⃣ Paglayo

88 9 0
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

Sinulit ko ang one week ni Hiro na kasama ko siya dito sa Pinas, pero hindi ako satisfied e dahil sa Sip na makulit na 'yon. Kahit saan ako magpunta nandoon talaga ang lalaking iyon, nakakainis talaga ang kakulitan ng bwisit na 'yon. Promise!

Back to normal na naman ang buhay ko ngayon na mag-isa na naman ulit. Nang magring ang bell agad kong niligpit ang mga gamit ko para makauwi na para makaiwas na rin sa Sip na 'yon.

"Hi Kath..." Sambit nito na hindi ko pinansin ito.

Agad akong naglakad nito ng matuwid na hindi siya pinansin pero si loko mukhang sinundan niya talaga ako dahil naririnig ko ang apak ng mga paa niya.

"Kath, pansinin mo naman ako oh..."

"Kath, galit ka ba sa akin? Kath, wala ka bang balak na pansinin ako?"

"Kath, mahal nga kita e..."

"Kath, pansinin mo naman ako..."

"Kath, wala ka bang balak na pans----"

*PAK*

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya na ikinahinto niya sa pagsasalita.

"Ngayon hindi pa rin ba kita pinapansin?!" Taas kilay ko na sambit nito.

"Galit ka ba?" Tanong nito.

"Sino bang hindi magagalit sa pinaggagawa mo?! Sip, nakakainis ka na, nakakabwisit ka na, nakakagalit ka na, punong-puno na ako sa kakulitan mo! Alam mo ba 'yon?" Sambit ko nito at binitawan ang mga luha ko sa mata dahil sa galit nito.

Oo! Ilalabas ko na sa kanya ang sakit ng nararamdaman ko dahil sa pinaggagawa niya.

"Sobrang kulit mo!" Sambit ko nito.

"Mahal nga kasi kita." Sambit nito sa akin.

"Manhid ka ba?" Tanong ko nito. "Bakit hindi mo ako maramdaman na hindi kita gusto? Bakit hindi mo mararamdaman na hindi kita mahal? Bakit hindi mo ako mararamdaman na galit ako sayo? Bakit hindi ka nakakaramdam na inis na ako, pagod na ako sa kakulitan mo, sobrang sakit na ang ulo ko dahil sa pinaggagawa mo?" Sunod-sunod na tanong ko nito sabay punas ng luha ko na patuloy itong umaagos.

Napayuko na lang siya sa sinabi ko bago nagsalita ito. "Mahal kasi kita." Sambit nito.

"Pwede ba Sip! Tantanan mo na ako, layuan mo na ako, wag mo na akong gugulohin, layasan mo na ako, wag mo na akong pasusungitin. Taposin mo na ang kahibangan mo! Taposin mo na ang kathang-isip na 'yan!" Sambit ko nito na ikinaangat niya ng mukha at tiningnan ako nito.

Nakita ko ang pangingilid sa mga mata niya, parang nasaktan ko siya sa sinabi ko.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" Tanong nito sa akin.

"Maging masungit ba ako kung kaya ko?" Sambit ko nito.

"Mahal kita..." Sambit nito na ikinabagsak ng luha niya ito.

Ewan ko pero nasasaktan ako lalo ng makita siyang ganito e. Alam mo naman diba na masiyahan siyang tao pero napaiyak ko siya sa sinabi ko.

"Pasensya ka na, sa mga kathang-isip kung ito. Waring ito ay dala lang ng pagmamahal ko sayo. Pero wag kang mag-alala, ako'y gigising na sa panaginip kong ito. At gaya ng sinabi mo, lalayo na ako sayo." Sambit nito sa akin na ikinabagsak ng luha niya nito.

Pinunasan pa niya ang luha niya at ngumiti pa ito bago tumalikod sa akin.

Ewan ko, pero bakit sobrang sakit habang binibigkas niya ang mga salitang iyon.

Ginamit niya pa ang lyriko ng isang kanta na nagpapasakit ng puso ko.



Itutuloy...

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon