0️⃣8️⃣ Stalker

82 8 0
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

Agad kung binayaran ang taxi Driver ng huminto ito agad sa bahay namin bago ako lumabas. Papasok na sana ako ng gate ng marinig ko ang pamilyar na boses ulit.

"Hi Kath..." Awtomatiko akong napabuntong hininga bago siya nilingon.

"Bakit ka nandito?! Sinusundan mo ba ako, stalker?" Taas kilay na tanong ko.

Hindi ito sumagot kusa lang itong ngumiti at parang tiningnan pa ang bahay namin nito.

"Bahay niyo? Ang ganda naman ng bahay niyo Kath." Sambit nito na parang namamangha pa.

"Ano naman sayo? Umalis ka na nga!" Pagtaboy ko nito.

"Kath, nandiyan ka na pala?" Biglang sambit ni Manang ng makalabas ito ng gate.

"Ay, may kasama ka pala." Dugtong nito ng tingnan si Sip.

"Hello po, ako pala si Sip bo---"

"Friend ko Manang!" Pagputol ko sa sinabi ng lalaking ito. Nagpapakilala pa talaga si loko kay Manang, sobrang feeling close talaga ang lalaking ito.

"Friend mo pala siya, papasukin mo muna siya nagluto ako ng lasagna para sayo e." Sambit ni Manang nito sa akin.

"Hindi na p---"

"Sige po! Medyo gutom kasi ako e, tara na po sa loob." Pagputol ng lalaking ito sa sasabihin ko at nauna talaga siyang pumasok habang hila si Manang.

Napabuntong hininga na lang ako sa inis dahil sa inasta ng lalaking ito. Sobrang kulit talaga! Hanggang dito sa bahay sinusundan niya talaga ako.

Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko pa ang feel at home na lokong ito na humiga pa sa sofa. Tinaasan ko lang siya ng kilay na ikinangiti niya lang nito.

"Manang! Dalhan mo na ako ng pagkain sa kwarto, syaka pagkatapos lumamon ng lalaking ito paalisin niyo na agad!" Sigaw ko pa kay Manang bago umakyat sa kwarto ko.

Nakakainis kasi e, sobrang nakakainis lang talaga siya. Minsan na nga lang ako maging relax, sumunod pa siya. Sinundan pa talaga ako sa stalker na 'to! Kainis!




Itutuloy...

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon