1️⃣0️⃣ Date

85 9 0
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

Nalaman ko na one week lang si Hiro dito kaya ito susulitin namin ang mga araw na ito. Game naman ako sa date na ito basta si Hiro e, game na game ako kapag siya ang mag-aya ng date dahil nga boyfriend at mahal ko siya.

Naglalakad kami ngayon sa mall na ito pupuntang sinehan dahil gusto naming manood e, paki niyo ba?!

"Kath..." Napahinto kami ni Hiro sa boses na 'yon at nilingon ang taong tumawag sa akin.

Napasampal na lang ako sa noo ko ng makita na sumunod na naman talaga ang lalaking ito sa amin ngayon na pangiti-ngiti pa itong lumapit sa amin.

"Babe, siya 'yong lalaking kausap mo kanina diba?" Tanong bigla ni Hiro sa akin.

"Ahmm... Oo." Sagot ko nito at ngumiti na lang.

"Hello, ako pala si Sip boy---"

"Boy friend ko Babe, lalaking kaibigan." Pagputol ko sa sasabihin ni Hiro.

"Babe, kailan ka pa nagkakaroon ng lalaking kaibigan? Diba mga babae lang ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Hiro sa akin.

"Ahmm... Pasensiya na po, hindi lang po ako basta boy friend kundi mas mataas pa sa ganon, boy---"

"Boy bestfriend Babe." Pagputol ko nito.

"Wala kang nasabi sa akin Babe, na may boy bestfriend ka? Syaka matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong ni Hiro sa akin na napakunot pa ang noo nito.

"Ahmm..."

"Dibale babe, may tiwala naman ako sayo e. Alam ko na mahal mo ako." Sambit nito at ngumiti sa akin.

"I love you." Sambit ko nito.

"I love you too." Sagot ni Hiro sa akin. "By the way Babe, sama mo naman ang bestfriend mo sa lakad natin." Sambit ni Hiro na ikinakunot ng noo ko nito.

"Hindi na Babe, baka may kasama siyang iba e. Kasama niya ang girlfriend niya." Sambit ko nito.

"Kath naman, wala naman akong kasama e syaka wala akong girlfriend. I mean hindi ko pa siya girlfriend." Pagdadahilan nito.

"Okay lang naman pala Babe e." Sambit ni Hiro.

"Babe, baka pagalitan siya ng Mom niya, grounded pa naman siya. May curfew kasi siya e, parang si Cinderella." Sambit ko at ngumisi na napipilitan.

"Hindi naman, tinext ko na si Mom kanina lang na late akong makauwi at syaka alam na niya na kasama ko kayo." Nakangiting sambit nito.

"Okay lang naman Babe, isama na natin ang bestfriend mo para naman makilala ko pa siya ng lubusan bago ako babalik sa State." Sambit ni Hiro.

Napabuntong hininga na lang ako at labas sa ilong ang pagtugon at pagpayag ko nito.

Nakakainis talaga ang lalaking ito! Hanggang sa date namin ni Hiro, sinusundan niya talaga kami.

Ginugulo niya, iniinis niya, hindi ko na naman maenjoy 'tong date na ito dahil sa bwisit!



Itutuloy...

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon