0️⃣7️⃣ Libro

86 9 2
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

Nandito ako ngayon sa school library namin, gusto ko lang kasing tahimik na lugar para makapag-isip isip. Hindi na kasi ako pwedeng tumambay sa garden baka susulpot na naman ang lalaking makulit na 'yon.

Kaya ito ako ngayon, nagbabasa ng libro na isa sa favorites ko na--- "Hi, Kath..." Nabuntong hininga na lang ako sa taong umupo sa harapan ko.

"Hanggang dito ba? Sinusundan mo ako?!" Mahinang sambit ko nito pero umuusok na talaga ang ilong ko.

"Ahmm... Hindi ha, may hihiramin lang kasi akong libro dito e." Nakangiting sambit nito.

Napairap na lang ako sa lalaking ito bago ko tinuon ang pansin sa librong binasa ko.

"Oy, John Grisham! Paborito mo bang libro na 'yan? Yan kasi ang paborito kong libro e, syaka binabasa ko 'yan kapag pumupunta ako dito." Sambit nito na sobrang saya pa ang lokong 'to.

Tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay. "Sinabi ko bang paborito ko ang librong 'to?!" Taas kilay na tanong ko.

"Ahmm... Hindi..." Sagot nito na ngumiti pa.

"Bakit sobrang saya mo?!" Pagtataray ko ulit nito.

"Sobrang saya ko lang dahil akala ko kasi na ako lang ang mahilig magbasa sa libro ni John Grisham e." Sambit nito at ngumiti.

"Share mo lang?! Ito basahin mo!" Sambit ko nito at ibinigay sa kanya ang librong binasa ko bago ako tumayo at umalis.

Nakakainis talaga e, kahit saan na lang ako sinusundan niya talaga ako! Araw-araw na lang niya akong pinapabadmood, araw-araw na lang niya akong ginagalit, iniinis, binibwisit! Feeling ko tuloy ngayon, wala na akong safe na lugar na makapag-isip ako dahil lahat na lang na pinupuntahan ko ay susunod siya.


Itutuloy...

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon