0️⃣3️⃣ DMessage

113 10 5
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

Tumayo agad ako sa hapag-kainan ng matapos akong kumain nito.

"Tapos ka na?" Tanong ni Manang sa akin.

"Opo Manang." Sagot ko nito.

"Bakit kaunti lang ang kinain mo?" Tanong ni Manang sa akin.

"Ahmm... Busog na po ako Manang e, syaka kanina nagmeryenda naman kami before kami umuwi dito galing practice." Sagot ko nito.

"Ganon ba, sige ililigpit ko na lang ang pinagkain mo." Sambit nito sa akin at nagsimula na itong ligpitin ang kinakainan ko.

"Sige po Manang, akyat na po ako sa taas madami pa kasi akong rereview na notes ko e, may quiz kami bukas." Sagot ko nito.

"Okay, goodnight na lang. Wag mong kalimutan na mag half bath bago matulog ha, syaka magtoothbrush." Sambit nito na ikinangiti ko na lang nito.

"Noon mo pa 'yan pinaalala sa akin Manang, matanda na ako at alam ko na 'yan dahil nagiging routine ko na 'yan everyday." Sambit ko nito.

"Hays, pinaalala ko lang po dahil alam mo naman na kahit hindi ako nag nagluwal sayo ako naman ang nag-alaga sayo mahigit labing-limang taon. Kaya ayaw kong pabayaan ka, gusto ko maging healthy ka." Sambit nito na ikinangiti ko.

Oo tama kayo! Si Manang na kasi ang parang nagiging kakampi at kasama ko ngayon dito sa Pinas e. Ang parents ko kasi nasa ibang bansa, parehong OFW.

Umuwi lang sila kapag birthday ko lang, pero nakakamiss din sila. Wala naman akong galit sa kanila e, pero may konting selos at tampo kasi kailangan ko rin naman ng magulang anytime e.

Pero wala e! Wala na akong magawa, sinasabi ko sa kanila ma umuwi pero ang isasagot lang nila sa akin ay ginawa daw nila ang pag-abroad para sa kinabukasan ko. Hooh! Fine! Ewan ko!

"Goodnight na." Nabalik ako sa realidad sa boses na 'yon.

"Goodnight po." Sagot ko nito at ngumiti bago umalis sa dining area at umakyat sa kwarto.

☆☆☆

Nang makarating ako sa kwarto ko, napahiga na lang agad ako sa kama ko at nagmuni-muni muna.

Hays! Kumusta na kaya ang boyfriend ko? Okay kaya siya ngayon sa State? Miss ko na siya e, one month na rin kaming walang contact sa isa't-isa dahil busy din siya sa study. Pareho kaming busy sa study namin.

Hays! Lahat na lang talaga nang mahal ko iniwan ako, ang parents ko nasa ibang bansa si Hiro rin na boyfriend ko nasa ibang bansa. I am not enough? I am not enough ba para magstay sila sa akin?

Hoooh! Feeling ko tuloy ngayon, second choice na lang ako palagi! Palagi na lang hindi pinili, 'yong tipong sa need at wants ang ibang bansa ang needs habang ako ang wants dahil second choice lang palagi.

Napapunas na lang ako sa mata ko nang bigla na lang tumulo ang luha ko. Ewan ko, bigla-bigla na lang itong tumulo e. Kinuha ko ang phone ko nito at binuksan ang internet connection.

Agad naman nag-pop up ang sa akin ang pangalan ni Sip na ikinairap ko na lang nito. Nag-DM si loko sa akin, hindi talaga ako titigilan ng lalaking ito! Nakakainis!

Binasa ko naman ang laman ng message niya.

Ang kulit talaga e! Isesend ko ba ang message ko sa kanya? Hays!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang kulit talaga e! Isesend ko ba ang message ko sa kanya? Hays!








Itutuloy...

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon