1️⃣2️⃣ Text Message

97 9 6
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

2 weeks later...

Masaya naman ang mga araw ko dahil wala na talagang nangungulit sa akin. Bumalik na ang buhay ko sa normal e, wala ng Sip na feeling close, wala ng makulit, wala na ang stalker, hindi na siya nagpaparamdam.

Mas okay nga ito e, dahil wala na akong ibang iniisip kundi ang pag-aaral ko at ang buhay ko. Nakafocus na ako sa study ko ngayon, wala na akong ibang iniisip pa.

Last subject namin ngayon sa hapon kaya todo focus ako sa pakikinig sa teacher namin lalo na history subject ang lecture namin ngayon.

*phone vibrating*

Napatingin pa ako sa phone ko ng bigla na lang itong magvibrate, panakaw ko pa itong binasa ang text message na ito.

Pero sino 'to? Isang unknown number ang nagtext sa akin, sino ba ang wrong send na 'to? Hays! Curiosity kills. Kaya naman agad ko itong binasa.

Unknown number
+639101234567

Hi Kath, 😊 Pwede ba tayong mag-usap ngayon sa rooftop? Aalis na kasi ako sa Pinas e, lilipad na ako sa Canada. ngayong 4:00 PM 😊 Si Silvestre Ivan Pat Villaraigosa pala ito AKA Sip. 😊

Basa ko nito sa test message niya. Bakit may number niya sa akin? Paano niya nalaman ang number ko? Hays.

Maya-maya pa may nagpop-up na naman na message na galing sa kanya.

Unknown number
+639101234567

Kung nagtataka ka kung saan ako galing ng number mo? Wag mo ng tanongin.😊 Kung iniisip mo kung saan ko nakuha ang number mo? Wag mo na lang isipin.🤔

Ewan ko sa lalaking ito, pero nakakainis pa rin talaga siya. Hays, mukhang nabasa niya siguro ang iniisip ko.

Hays, makafocus na nga lang sa teacher namin. Bwisit! Nasaan na ang lesson namin? Bakit sobrang layo na nila sa lecture, napag-iwanan pa tuloy ako dahil sa Sip na 'yon.

Hays! Makafocus na nga sa lecture namin, ayaw kong maiwan sa lesson noh?!

Para makafocus ako sa lecture namin, pinasok ko na lang ang phone ko sa bag ko para hindi ako lalo maistorbo.

Focus... Focus... Focus...

☆☆☆

*KRINGGGGGGGGGG*

Agad kong kinuha ang phone ko sa bag ko at ang nakakaloka andami na pa lang unread messages at missed calls nito.

Agad kong binuksan ang phone ko at nagpunta sa inbox at binasa ang huling message ni Sip sa akin.

Unknown number
+639101234567

Hello Kath, kahit hindi kita nakita sa huling araw ko dito sa pinas. Sana maramdaman mo na mahal kita kahit may mahal kang iba. 😊
By the way, umuwi na ako sa bahay oras na kasi para sa flight namin e, tumawag na si Mom at Dad sa akin hinintay na ako. 😊😊
I hope na mabasa mo ang letter na ginawa ko para sayo. Sinulat ko na lang ang sasabihin ko sayo, basahin mo ha? Nasa locker mo, nilagay ko.
I love you, kahit hindi mo ako mahal. 😊 Tanggap ko naman ang lahat e, sobrang tanggap ko ang katotoohanan na ako ang taong nagmahal sa taong hindi ako mahal.🥺🥺
Take care always, thank you and God Bless. 🥺😊

Ewan ko pero naguguilty tuloy ako sa ginawa ko, sobrang naguguilty ako sa pinaggagawa ko.

Tama ba ang ginagawa ko para kay Sip? Tama ba na tinataboy ko siya sa ganong paraan? Hays!



Itutuloy...

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon