EPILOGUE

292 11 41
                                    


Kath's Point of View

♡♡♡

1 month later...

Isang buwan na ang lumipas ng umalis ang isang makulit na si Sip. Pero sa isang buwan na 'yon wala na akong balita sa kanya. Nakaunfollow na nga siya sa mga social media's account ko e, nakakamiss rin pala siya kahit ganon siya.

Binuksan ko ang locker ko ngayon, gaya nga ng nakasanayan andami na namang mga envelopes ang nandito galing sa mga secret admirers ko.

Araw-araw na lang kasi ganito e, araw-araw na lang umuulan ng letter sa locker ko pero kahit isa wala akong binasa nito. Ewan ko, hindi ko nga rin binasa ang letter ni Sip e dahil hindi pa ako ready. Syaka mukhang natatabunan na siya ngayon sa nakatambak na mga love letter dito.

Sa loob kasi ng isang buwan wala akong ginalaw kahit isang love letter dito sa locker ko, sobrang dami na talaga dito at nakatambak na siya.

"Kath..." Napalingon ako sa boses na yon at nakita ko si Kuya Janitor na nandito na naman siya sa locker.

"Maglilinis ka po?" Tanong ko nito.

"Oo nga e."

"Isama niyo na po 'to." Sambit ko nito at kinuha ang mga love letter na nakatambak dito at inilagay sa tinutulak niyang trashbin.

"Grabe, binasa mo ba 'yan?" Tanong nito sa akin.

"Hindi po." Sagot ko.

Napatango na lang ito at may kinuha na namang letter sa trashbin sa itapon ko.

"KATHang-iSIP." Basa nito.

"Akin na po 'yan!" Sambit ko nito at inagaw sa kanya. "Hindi po ito kasali." Sambit ko nito na ikinakamot ng noo niya sa sinabi ko.

"Binasa mo na ba 'yan?" Tanong ko.

"Babasahin pa po." Sagot ko nito.

"E, itong iba ba binasa mo na?" Tanong nito.

"Hindi po."

"Ha? May pinapaboran ka?" Tanong nito.

"Ha? Bakit interisado kang malaman, umalis ka na nga po Kuya." Sambit ko nito.

"Asus, mukhang love mo ang letter na 'yan na KATHang-iSIP isip e." Nanunukso pa talaga ang lalaking ito.

"Ewan ko sayo Kuya! Umalis ka na, feeling close ka rin e." Sambit ko nito at umirap sa kanya.

"Sige, alis na ako... Sana all love, sana mahal, sana all pinili ang sulat na ganyan." Sambit ulit nito nq kumanta pa si loko.

Feeling close si Kuya, sobrang kulit rin ang lalaking 'yon e parang si Sip. Oo! Para siyang si Sip na makulit na nagpapapansin sa akin na masungit.

Napatingin ako sa sulat na hawak ko at binasa ang nasa harapan niyo.

"KATHang-iSIP." Basa ko nito.

Ito na ba ang tamang panahon para basahin ang nakapaloob na sulat na ito? Dapat ko na bang basahin ito? Isang buwan na rin kasi ito nakatambay e, ito na siguro ang tamang panahon.

Hi Kate Annika Tera Hanzen Dela Gracia AKA 'Kath'.

Sorry pala kung kinukulit kita, sorry dahil iniinis kita, sorry dahil ginagalit kita, sorry dahil pinahighblood kita, sorry dahil pinapabadmood ko ang araw mo palagi. Gusto ko lang kasing maging masaya at akala ko na magiging masaya ka rin pero 'yon pala ay hindi. Alam mo ba nung una tayong nagkita nabihag mo na agad ang puso ko, sobrang ganda mo kasi e, tapos matalino, tapos talented at mabait (sabi ng iba) sa akin ka lang siguro masungit dahil sobra kong kulit hihihi. Naalala mo yong time na nagtapat ako sa feeling ko sayo? Sabi ko mahal kita pero sabi mo hindi tayo pareho ng nararamdaman. Tanggap ko naman na hindi mo ako mahal e, tanggap ko na noong una pa lang. Tapos 'yong time na retweet at reqoute ko ang post mo, nagalit ka pa nga noon sa comment section dahil hanggang online sinundan kita kaya ka nag-offline. Tapos nag-DM pa ako sayo in that time, pero mukhang wala ka na talagang balak na mag-online pabalik e dahil late na rin. Sorry pala sa ginawa kong kakulitan hanggang online ha. Tapos 'yong araw na binigyan kita ng rosas sa school na hindi mo tinanggap, nalulungkot ako sa araw na yon dahil 5 years ko rin kasing inaalagaan ang rosas na 'yon e para lang ibigay sa taong gusto ko at mahal, sinabihan mo pa nga ako na baka galing sa sementeryo ang bulaklak ko, pero hindi yon totoo. Promise ako talaga ang nag-alaga sa bulaklak na yon, dinidiligan ko nga siya tatlong beses sa isang araw kaya ayon nilagay ko na lang ang rosas na hindi mo tinanggap sa libro ko para may remembrance ako. Naalala mo rin ba 'yong time na nagtatambay ka sa garden at sumulpot ako? Feeling ko naalala mo naman dahil binigyan pa nga kita ng paborito mong pagkain e lasagna yon gawa ko mismo, kahit hindi ako marunong magluto sinikap ko talagang makapagluto para sayo kaya lang hindi mo tinikman dahil baka daw may lason o kaya gayuma pero hindi ko naman gagawin 'yon sayo e, hindi kita kayang gayumahin at lalasonin dahil mahal nga kita, pero buti na lang hindi mo tinanggap ang luto ko kasi noong ninakaw ng isang matakaw kong kaklase ang pagkain na 'yon nagsusuko siya dahil hindi daw masarap ang lasa. Tapos kinagabihan non, nagchat ako sayo at tinawag kitang baby pero lahat na lang na itawag ko na gusto kong endearment ay binabara mo, kaya tinanong kita sa time na 'yon na anong gusto mong endearment pero ang sagot mo ay isa lang ang gusto mong mangyari 'yon ang layuan kita, pero matigas ako e, sagot ko na lang na I love you at ang response mo Bwisit! Tapos 'yong sumulpot ako sa library na ikinainis mo, alam mo ba na sobrang saya ko ng malaman ko na bumabasa ka rin sa libro ni Jonh Grisham, paborito ko 'yon e kaya sobrang saya ko na bumabasa ka rin sa librong iyon, akala ko kasi ako lang ang nagbabasa ng libro niya, pero nagwalk-out ka rin e sa panahon na yon na iniwan mo sa akin ang libro na binasa mo. Pero maniwala ka man o sa hindi, mas lumalalim talaga ang pagmamahal ko sayo kahit paulit-ulit mo akong binabara, tinataboy at pinalayas sa harapan mo. Tapos 'yong sinundan kita sa bahay niyo na sinabihan mo akong stalker, 'yon ang isa sa pinakapaborito kong nagawa kasama ka e, dahil nakilala ko si Manang Beth ang taong nag-aalaga sayo ng halos labin-limang taon. Oo Kath, kinikwento ni Manang Beth ang lahat na tungkol sayo, about sa family mo, sa parents mo na nasa ibang bansa dahil nag-OFW para sayo at syempre kinikwento rin niya sa akin kung gaano mo kamahal at gaano ka kamahal ng boyfriend mo na si Hiro na ngayon ay nasa State nag-aaral. Sayang nga in that time e, hindi ka na lumabas sa kwarto mo e, paulit-ulit kayang kumatok si Manang Beth para palabasin ka kaya lang hindi ka lumabas dahil nga sa akin, pero thank you na lang din dahil natikman ko ang paborito mong lasagna na gawa ni Manang Beth. Tapos yong time na nasurprise ka sa pag-uwi ng boyfriend mo galing State, alam mo bang sobrang saya ko sa panahon na yon dahil nakikita kitang masaya. Oo, aaminin ko na medyo nakakaramdam ako ng selos, pero nangingibabaw pa rin ang saya noong makita kitang masaya kahit sinusungitan mo ako. Tapos nong sinundan ko kayo sa mall dahil may date kayo ng boyfriend mo, gusto ko talagang sumama sa inyo e pero ikaw lang ay walang gusto. Gumagawa ka nga ng dahilan sa panahon na 'yon para hindi ako makasama, pero matigas kasi ang ulo ko gustong-gusto ko talagang sumama at syaka gusto rin akong makilala ng boyfriend mo kaya wala ka ng nagawa kundi tumango kahit labag sa kalooban mo. Alam mo ba kung gaano ako kasaya na kasama kita sa araw na yon? Sobrang saya talaga kahit third wheel lang ako. Alam mo rin bang natatawa talaga ako sayo nong ipakilala mo akong boy friend mo sa boyfriend mo? Tapos hindi pa ako pumayag na hanggang doon lang at gusto ko kasing mas mataas pa sa friend e, naalala mo ba no'n nong pinutol mo agad ang sinabi dahil sumingit ka? Hindi mo ako boy friend kundi boy bestfriend. Okay na ako sa friends e, okay na talaga ako sa akin na friends mo lang ako kaysa naman wala akong papel at role sa buhay mo. Tapos nong huli kitang nakita, sobrang nasaktan talaga ako. Hindi ako nasaktan sa sinabi mo, pero nasaktan ako ng todo nang makita kitang umiyak nang dahil sa akin. Pinamukha mo sa akin ang lahat na hindi mo talaga ako kayang mahalin, pero okay lang naman sa akin dahil sa una pa lang tanggap ko na ang sitwasyon ko dahil nga may boyfriend ka na. Salamat pala Kath dahil sinampal mo ako sa time na 'yon dahil nagising ako sa katotoohanan at nararamdaman ko ang totoo kung paano ko ginawang impyerno ang araw mo dahil sa bwisit, inis, galit, kulit at sakit. Kaya noong sinabi mo na tatantanan na kita, lalayuan na kita, papalayain na kita, lalayasan na kita, titigilan na kita sa lahat-lahat na ginagawa ko--- Ito na ang sagot na hinihiling mo. Kath, papakawalan na kita, aalis na kasi kami sa Pinas dahil pupunta na kami sa Canada para ipaggamot ang sakit ko na Cancer, pero don't worry okay lang sa akin ang nangyari e. Feel ko talaga ngayon Kath na hindi na ako makaabot sa Canada e, baka nga sa airplane palang ako, wala na ako. Sana nga mamatay na ako Kath e, para hindi mo na ako makita. Sorry talaga kung pinabadmood kita, sorry dahil pinahighblood kita, sorry dahil iniinis kita, sorry dahil ginagalit kita, sorry dahil binibwisit ko ang araw mo, sorry dahil kinukulit kita ng sobra--- Gusto ko lang kasing maging masaya e bago ako mamatay, o kaya gusto ko lang maging masaya para makalimutan ang sakit kung dinadala. Sorry kung nong una hindi ko sinusunod ang utos mo na layuan ka, gusto ko lang kasing mahalin pa kita nang sobra at higit pa sa buhay ko. Gusto ko lang kasi na bago ako mawala sa mundong ito maipararamdam ko naman ang pagmamahal ko sa taong gusto at mahal ko. Gusto ko ibibigay ang pagmamahal ko sa taong deserved na bigyan ko ng pagmamahal maliban sa magulang ko. Wala akong pinagsisihan Kath na sayo tumibok ang puso ko, wala akong pinagsisihan na ikaw ang minahal ko, sobrang dami kong natutunan gaya na lang na 'wag ipilit ang isang bagay kung ayaw'. Kath, sana maging masaya ka talaga sa buhay mo dahil wala nang Sip na mangungulit sayo, sana maramdaman mo ang pagmamahal ko sayo kahit sa ganitong sulat man lang. Hihihi, nag effort ako para sayo, naging makulit ako dahil sa pagmamahal ko sayo hihihi. Sa sinabi mong layuan na kita at hindi na kita gugolohin. Ito na ang simula ng lahat ng panibagong buhay mo. I hope you all the best, gusto kong makita na makuha mo ang inaasam mong tagumpay at bagay. Sana mag kakatulayan kayo ng boyfriend mo na si Hiro, sobrang bagay talaga kayo e parehong maganda at gwapo, parehong mabait (Kath & Hiro Shipper) na ako ngayon. Sana mahalin mo siya ng sobra-sobra at sana mahalin ka rin niya tulad ng pagmamahal ko sayo na walang iba kundi ikaw lang talaga. Sana ano man ang dumating na pagsubok at dagok sa buhay mo maging matatag ka lang at wag kalimutan na tumingala at magdasal sa Panginoon. Sana maaalala mo ako kahit na nasa kabilang buhay na ako.

🎼Kaya pasensya ka na🎼
🎼Sa mga kathang isip kong ito🎼
🎼Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo🎼
🎼Ako'y gigising na🎼
🎼Mula sa panaginip kong ito🎼
🎼At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo🎼

🎼Diba nga ito ang iyong gusto?🎼
🎼O,Ito'y lilisan na ako🎼

Sorry for the everything I did, thank you for the memories na babaunin ko sa buong buhay ko, Goodbye Ms. Masungit <3 Kath Dela Gracia.

Love, Mr. Makulit
(SIP Villaraigosa)

Napagagulgol na lang ako sa nabasa ko. Sobrang sakit, sobrang nasaktan ako dahil sa pinaggagawa ko kay Sip.

Sorry! Sorry! Sorry! Sorry Sip dahil sobrang sama kong tao, sorry Sip dahil sa pinaggagawa mo! Sorry Sip, dahil tinataboy kita, binabara kita, sunusungitan kita.

"Silvestre Ivan Pat Villaraigosa AKA Sip! Sorrryyyyyyyyy....." Sambit ko nito at humagulgol na ito.

Please! Pwede pa bang itama ang lahat? May pagkakataon pa bang itama ko ang lahat-lahat na ginagawa ko kay Sip?

Napatingala na lang ako sa sa itaas nito at patuloy pa rin ang pag-agos mg luha ko habang yakap-yakap ang sulat na gawa ni Sip sa akin.

"Mr. Makulit, sorry for the everything I did, thank you for the memories at experiences, no goodbyes! Bumalik ka dito please, itatama ko ang kathang isip mo! I miss you." Sambit ko nito at humagulgol na lang ulit nito.

"Hindi ito isang panaginip na nakakainip, itatama ko ang lahat ng nasa iyong puso't-isip, Sip"

Hanggang sa muli...





Kathang-Isip, signing off

H2H the series: Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon