ROAD TRIP

69 2 0
                                    

Labing tatlo kaming magkakabarkada. Lahat kami puro mga babae. Si Auriga na pumunta na sa Cebu para doon na manirahan permanently, si Ariadne na lagi lang kumakain pero hindi naman tumataba na kapatid ko. Si Silentia na sobrang tahimik lang na pinsan naman ni Dwight. Hindi din magpapahuli si Sierra na badgirl supreme sa aming magkakabarkada, yung pinakamatanda na si Adalee na walang kinakakatakutan. Kabaliktaran naman ni Alexa at Fornax na sobrang gulatin at matatakutin. Si Aina na palaging nagmemake-up at reyna ng mga pageant sa aming paaralan at si Cielyn at Khielsea na nagkakasundo pagdating sa pagsasayaw. Ang pinakabata sa amin ay si Zyche na laging walang ka imik-imik.

Gabi iyon ng biyernes nang nag movie marathon kami sa bahay ni Adalee. Naisipan ni Silentia na tutal bakasyon naman ay magro-road trip daw kami lahat. Sumang-ayon naman kami lahat dahil sa pagkabagot araw-araw. Palagi nalang movie, kain at iba pa.

“Maganda ang naisip mo, tutal may van naman kami, doon nalang tayo sasakay lahat.” Sabi ni Aina. “Ang tanong, saan tayo pupunta?’

“Sa Vigan nalang kaya?” tanong ko.

“Ang layo naman ng Vigan Lynx. Gusto ko yung thrilling at tsaka medyo creepy.” Ani ni Sierra.

“I think I know the right place kung saan tayo pupunta, dito lang sa Q.C., sa Balete Drive. Don’t worry guys I know someone na willing mag help sa atin. She's my friend and she currently living at those ancestral houses malapit sa Balete Drive. So, who wants to join?” tanong ni Cielyn.

We planned that we will go at exactly 8:00 in the evening sa linggo. Si Aina na daw bahala sa sasakyan at si Ariadne naman sa foods and drinks. Kasama din namin si Auriga through video call.

Pasado alas otso na nang nagbiyahe na kami papunta sa balete drive. Si Sierra at Ariadne ang nag sakay ng motor dahil bibili pa sila ng pagkain. 10 kaming nasa loob ng van. Habang binabagtas naming ang kalsada, huli sa aktong nakakita kami ng aksidente. Sakay lang nito ang isang babae at duguan na. Agad namang bumaba si Zyche at Dwight para tingnan ang babae. After a couple of minutes, walang dumadang ambulansya kaya we decided na kami nalang 10 ang pupunta sa Balete drive na wala si Zyche At Dwight dahil sabi nila na sila nalang ang magdadala sa babae sa ospital through Aina’s van.

9:00 na ng gabi nang nakita namin si Zorthia, ang tutulong at magga guide sa aming road trip sa Balete Drive.

"Balete Drive is known for its supernatural sightings that haunts the passengers and drivers whenever they will go at this street. This place is so dark and spooky because of the big trees which covered the lamppost. So its dark, lonely and deserted.” Said Zorthia.

"Magbibilang muna tayo.” I said. “12 tayo lahat kasali na si Auriga from my phone.”

“Kalian ba ito matatapos? Naiiihi na ako”sabi ni Alexa at natawa nalang kami dahil sa sinabi niya.

We are in the middle of the street when we were surprised because of Fornax’s frightening cry.

"Ano bang nangyari sayo? Ang gulatin mo naman dear” Tanong ni Adalee.

"Para kasing nakita ko yung babaeng tinulungan ni Dwight at Zyche kanina. I saw her behind that Balete tree.” Tugon niya.

"Guni-guni mo lang yun Fornax, and besides, nag text na si Zyche sa akin na maayos na daw ang kalagayan ng babae. So it’s just your imagination. Kain ka nalang muna” sabi ni Sierra na hinablot ang pagkain na dala-dala ni Ariadne at ibinigay kay Fornax.

“Zorthia, kailan ba ito matatapos? Its already 10:15 in the evening and I badly need to prepare for the pageant tomorrow. Dapat nag beauty rest na ako at this moment.” Pag iinarteng tanong ni Aina.

"Oo nga, kami rin dalawa ni Cielyn, magpe- perform kami dalawa doon sa pageant ni Aina. Punta kayo lahat guys”. Masayang pahayag ni Kheilsea.

"Sasayaw kami ng BTS! Fire! Oh eh oh!” Patawang tugon ni Cielyn kay Kheilsea.

"Konting tiis lang guys, matatapos din to pag alas dose na ng hating gabi.” sabi ni Adalee sa aming lahat.

Maraming tanong si Auriga tungkol sa mga nakikita naming ancestral houses. Sabi ni Zorthia, iyon daw ay mga antique at century old nang mga Spanish Houses. Marami din kaming natutunan sa kanya. Hanggang ang tahimik na si Silentia ay biglang naalarma at sumigaw ng napaka-lakas at gulat na gulat na tumugon sa sinabi ni Fornax na nandito talaga ang babaeng tinulungan nila Dwight at Zyche. Agad na tumakbo naman si Alexa at Fornax papalayo sa Balete street. Nauna na silang umalis dahil sa sobrang takot.

Binilang ko ulit kung ilan kami. Sakto namang 11 kami lahat kasama na si Zorthia na tour guide at si Auriga sa phone.

Saktong 12:00 na ng hatinggabi ng natapos kami sa road trip.

"11 tayong lahat nung huli ko kayong binilang.” Tugon ko. Binilang din ulit ni Sierra kung ilan kami lahat para sigurado.

"10 lang tayo ngayon. Umalis si Alexa at Fornax at hindi naman nakapunta si Zyche at Dwight so sampu tayo lahat.” Pasubali ni Sierra.

"So kung sampo lang tayo, sino yung isa?” tanong ni Ariadne at pagkatapos no’y tumakbo nalang kami lahat kahit saan sa sobrang takot.

The Tales of my Bleeding Pen Where stories live. Discover now