MALIWANAG

56 4 0
                                    

Pinanganak akong di makapag-salita. Isa akong pipi. Kaya ang buhay ko ay wasak na.

"Hatid na kita sa school mo Annabeth." Sambit ni yaya. Tumango tango na lamang ako.

"Oi, ayan na! Si Annabeth ang bida!" Malakas na hiyawan ang aking naririnig araw- araw. Hindi ako makapag- imik. Hindi ko sila kayang mapag- salitaan.

Nasa lulok lamang ako. Ano pa nga ba'y walang makipag kusang maging kaibigan ko. Pano nga ba? Hindi ako makapag- salita, at iniisip nila'y wala na akong silbi. Oo nasanay na ako, at wala na akong makikita pang pagbabago: sa buhay ko man o sa iba.

"Ano ba?! Tingin tingin kanaman sa dinadaanan mo! Ano ka ba? Pati ba naman ang paningin mo'y nawala na? Hay naman Annabeth! Pipi na nga'y mangmang pa! Wala kang kwenta." Isang mataray na salita ang aking narinig. Wala akong magawa. Hindi ko sila kaya. Araw-araw nalang ganito. Gusto ko nang mawala nalang sa mun—

"Shut the hell up." Isang matipunong tinig ang aking nadinig. Ngunit wala akong paki- alam. Sanay na akong may tumatrato sa akin para sumalba tsaka naman pagkatapos ay ipagmumukha na din akong tanga. Sanay na akong maging laruan sa mundo.

Sino ka nga ba? Isang lalaki ang tumapos sa mga nang- aapi sa akin. Kitang- kita sa kanilang mukha ang pagkamangha at pagkahiya.

"Look, kayo ang mga stupido, hindi si Annabeth. I'm sorry but that is the truth." Hinawakan na ang aking kamay ng mahigpit. "May kapansanan na nga ang tao at ginagatasan niyo pa? How shame. Dito pa kayo pinag- aral ng mga magulang niyo sa prestiyosong paaralan pero ang mga ugali niyo'y nabahiran ng dumi? Such pity."

"Ikaw, tapos ka na bang magser—" Isang babae ang nagtangkang makipag debatihan sa kanya.

"Yes, but no. I rereport ko kayo sa principal. See you tomorrow! Or baka wala na kayo tomorrow." Bigla niya akong inilayo sa mga babae at ipinunta niya ako sa Cafeteria. Nakayuko lamang ako sa paligid at hindi parin alam kung ako ba'y maniniwala sa isang estranghero.

"Here's your snack." Umupo kami sa bakanteng lamesa at ngumiti siya ng magiliw. Hindi ko ginalaw ang kanyang binili ngunit yumuko lamang.

"Hmm, Annabeth? Look at me." Hindi parin ako umimik sa kanya. "Hey, tumingin ka. Look at me please." Sa wakas at napapayag din ako. Isang matipunong mukha ang aking nasaksihan. Ang kanyang maitim at may kahabaan na buhok ang mas lalong nagpapa ganda ng kanyang awra.

At, ito ang pinaka bilib ko sa kanya. Hindi siya nagpakilala sa akin ng pagsasalita ngunit, nagpakilala siya sa akin ng sign languages. Namangha ako sa ipinakita niya sa akin. Ngayon ko lamang naranasan na may isang taong nakakaintindi sa akin, bukod sa mama ko.

At doon, sa isang Cafeteria nagsimula ang aming kwento. Hindi lamang ang pagkakaibigan ang nabuo sa amin. Pati narin pala ang pagkaka- ibigan ng aming mga puso. Simula noong nagkita kami, binago niya ako. Siya ang naging karamay ko sa hirap at mga pagsubok. Siya ang nagbigay ng kulay sa buhay ko. Siya ang nagpakilala sa akin na may mas maliwanag pa na paligid. Hindi lamang nasa madilim, ngunit may kumikinang pala. Siya, siya ang naging taong nakakaintindi sa akin at ako, ako lamang din ang nakakaintindi sa kanya.

Sa ngayon, kami ay naging maligaya. May tatlo na kaming anak na normal at kami ngayon ay nakatira sa America para doon na manirahan ng permanente.

-𝐄𝐍𝐃

The Tales of my Bleeding Pen Where stories live. Discover now