TOM

31 3 0
                                    

Ilang beses ko nang sinubukan na ayusin ang mga imbensyon ko pero hindi pa natatapos, at naayos. Napabuntung hininga ngalang ako dahil sa kapaguran. Limampung beses ko nang inuulit at dinadagdag ang mga kemikal na pwedeng maging solusyon ko sa mga problema ko ngayon. Ilang buwan din akong gumawa nito. Pero magiging sulit ang lahat ng mga ito kung maaayos ko ang mga imbensyon ko.

Ako si Aldous, apatnapung taong gulang at dalawang dekada na ako sa larangan ng pagiging siyentista. Maraming nagsusubaybay na mga doktor at ibang siyentista sa mga bago kong imbensyon at mga gamot sa ibat ibang karamdaman. Pero sa dalawang dekada ko, ngayon lang ako natakot at halos mawalan ng gana sa pagtatrabaho. Dahil ang ginagawa ko ngayon ay isang pagtutugma ng dalawang genes ng hayop para makabuo ng isang panibagong hayop. Hybrid kung baga. Pero hindi lang ito basta bastang hybrid lang. Mga hayop katulad ng pagong at palaka ay pinagsama sama. Aso at leon at iba pa pati narin ang mga halaman. Kung kayat labis ang tuwa ko nung nagtagumpay ako sa isang eksperimentong naging maganda ang kinalabasan.

Kinabukasan ay bumungad sa aking laboratoryo ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. Magka edad ata kami. Hindi ko rin alam kung papaano siya nakapasok sa laboratoryo ko.

" Sino ka? At papaano ka nakapasok sa laboratoryo ko?" Tanong ko sa kanya.

Lumibot siya sa aking silid at tiningnan ang mga imbensyon ko.

" Mga hayop at mga halaman. Dilaw na aso." Tugon niya.

"A-anong kailangan mo? Sino ka naman?" Nakikilabot ako sa tunog ng boses ng lalaki.

" Ang kailangan ko ay ikaw. Ako si Tom."

"Tom?"

"Tom Marvolo Riddle. May kailangan ako sa iyo."

Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko.

" Tutal ay isa ka namang siyentista ay gawin mo akong kalahating ahas at kalahating tao."

"Ano?! Hindi iyon maaari Tom. Alam mong sa mga hayop lang ako gumagawa ng imbensyon ko at walang kasiguraduhan Ang pinagsasabi mo! Hindi, Hindi ko gagawin ito." Bulalas ko sa kanya.

" Kung Hindi ay papatayin kita pati na ang pamilya mo. Si Agatha? At si Lara. Kamusta na sila?" Tanong ni Tom. Hindi ko alam kung bakit niya alam ang anak at asawa ko. Mukhang wala na ata akong magagawa nito.

" Sige, tutulungan kita alang alang sa pamilya ko." Maluha luha kong sabi.

At naisakatuparan Ang gusto ni Tom, ilang buwan din ang paghihirap ko sa imbensyon. Hanggang sa natapos iyon at itinurok sa kanya ang kemikal. Walang ano anoy biglang namutla siya at nagbago ang mukha niya.

Maraming mga pangyayaring hindi ko na lubos maipaliwanag sa nangyayari ngayon sa lalaki. Sobra siyang misteryoso. At nagtagumpay ako sa imbensyon ko. Nagawa kong maging kalahating ahas si Tom.

" Sino kaba talaga?" Tanong ko sa kanya.

" Ako, ako si Tom Marvolo Riddle." Sumulat siya sa hangin at ang kanyang isinulat ay nagmamarka. Takhang takha ako kung anong mahika ang ginagawa niya. Pagkatapos ay may bagong nakasulat: I AM LORD VOLDEMORT.

The end.

The Tales of my Bleeding Pen Where stories live. Discover now