TOWDE 01

1K 32 34
                                    

"How can you miss someone who doesn't exist?" Tanong sakin ng kaibigan ko, "Lagi mong sinasabi na namimiss mo na si ganito si ganyan eh nasa libro lang naman 'yung mga 'yan."

Tinignan ko lang siya ng masama. "If you are a fan of fictional books, you'll know what I feel."

"Bakit kasi nagfofocus ka dyan? Bakit 'di ka magfocus sa reality. Tignan mo, ang dami nang nanliligaw sayo pero 'di mo pa din sinasagot ang isa sa kanila. Kaya ka 'di nagkakajowa eh."

"Eh hindi ko sila bet eh."

"Ano bang hindi kagusto-gusto sa kanila?"

"Kasi, 'yung iba sa kanila, may itsura nga, masama naman ugali. Yung iba, mabait nga pero... Ayoko ng itsura."

"Gaga! That's reality! Walang perfect! Kakabasa mo yan eh naghahanap ka ng perfect guy eh wala naman no'n."

"Eh 'yun 'yung gusto ko eh. Wala pa akong nakikilalang ganun so stay single muna tayo."

Actually, that's a lie.

I'm in love with someone.

But he doesn't exist in this world where I live in. And I don't think he will.

Napahinga na lang ako ng malalim at uminom ng inumin na binili namin dito sa may cafe kung saan kami nakatambay ngayon. Lagi kong niyayaya si Lianne, yung kaibigan ko, dito kasi may mini library sila dito na pwede kang magbasa habang nagkakape. Ideal para sa akin kasi mahilig talaga ako magbasa. Alam ko namang napipilitan lang si Lianne na samahan ako dito pero kahit ganun nandito pa rin siya. Kaya mahal na mahal ko 'tong kaibigan ko na to eh.

"Telle, nagtext yung kuya ko. Pinapauwi na ako. May kailangan ata sakin. Tara na."

"Ay sige. Tara na."

Bago kami umalis, binalik ko muna yung mga librong kinuha ko. Mga tapos ko na naman yun basahin. Sadyang namiss ko lang yung mga male characters dun kaya binasa ko ulit.

Tuluyan na kaming umalis at umuwi na sa kanya kanya namin bahay.

Kinabukasan, after ng klase ko ay dumiretso ako sa bookstore at nagcheck kung may bago bang libro na pwede kong bilhin. Tapos ko na kasi basahin lahat ng nasa collection ko kaya bibili ako ng marami.

Habang tumitingin sa mga shelves, may nakapukaw ng mata ko na libro. Ngayon ko lang nakita yun. Nung binasa ko yung title, napangiti ako bigla.

"The One Who Doesn't Exist by Stoic?" Mukhang bagong author to ah. Hindi masyadong familiar yung pen name niya sa akin.

Binasa ko yung synopsis sa likod ng libro. Syempre, titignan ko kung worth ba yung gastos ko dito sa libro na ito kasi bagong author eh.

Habang binabasa ko ay lalo akong naging interested. Paano ba naman, yung story ay tungkol sa isang bookworm na masyadong attached sa mga characters sa bawat book na binabasa niya. Na tipong lahat na lang kinukumpara niya sa mga nababasa niya. Naiinlove na din siya sa mga characters at meron siyang linyahan, "kung hindi mo kapangalan yung character sa books na nabasa ko, wag moko kausapin." Hmm. Hindi pa naman ako ganun diba? Kung baga sa isip lang lahat ng gusto kong sabihin na related sa mga nababasa ko. Like, pag may nangyayari sa buhay ko na similar sa scene na nabasa ko, isinasa-isip ko lang na sinasabing "nangyari to sa nabasa ko." Tapos ayun nga, pag may nagkakagusto sa akin, palihim ko lang na iniisip na "sana katulad siya nung male character sa nabasa ko." Tapos pag hindi, basted agad.

Medyo ang OA ng bida sa libro pero hindi ko alam kung bakit ko pa rin binili. Pag ito hindi maganda, idodonate ko na lang.

Pero kung hindi siya maganda, bakit siya napublish? Siguro nga maganda 'to.

Nang makauwi na ako sa bahay, ginawa ko muna ang mga dapat kong gawin bago ko sinimulang basahin yung libro.

At tuluyan na naman akong nalamon ng mundong sa imahinasyon lang ng tao nandon.

The One Who Doesn't Exist: Diary of a Reader [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon